Showing posts with label Holy Spirit: Paano uunawain?. Show all posts
Showing posts with label Holy Spirit: Paano uunawain?. Show all posts

Wednesday, December 16, 2009

1Cor8:6 kinontra ang Deut 4:35?

MAY COMMENT po ang MUSLIM sa sinabi sa 1Corinthians8:6.

Ayon sa talata, "yet for us there is ONE GOD, the FATHER, from whom all things are and for whom we exist, and ONE LORD, JESUS CHRIST, through whom all things are and through whom we exist."

Sabi ng MUSLIM:
Sa salitang sinabi dyan eh malinaw na "contradiction" dun sa sinabi sa Deuteronomy 4:35, "Ipinakita sa inyo ang mga bagay na ito upang malaman ninyo na ang PANGINOON ay DIYOS, at maliban sa kanya ay WALA NANG IBA."

Pero MALINAW na po ang PAHAYAG ng DIYOS na SIYA ay PANGINOON at DIYOS at WALA nang IBA LIBAN sa KANYA.

CENON BIBE:
WALA pong CONTRADICTION diyan. HINDI lang po NAUUNAWAAN ng MUSLIM na REACTOR natin ang talata na NAGPAPAKITA ng DALAWA sa TATLONG PERSONA ng HOLY TRINITY, ang NAG-IISANG TUNAY na DIYOS.

Ang 1Cor8:6 po kasi ay INIHAYAG ng DIYOS noong UNANG SIGLO kung kailan WALA PANG ISLAM at WALA PANG MUSLIM.

Ang ISLAM po ay NASIMULAN noong 610 AD o may 600 TAON MATAPOS MAGKATAWANG TAO ang DIYOS ANAK na si HESUS at ITINAYO ang KRISTIYANISMO. MALAYO na po SILA sa KATOTOHANAN na IBINIGAY MISMO ng DIOS sa mga TAO, partikular sa mga ALAGAD NIYA, ang mga KRISTIYANO.

Si HESUS po ang LUBOS na NAGPAKILALA sa NAG-IISANG TUNAY na DIYOS. At ipinakita po ni HESUS na ang TUNAY na DIYOS ay ang HOLY TRINITY, ang NAG-IISANG DIYOS na MAY TATLONG PERSONS.

Sa Matthew 28:19 ay sinabi ni HESUS, "Go, therefore, and make disciples of all nations, baptizing them in the NAME of the FATHER, and of the SON, and of the HOLY SPIRIT."

Take note po ang IISANG "NAME" o PANGALAN. Iyan po ang NAG-IISANG PANGALAN ng NAG-IISANG TUNAY na DIYOS.

Take note din po na TATLO ang NAGTATAGLAY ng NAG-IISANG PANGALAN ng DIYOS. Ang TATLO ay ang AMA, ang ANAK, at ang ESPIRITU SANTO. SILA po ang TATLONG PERSONA ng NAG-IISANG DIYOS.

Dahil SILA ay IISANG DIYOS, ang mga TITULO o KATANGIAN na ANGKOP sa DIYOS (tulad ng DIYOS at PANGINOON) ay ANGKOP sa BAWAT ISA sa mga PERSONA. At ang TITULO o KATANGIAN na TAGLAY ng BAWAT ISA na ANGKOP sa DIYOS ay SA DIYOS NGA IBINIGAY.

Kaya nung sabihin sa Deut 4:35 na ang DIYOS ang NAG-IISANG PANGINOON, iyan ay TUMUTUKOY sa BAWAT ISANG PERSONA ng DIYOS. PUWEDENG SABIHIN na ang AMA ang NAG-IISANG DIYOS at NAG-IISANG PANGINOON.

GANOON DIN sa ANAK. Siya ay MATATAWAG na NAG-IISANG DIYOS at NAG-IISANG PANGINOON.

At maging ang ESPIRITU SANTO ay MATATAWAG na NAG-IISANG DIYOS at NAG-IISANG PANGINOON.

Ang pagka-DIYOS po kasi ng AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO ay PAREHO at IISA.

Ang ginawa po ni PABLO ay INIHIWALAY lang NIYA ang mga KATANGIAN at IBINIGAY sa DALAWA SA TATLONG PERSONA ng DIYOS ang AMA at ANAK. Ang LAYUNIN ni PABLO ay PARA IPAKITA na ang AMA at ANAK ay DALAWANG MAGKAIBANG PERSONA ng IISANG DIYOS.

Sa kabila po niyan, ang mga TITULO o KATANGIAN na BINANGGIT ni PABLO patungkol sa AMA (IISANG DIYOS) at ANAK (IISANG PANGINOON) ay TUMUTUKOY sa TRINIDAD o IISANG DIYOS.

Ibigay po nating HALIMBAWA ang TUBIG.

Kung kukuha po tayo ng TUBIG sa BALON at ILALAGAY sa BASO, ILANG TUBIG po ba ang MERON TAYO?

IISA pa rin. Ang TUBIG po kasi sa BASO at SIYA RIN MISMONG TUBIG na NASA BALON. Ang KAIBAHAN lang ay NAIHIWALAY NATIN ang nasa BASO.

Ngayon, paano po kung INUMIN NATIN ang TUBIG na NASA BASO na may MATITIRA pa roon, ILANG TUBIG na po ang MERON? Meron na kasing tubig sa BALON, tubig sa BASO at tubig na NAINOM NATIN.

TATLO na ba ang TUBIG?

HINDI po. IISA pa rin ang TUBIG dahil ang TUBIG na ININOM natin ay SIYA RING TUBIG na NAIWAN sa BASO at NAROON sa BALON. IISA pa rin po yan.

Ang PAGKAKAIBA ay ang NAGING "ROLE" ng TUBIG.

Ang TUBIG sa BALON ay SOURCE. Ang TUBIG sa BASO ay tubig na "NAHAHAWAKAN" natin. Ang TUBIG naman na ininom natin ay NAGIGING BAHAGI NA NATIN.

TATLO SILANG TUBIG na MAY KANYA-KANYANG GINAGAMPANAN pero IISA PA RIN ang TUBIG.

Ngayon, kapag sinabi po ba natin na ang TUBIG sa BALON ay NAG-IISANG TUBIG na TUNAY, ibig sabihin po ba ay HINDI na TUNAY ang TUBIG na NASA BASO at yung ININOM natin?

TUNAY na pin po. IISA SILANG TUBIG e.

Paano po kung sinabi natin na ang TUBIG sa BASO ay NAG-IISANG MASARAP na TUBIG? Ibig sabihin po ay HINDI na MASARAP yung nasa BALON at yung ININOM natin?

MASARAP pa rin SILA. Ang TUBIG po kasi na NASA BASO ay YUN DIN MISMONG TUBIG na NASA BALON at ININOM NATIN.

Kaya po nung sabihin ni PABLO sa 1Cor8:6 na ang AMA ang NAG-IISANG DIYOS binibigyang DIIN lang niya na IBA ang PERSONA ng AMA sa PERSONA ng ANAK. Binibigyang diin din ni Pablo na ang AMA ang UNA o SOURCE ng lahat ng pagka-DIYOS.

Nung sabihin din niya na ang ANAK ang NAG-IISANG PANGINOON, binibigyang diin lang ni Pablo na HIWALAY ang PERSONA ng ANAK sa PERSONA ng AMA.

DALAWANG MAGKAIBANG DIYOS po ba ang TINUTUKOY ni PABLO?

HINDI po. Dahil ang pagiging IISANG DIYOS at pagiging IISANG PANGINOON ay TUMUTUKOY sa IISANG TUNAY na DIYOS na binanggit sa Deut 4:35.

Ganoon po yon kaya WALANG CONTRADICTION sa 1Cor8:6 at Deut 4:35. HINDI LANG PO NAUUNAWAAN nitong BALIK ISLAM ang SINASABI ng mga TALATA. Tila po kasi INUUNA nitong BALIK ISLAM ang PAGHAHANAP ng IPANINIRA sa BIBLIYA bago ang PAG-UNAWA.

SORRY po pero iyan po ang nakikita natin.



MUSLIM:
Sa Isaiah 45:5 ay sinabi ng DIYOS, "AKO ang PANGINOON, at WALA NANG IBA; MALIBAN sa AKIN ay WALA NANG IBANG DIYOS."

Pansin nyo po ba? Sabi Isa lang, pagdating sa Corinthians naging dalawa na.. one GOD AND one lord. isang Dios AT isang Panginoon. Pansin nyo po ba ang pagkakagamit ng salitang "AT" or "AND" dyan. Pakisagot lang po

CENON BIBE:
WALA pong PROBLEMA riyan.

Ang HOLY TRINITY na DIYOS ng BIBLYA ay ang NAG-IISANG DIYOS.

TAMA po ang OBSERBASYON nitong MUSLIM: WALA na pong IBANG DIYOS LIBAN sa TRINIDAD.

SORRY dahil pati po CONJUNCTION na "AND" o "AT" ay HINDI NAIINTINDIHAN ng MUSLIM o BALIK ISLAM na REACTOR.

Isa sa mga GAMIT sa "AND" ay ang IPAKITA ang PAGIGING ISA ng DALAWA o HIGIT pang BAGAY o TAO.

Halimbawa, ang "HAM and EGG" ay HINDI DALAWANG SANDWICH. IISANG SANDWICH po iyan.

Ang "Barnes AND Noble" ay BOOKSTORE. Porke ba sinabing "Barnes AND Noble" ay DALAWANG BOOKSTORE na?

HINDI po. Dahil sa salitang "AND" ay IPINAKIKITA na iyan ay IISANG BOOKSTORE.

Mismong ang PANGINOONG HESUS ay NAGPAKITA ng DALAWA pero IISA.

Sa John 10:30 ay sinabi ng PANGINOON: "Ako AT ang AMA ay IISA." Sa English, "I AND the FATHER are ONE."

Diyan ay IPINAKIKITA ng PANGINOONG HESUS na Siya AT ang AMA ay IISA kahit pa SILA ay HIWALAY at MAGKAIBA.

IISANG ANO po?

IISANG DIYOS. Tugmang-tugma sa sinabi sa 1Cor8:6: Ang AMA na NAG-IISANG DIYOS at si HESU KRISTO na NAG-IISANG PANGINOON ay IISANG DIYOS.

PURIHIN ang TRINIDAD! PURIHIN ang DIYOS!