Bagama't naging anak sa laman, si Ismael ay pinalayas ng Diyos at inalis sa lahi ni Abraham. (Genesis 21:12)
Dahil si Ismael ay inalis sa lahi ni Abraham, hindi pwedeng sabihin ng mga Muslim na kasama rin sila sa lahi na saklaw ng tipan ng tuli.
Ang tipan ng tuli kasi ay ibinigay lang sa mga kalahi ni Abraham at maging sa mga alipin at kasambahay nila. (Genesis 17:7, 9-14)
+++
Sa kabila niyan, mapilit pa rin ang ilang Muslim na kasama sila sa tipan dahil si Ismael ay nauna pa raw tinuli matapos ibigay ng Diyos ang tipan kay Abraham sa Genesis 17:7.
Sa Genesis 17:23-26 daw ay mababasa na tinuli si Ismael.
Ginagamit nila ang tuli na iyan para kutyain ang mga Kristiyano na sinasabi nilang hindi sumusunod sa tipan ng Diyos.
Ang tanong ay sapat bang batayan ang pagtuli kay Ismael para sabihin ng mga Muslim na kasama rin sila sa lahi ni Abraham at kasama sa dapat tuliin?
Hindi.
+++
Tinuli ni Abraham si Ismael ayon sa Genesis 17:23-27.
Genesis 17:23
At ipinagsama ni Abraham si Ismael, na kanyang anak, at ang lahat na ipinanganak sa kanyang bahay, at ang lahat ng alipin na binili niya ng kanyang salapi, ang lahat ng lalake sa mga lalaking kasambahay ni Abraham, at tinuli ang lamang ng kanilang balat ng araw ding yon, ayon sa sinabi ng Diyos sa kanya.
Ayon sa talata, ang patutuli kay Ismael ay "ayon sa sinabi ng Diyos" kay Abraham.
Mababasa natin yan sa Genesis 17:13 kung saan iniutos ng Diyos ang pagtutuli sa lahat ng kalalakihan sa lahi at sambahayan ni Abraham.
Genesis 17:13
Ang ipinanganak sa bahay at ang alipin na binili ng iyong salapi, ay dapat tuliin: at ang aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan.
Dahil si Ismael ay ipinanganak sa bahay ni Abraham ay kinailangan siyang tuliin.
At hindi lang siya ipinanganak sa bahay ni Abraham. Si Ismael ay alipin din dahil ang nanay niyang si Hagar ay alipin ni Abraham at ng asawa niyang si Sarah.
So, sumunod lang si Abraham sa utos ng Diyos dahil Diyos ang magsasabi kung sino man ang kasama o hindi kasama sa Kanyang tipan.
Dahil diyan, pwedeng-pwede ring alisin ng Diyos sa tipan ang sino mang gusto Niyang alisin.
Sa Genesis 21:12 ay inalis nga ng Diyos si Ismael sa tipan ng tuli matapos siyang alisin ng Maykapal sa lahi ni Abraham.
Genesis 21:12
At sinabi ng Diyos kay Abraham, 'Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong alipin; sa lahat ng sabihin sa iyo ni Sara, ay makinig ka sa kanyang tinig, sapagkat kay Isaac tatawagin ang iyong lahi.'
Ang tinutukoy diyan ng Diyos ay ang papapalayas ni Sara kay Ismael at sa nanay niyang alipin na si Hagar. (Genesis 17:10)
Sabi ng Diyos sa Genesis 21:12 ay pakinggan ni Abraham ang tinig ni Sara na nagpapalayas sa mga aliping sina Ismael at Hagar.
Sa madaling salita ay binale wala ng Diyos ang tuli na tinanggap ni Ismael sa Genesis 17:23-27. Inalis ng Diyos si Ismael sa lahi ni Abraham at kasama roon ay ang bisa ng tuli na ibinigay sa kanya.
Mapapansin din na mismong pagiging anak sa laman ni Ismael ay binale wala ng Diyos. Ayon sa Diyos, si Ismael ay "alipin" ni Abraham.
Kung sa mata at pamantayan ng tao ay anak ni Abraham si Ismael, para sa Diyos, si Ismael ay alipin lang ni Abraham. At ang pagbalewala ng Diyos kay Ismael ay tinuldukan ng Maykapal noong igiit Niya na "kay Isaac tatawagin" ang lahi ni Abraham.
Sa pananaw na pantao o panglupa, dapat kay Ismael tawagin ang lahi ni Abraham dahil siya ang "panganay." Pero dahil hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang anak ni Abraham ay walang bisa ang pagiging "panganay" niya. Wala ngang bisa ang panglupang pagiging anak niya at inalis pa siya ng Diyos sa lahi ni Abraham.
+++
So, sorry na lang sa mga naniniwala na kasama sila sa tipan ng tuli dahil natuli rin ang ninuno nilang si Ismael.
Dahil inalis ng Diyos si Ismael sa lahi ni Abraham at inalis sa tipan ng tuli, inalis na rin ng Diyos sa lahi ni Abraham at sa tipan ng tuli ang lahat ng kalahi ni Ismael.
Diyan natin makikita na walang batayan ang sinasabi ng ilang Muslim na kasama pa sila sa tipan ng tuli dahil tinuli si Ismael -- at nauna pa ngang tuliin.
Nagkakamali sila kung inaakala nilang unahan ang tipan at tuli. Hindi mahalaga kung sino ang nauna o nahuli. Ang mahalaga ay kung tinatanggap ng Diyos ang isang tao o isang lahi sa tipan na Kanyang ibinigay kay Abraham.