Showing posts with label Diyos si Hesus. Show all posts
Showing posts with label Diyos si Hesus. Show all posts

Wednesday, March 6, 2013

Hesus, Sinamba ba nung Nasa Lupa pa?





NAGTANONG ang isang NAIPASOK sa ISLAM:
"NOON BUHAY PA SI HESUS MAY mga TAO BA NA SUMAMBA SA KANYA?? PLZ ANSWER BRO."

OO, MAY TAONG SUMAMBA sa PANGINOONG HESUS nung NARITO PA SIYA sa LUPA.

KATUNAYAN, KAPAPANGANAK PA LANG NIYA ay SINAMBA NA SIYA ng mga MAGO.

MATTHEW 2:11
At nagsipasok sila [MAGO] sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at NANGAGPATIRAPA SILA at NANGAGSISAMBA sa KANIYA.

Sa GREEK TEXT ay sinabi ang "PROSEKYNēSAN" na ang KAHULUGAN ay "SUMAMBA."

Kaya DIYAN pa lang ay SINAMBA NA ang PANGINOONG HESUS.
.
.
.
Eto pa ang IBANG TALATA kung saan SINAMBA ang PANGINOONG HESUS.

* Matthew 8:2
At narito, lumapit sa kaniya ang isang ketongin, at siya'y sinamba [PROSEKYNEI], na nagsasabi, Panginoon, kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako.

* Matthew 9:18
Samantalang sinasalita niya ang mga bagay na ito sa kanila, narito, dumating ang isang pinuno, at siya'y [HESUS] sinamba [PROSEKYNEI], na nagsasabi, Kamamatay pa lamang ng aking anak na babae: datapuwa't halina at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya, at siya'y mabubuhay.

* Matthew 15:25
Datapuwa't lumapit siya at siya'y [HESUS] sinamba [PROSEKYNEI] niya, na nagsasabi, Panginoon, saklolohan mo ako.

AYAN, MALINAW na SINAMBA ang PANGINOONG HESUS nung NARITO pa SIYA sa LUPA.
.
.
.
ETO pa, Sa JOHN 20:28 ay IPINAGSIGAWAN PA ng APOSTOL na si TOMAS na DIYOS NIYA ang PANGINOONG HESUS.

JOHN 20:28
"Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at DIYOS KO!

KLARO, di ba?

So, DITO pa lang sa LUPA ay KINILALA nang DIYOS ang PANGINOONG HESUS.

Tuesday, March 5, 2013

Numbers 23:19 (Hindi Tao ang Diyos?)



PATULOY ang MUSLIM na si Abdulgafoor B. Ahmad sa mga MALI NIYANG UNAWA sa mga TALATA ng BIBLE.

Tulad nitong Numbers 23:19 na PATUNAY raw na HINDI DIYOS ang PANGINOONG HESUS.

SABI riyan:
"Ang Diyos ay hindi tao na magsisinungaling o ni anak ng tao na nagsisisi."

PANSININ NATIN na TULAD ng OSEAS 11:9 ay OLD TESTAMENT YAN. HINDI PA NAGKAKATAWANG TAO ang DIYOS ANAK, ang PANGINOONG HESUS.

MAKIKITA rin NATIN diyan na HINDI SINASABI ng DIYOS na HINDI SIYA MAGKAKATAWANG TAO.

Ang GINAGAWA ng TALATA ay IKINUKUMPARA LANG NIYA ang DIYOS sa TAO.

At ayon sa BILANG 23:19

-- ang TAO ay MARUNONG MAGSINUNGALING. Ang DIYOS ay HINDI.

-- ang TAO ay NAGSISISI. Ang DIYOS ay HINDI.

So, MALINAW riyan na PAGSISINUNGALING ng TAO ang TINUTUTULAN ng TALATA.

+++

TINUTUTULAN ba sa BILANG 23:19 na MAGKAKATAWANG TAO ng DIYOS?

HINDI.

At ang KATOTOHANAN nga ay NAGKATAWANG TAO ang DIYOS nung MAGKATAWANG TAO ang DIYOS ANAK na si HESUS.

+++

So, MALI ang UNAWA NINYO dahil HINDI NINYO INUUNAWA nang TAMA ang TALATA.

Ang GUSTO kasi NINYO ay IPASOK DIYAN ang HINDI NAMAN SINASABI ng TALATA.

OUT OF CONTEXT KAYO LAGI kaya LAGING MALI ang INYONG mga SINASABI.

Hosea 11:9 (Diyos Sinabing Hindi Siya Tao?)



SABI ng MUSLIM na si Abdulgafoor B. Ahmad:
TUNAY NA DIOS AT TUNAY NA TAO[?]

YAN BAK NMN CENON ANG MO SABIHIN NA SINUNGALING ANG MAG MUSLIM EH IKAW NA ATA NGSISINUGALING SIYA kasi ay TUNAY na DIYOS at TUNAY na TAO.

Oseas 11:9 "Sapagka’t ako ay Diyos, hindi tao."

Bilang 23:19 " Ang Diyos ay hindi tao na magsisinungaling o ni anak ng tao na nagsisisi."

YAN CENON HNDI RAW TAO ANG DIOS GINAWA MONG TAO EH....

+++

Sabi sa OSEAS 11:9
Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.

Una, OLD TESTAMENT YAN. HINDI PA NAGKAKATAWANG TAO ang DIYOS nung SABIHIN NIYA YAN.

Kaya MALING SABIHIN na ITINATANGGI NIYA na SIYA ay NAGING TAO.

+++

ANO ang KAHULUGAN ng SINABI ng PANGINOON sa Osea 11:9?

GALIT ang PINATUTUNGKULAN ng DIYOS:

"Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao."

-- HINDI SIYA TAO na NAGSASAGAWA ng KABANGISAN ng GALIT.

-- HINDI SIYA TULAD ng TAO na WALANG SAYSAY kung MAGALIT.

YAN YON.

+++

Ngayon, MAY SINABI ba riyan ang DIYOS na "HINDI AKO MAGIGING TAO" o "HINDI AKO MAGKAKATAWANG TAO"?

WALA.

+++

KATUNAYAN, MAY PAHIWATIG na RIYAN ang DIYOS na DARATING SIYA. SABI NIYA, "Hindi ako PAROROON na may galit."

SAAN SIYA PAROROON?

E di sa LUPA. WALA naman SIYANG IBANG PUPUNTAHAN NA sa LANGIT dahil SAKLAW na NIYA LAHAT YON e.

NAGPAPAHIWATIG na SIYA sa OSEAS 11:9 na SIYA ay DARATING sa LUPA. SIYA ay MAGKAKATAWANG TAO.

At ang SINASABI NIYA ay HINDI SIYA DARATING na ang DALA NIYA ay GALIT.

ANO BA ang DALA ng PANGINOONG DIYOS nung SIYA ay DUMATING, nung SIYA ay MAGKATAWANG TAO?

PAGMAMAHAL.

JOHN 15:12
"Ito ang aking utos, na kayo'y MAGMAHALAN sa isa't isa, na gaya ng PAGMAMAHAL KO sa inyo."

Kaya nga NUNG MAGKATAWANG TAO ang DIYOS at DUMATING sa LUPA sa PERSONA ng PANGINOONG HESUS ay PAGMAMAHAL ang DALA NIYA.

+++

So, MALIWANAG na ang KAHULUGAN ng OSEAS 11:9.

HINDI NIYA SINASABI na HINDI SIYA MAGKAKATAWANG TAO.

Ang sinasabi Niya ay HINDI SIYA TULAD ng TAO na WALANG SAYSAY kung MAGALIT.

Bagkus, NAGPAHIWATIG pa ang DIYOS na SIYA ay DARATING. At sa KANYANG PAGDATING (PAGKAKATAWANG TAO) ay PAGMAMAHAL ang DALA NIYA at HINDI GALIT.

Monday, March 4, 2013

Jesus Nagpakilalang Diyos (John 8:56, 8:58, John 5:17-18)

MARAMING BESES NAGPAKILALANG DIYOS ang PANGINOONG HESUS. HINDI lang NINYO NAKITA dahil HINDI NINYO NAIINTINDIHAN ang mga PAHAYAG sa BIBLE.

ETO ang ILANG PROOF na NAGPAKILALANG DIYOS ang PANGINOONG HESUS.

1. SIYA ang DIYOS na NAGPAKITA kay ABRAHAM.

JOHN 8:56
Your ancestor Abraham rejoiced that he would see my day; he saw it and was glad.

GENESIS 17:1
When Abram was ninety-nine years old, the LORD appeared to Abram, and said to him, "I am God Almighty; walk before me, and be blameless."

MALINAW riyan na NAGPAKILALA ang PANGINOONG HESUS bilang DIYOS na NAGPAKITA kay ABRAHAM.

2. NAGPAKILALA SIYA bilang DIYOS na NAGPAKITA kay MOSES.

JOHN 8:58
Jesus said to them, "Very truly, I tell you, before Abraham was, I AM."

EXODUS 3:13-14
But Moses said to God, "If I come to the Israelites and say to them, 'The God of your ancestors has sent me to you,' and they ask me, 'What is his name?' what shall I say to them?"

God said to Moses, "I AM WHO I AM." He said further, "Thus you shall say to the Israelites, 'I AM has sent me to you.'"

MALINAW na NAGPAKILALA ang PANGINOONG HESUS bilang "I AM" o ang DIYOS na NAGPAKILALA kay MOISES.

3. NAGPAKILALA SIYANG DIYOS nang SABIHIN NIYA na AMA NIYA ang DIYOS.

JOHN 5:17
But Jesus answered them, "MY FATHER is still working, and I also am working."

JOHN 5:18
For this reason the Jews were seeking all the more to kill him, because he was not only breaking the sabbath, but was also CALLING GOD HIS OWN FATHER, thereby MAKING HIMSELF EQUAL TO GOD.

AYAN, MALILINAW na PROOF na NAGPAKILALANG DIYOS ang PANGINOONG HESUS.

Sunday, March 3, 2013

John 20:28 (Tomas Nagulat?)



.
.
NABIGYANG diin ang PAHAYAG ni TOMAS sa JOHN 20:28 kung saan SINABI NIYA na ang PANGINOONG HESUS ay "PANGINOON KO at DIYOS KO!"

Natural, TUTOL ang mga MUSLIM dahil PATOTOO YAN na DIYOS ang PANGINOONG KRISTO. NAGULAT lang daw si TOMAS at HINDI NAGHAHAYAG ng PANINIWALA sa pagka-DIYOS ni HESUS.

Isa pa ngang MUSLIM, si Nhordz G Diamal ay PINUNA pa ang PAGGAMIT ng EXCLAMATION POINT (!) sa TALATA.

ANO ba ang TOTOO?

SAGUTIN NATIN ang SABI ni Nhordz:
.
.
.
SABI MO, Nhordz G Diamal
bulag kna sa katotohanan kapatid.. pero nasa sau yn,,, teka kapatid matanong nga kita,, bkit inalis ung exclamation point(!) sa ibang version mg biblia?

CENON BIBE:
PINAG-ARALAN KO YAN kaya ALAM KO ang SINASABI KO.

Sa ORIHINAL na GREEK, ang SALITANG MABABASA ay "μου" na ang LITERAL na SALIN ay "OF ME" sa Ingles at "KO" sa Pilipino.

Sa GREEK, ang "μου" ay salitang "ENCLITIC" o MAY DIIN.

Sa INGLES o PILIPINO, ang DIIN sa PANANALITA ay ginagamitan ng EXCLAMATION POINT (!).

YAN YON.

+++

Ngayon, SABI MO ay NAGULAT?

MALI.

Kung babasahin sa ORIHINAL na GREEK ay HINDI PAGKAGULAT ang IPINAKIKITA kundi PAGDIDIIN sa PAHAYAG.

Sabi sa GREEK:
"ἀπεκρίθη Θωμᾶς καὶ εἶπεν αὐτῷ· κύριος μου καὶ θεός μου."

"apekrithē Thōmas kai eipen autō HO kyrios mou kai ho theos mou"

Sa LITERAL na SALIN sa Ingles:
"Answered Thomas and said to him, the Lord of me and the God of me!"

Sa LITERAL na SALIN sa PILIPINO:
"Sumagot si Tomas at sinabi sa kanya, ang Panginoon ko at ang Diyos ko!"

HINDI YAN SALITA ng NAGULAT.

Una, ang SABI ay "SUMAGOT" si TOMAS.

Kapag NAGUGULAT ay HINDI KA SASAGOT. SISIGAW KA LANG.

Pangalawa, ang SABI ay "SINABI" ni TOMAS sa PANGINOON ang KANYANG PAHAYAG. Kung NAGULAT ay SISIGAW LANG.

Pangatlo, GUMAMIT ng "DEFINITE ARTICLE" na "HO" o "THE" o "ANG" sa PAGSABI ni TOMAS ng "PANGINOON KO at "DIYOS KO."

So, sa madaling salita ay SUMAGOT si TOMAS at SINABI kay HESUS na si HESUS "ANG PANGINOON KO at ANG DIYOS KO!"

HINDI SIYA NAGULAT. NAGPAHAYAG SIYA ng PANINIWALA sa PANGINOON at DIYOS na si HESUS.

+++

Lastly, MALINAW sa SAGOT ng PANGINOONG HESUS na INAYUNAN NIYAN ang SINABI ni TOMAS.

Sabi ng Panginoong Hesus: "Have you believed because you have seen me? Blessed are those who have not seen and yet have come to believe."

"NANIWALA KA dahi NAKITA MO AKO? PINAGPALA ang mga HINDI NAKAKITA pero NANIWALA."

NANIWALA kasi si TOMAS na NABUHAY ULI ang PANGINOONG HESUS.

NANIWALA si TOMAS na DIYOS ang PANGINOONG HESUS dahil DIYOS LANG ang PUWEDENG MABUHAY MULI galing sa PATAY.

Wednesday, September 23, 2009

John 10:30 ano ang konteksto?

ITINATANONG po ng BALIK ISLAM:
"Sinasabi po nitong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan na ganito "HINDI po MAUNAWAAN nitong BALIK ISLAM kung ANO ang OUT OF CONTEXT sa mga SINASABI NIYA" Mr. Cenon Bibe ano po ba ang CONTEXT ng talata sa John 10:30 since naging bukang bibig mo na ang OUT of CONTEXT ikaw, alam mo ba ang CONTEXT ng John 10:30? nagtatanong lamang po gusto ko lamang po na malalaman kong alam mo nga ba talaga ang pinagsasabi mo:"

CENON BIBE:
Ang KONTEKSTO po ng Jn10:30 ay ang KAHALAGAHAN NI HESUS sa KALIGTASAN ng TAO.

Sa Jn10:1-3 ay sinabi ng PANGINOONG HESUS:
"Amen, amen, I say to you, whoever does not enter a sheepfold through the gate but climbs over elsewhere is a thief and a robber.

"But whoever enters through the gate is the shepherd of the sheep.

"The gatekeeper opens it for him, and the sheep hear his voice, as he calls his own sheep by name and leads them out."

Diyan ay binibigyang DIIN ni HESUS ang KAHALAGAHAN ng DALAWANG BAGAY:

1. Ang "GATE" o PINTUAN ng KAWAN

2. Ang "SHEPHERD" o PASTOL

Sa Jn10:7 ay IPINAKILALA ni HESUS kung SINO ang "GATE" o PINTUAN.

Sabi Niya riyan:
"Amen, amen, I say to you, I AM THE GATE for the sheep."

SI HESUS ang PINTUAN.

ANO raw ang KAHALAGAHAN ng PINTUAN o ni HESUS?

Sabi Niya sa Jn10:9:
"I am the gate. WHOEVER ENTERS THROUGH ME WILL BE SAVED, and will come in and go out and find pasture."

Ang DADAAN KAY KRISTO ay MALILIGTAS!

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS NA TAGAPAGLIGTAS!

Ngayon, SINO NAMAN po ang "SHEPHERD" o ang PASTOL?

Sabi ni KRISTO sa Jn10:11, 27-28:
"I am the good shepherd. A good shepherd lays down his life for the sheep."

"My sheep hear my voice; I know them, and they follow me.

"I give them eternal life, and they shall never perish. No one can take them out of my hand."

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

Bilang PASTOL po pala ay BIBIGYAN NI HESUS ng BUHAY ang KANYANG MGA TUPA.

Pero PAANO MAGAGAWA ni HESUS na BIGYAN ng BUHAY ang KANYANG MGA TUPA?

Kung TAO LANG si HESUS sangayon sa gustong paniwalaan nitong BALIK ISLAM ay IMPOSIBLE YON.

SARILING BUHAY ng TAO ay HINDI NIYA HAWAK, PAANO PA SIYA MAKAPAGBIBIGAY ng BUHAY sa MARAMING MANINIWALA SA KANYA?

So, sa SINABI NI HESUS na BIBIGYAN NIYA ng BUHAY ang KANYANG MGA TUPA o TAGASUNOD ay NAGDEDEKLARA SI KRISTO na SIYA AY DIYOS.

SINO pa nga ba ang KAYANG MAGBIGAY NG BUHAY SA TAO kundi ang DIYOS?

So, PARA PATUNAYAN na KAYA NIYANG MAGBIGAY ng BUHAY sa mga TAGASUNOD NIYA ay PINATUNAYAN NIYA na SIYA ay DIYOS.

IYAN ang KONTEKSTO ng PAGSASALITA ni HESUS sa Jn10:30 na "AKO at ang AMA ay IISA."

PINATUNAYAN NIYA na DIYOS SIYA sa pamamagitan ng PAGPAPAKITA na SIYA at ang DIYOS AMA ay IISANG DIYOS.

Ang PRUWEBA NIYAN ay sa SINABI ni HESUS sa Jn10:28-29.

Sa Jn10:28 ay sinabi ng PANGINOON:
"No one can take them [SHEEP] out of my hand."

Sa Jn10:29 ay sinabi ni HESUS na:
"My Father, WHO HAS GIVEN THEM TO ME, is greater than all,"

Diyan ay IBINIGAY NA ng AMA ang MGA TUPA KAY HESUS. Kaya nga sa Jn10:28 at SINABI ni KRISTO na ang mga TUPA ay NASA KAMAY NA NIYA.

Pero tingnan po ninyo sa DULO ng TALATA kung SINO ang MAY HAWAK sa ma TUPA.

Sabi riyan:
"and no one can take them out of THE FATHER'S HAND."

KANINO raw pong KAMAY ang MAY HAWAK sa mga TUPA?

SA AMA.

MALINAW na ang KAMAY ni HESUS (Jn10:28) at ang KAMAY ng AMA (Jn10:29) ay IISA. Kaya nga po sa Jn10:30 ay sinabi ni HESUS na "AKO AT ANG AMA ay IISA."

IISA SILANG ANO?

IISA SILANG DIYOS.

Iyan ang LUMALABAS sa KONTEKSTO ng Jn10:30.

Salamat po.

Wednesday, April 1, 2009

Milagro: Patunay na Diyos si Kristo

BIGYANG daan po natin itong text ng isang BALIK ISLAM tungkol sa column natin na ang Panginoong Hesus ay DIYOS.

Sabi ng ating texter, “Mayroon bang Dios na pinapako sa krus o natutulog at kumakain o namamatay?”

“Eh paano na ang mundo kung Siya ang Diyos?”

“Alam mo, utak bibe ka talaga. Gumising ka at baka ikaw bangungutin. Hindi ka na magising. Hahaha!”

“Si Allah lang ang makapangyarihan sa lahat. Si Hesus sugo lang niya yun.”

Salamat po sa ating texter.

Kung naniniwala kayo kay Allah ay nasa inyo yan. Basta po ako at ang mga KRISTIYANO ay KAY HESUS NANINIWALA.

Si HESUS po kasi ay PINATUNAYAN na DIYOS SIYA sa pamamagitan ng PAGGAWA Niya ng mga MILAGRO at HIMALA.

Pero dahil interesado po tayo sa sinasabi nitong Muslim na nag-text sa atin ay tinanong ko sa kanya kung “ANONG MILAGRO ANG GINAWA NG DIYOS NINYO? PAKI TUKOY NGA NG ISA.”

AWA po ng DIYOS ay NAGHIHINTAY pa rin po ako ng SAGOT sa aking tanong.

WALA pa pong MATUKOY na MILAGRO ang BALIK ISLAM na nag-text sa atin.

May iba na po akong nakausap na BALIK ISLAM at ang sinasabi nilang “milagro” raw ay ang nilalaman ng kanilang BANAL NA AKLAT--ang KORAN.

Ang tawag po kasi nila sa TALATA ng kanilang aklat ay “AYAT” na ang isa sa mga kahulugan ay “miracle.”

Pero ang HINAHANAP po natin ay HINDI TALATA o SALITA. Kung TALATA at SALITA lang po ay MARAMI ang BIBLIYA niyan.

Ang hinahanap po natin ay yun mismong MILAGRO na tulad ng GINAWA ni KRISTO. Halimbawa ang PAGBUHAY sa PATAY, PAGPAPARAMI ng TINAPAY, PAGGAWA ng ALAK mula sa TUBIG at marami pang iba.

Sana po ay MAY MAIPAKITA ang ating texter na TOTOO at AKTUWAL na MILAGRO at MAGHIHINTAY pa rin po tayo sa ipakikita niya.

Samantala, kaya po tayo naniniwala sa pagka-DIYOS ni HESUS ay dahil PINATUNAYAN NIYA ang pagiging DIYOS NIYA.

Pinuna ng ating texter ang PAGKAPAKO sa KRUS, PAGKAIN at PAGTULOG ng ating PANGINOONG HESUS.

Para po sa kanya ay “patunay” iyan na “hindi Diyos” si Hesus.

SORRY pero MALI po ang unawa ng ating texter.

Ang TUNAY pong DIYOS ay MAKAPANGYARIHAN sa LAHAT at KAYA NIYANG GAWIN ang LAHAT ng BAGAY na GUSTO NIYANG GAWIN.

Sabi nga po sa Luke 1:37, “WALANG IMPOSSIBLE sa DIYOS.”

Kaya nga nung GINUSTO ng DIYOS na MAGKATAWANG TAO ay NAGAWA NIYANG MAGKATAWANG TAO.

At BAHAGI ng PAGKAKATAWANG TAO ay ang PAGKAIN, PAGTULOG at ULTIMO ay ang PAGPAPAPAKO NIYA sa KRUS.

Sa halip po na ipakita na “hindi Diyos” si Hesus ay PINATUNAYAN pa NIYA na DIYOS SIYA nung GAWIN NIYA ang mga iyan.

Paano po?

Dahil sa pamamagitan po ng PAGKAKATAWANG TAO NIYA at PAGDANAS ng LAHAT ng bagay na dinaranas ng tao ay IPINAKITA ng DIYOS na KAYA TALAGA NIYANG GAWIN ang LAHAT.

Nung NASA KATAWANG TAO ang DIYOS na si HESUS ay GUMAWA pa SIYA ng mga MILAGRO para IPAKITA na DIYOS SIYA.

MARAMI po riyan na NAGPAPAKILALA na DIYOS DAW pero WALA namang MAIPAKITA ni ISANG TUNAY na MILAGRO. PURO KUWENTO lang ang meron sila.

Si Hesus ay DIYOS at nung GINUSTO NIYANG MAGKATAWANG TAO ay MADALI NIYANG NAGAWA.

Iyan po ang tinatawag na MAKAPANGYARIHAN. LAHAT ng GUSTO NIYANG GAWIN ay NAGAGAWA NIYA.

At heto po ang isa MAGALING na GINAWA ng DIYOS na si HESUS nung SIYA ay MAGKATAWANG TAO: Matapos na Siya ay MAMATAY sa KRUS ay BINUHAY NIYA MULI ang KANYANG SARILI.

Sabi ni Hesus sa John 10:17-18, “Ito ang dahilan kung bakit mahal ako ng Ama, dahil INIAALAY ko ang AKING BUHAY upang ito ay KUNIN MULI.”

“Walang makakukuha nito sa akin, pero ITO ay AKING INIAALAY sa AKING KAGUSTUHAN.”

“Ako ay MAY KAPANGYARIHAN na IALAY ito, at KAPANGYARIHAN para KUNIN ITO ULI.”

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

Kita po ninyo? Kahit nasa KATAWANG LUPA si KRISTO ay MAY KAPANGYARIHAN SIYA na IALAY ang KANYANG BUHAY at KAPANGYARIHAN na KUNIN ito MULI.

Kaya nga po nung dumating ang oras para MABUHAY SIYA MULI ay NABUHAY MULI si HESUS.

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

WALA pong IBANG DIYOS ang MAKAGAGAWA niyan.

Yung iba PURO KUWENTO LANG.

Si HESUS ay DIYOS na MAKAPANGYARIHAN: KAYA NIYANG GAWIN ang LAHAT ng GUSTO NIYA — kasama na ang PAGKAKATAWANG TAO, PAGKAIN, PAGTULOG, PAGKAMATAY SA KRUS at PAGKABUHAY na MULI.

Salamat po.

Sunday, March 29, 2009

Hesus 'umamin' na 'tao lang' Siya?

BIGYANG daan po natin itong text ni Samboy ng Pansol, QC.

Sabi niya, "Mr. Cenon, si Cristo mismo ang nagpakilala sa Kanyang sarili na tao Siya at hindi Diyos, sa John 8:40!"

"At ang Ama ang tunay na Diyos ang pinakilala Niya sa John 17:1-3. At may buhay na walang hanggan ang kumilala sa Ama at Diyos na tunay!"

"Sana maliwanagan ang isipan mo para maligtas ka sa araw ng paghuhukom!" Salamat, Samboy.

Ang mga talatang iyan ay ginagamit ng mga kasapi ng samahang "Iglesia ni Cristo" at ng mga "Balik Islam" para tutulan ang pagka-Diyos ng ating Panginoong Hesus.

Basahin po natin ang sinasabi ng Jn 8:40 at simulan natin sa verse 39.

Sabi sa mga talata, "Sumagot sila: Si Abraham ang aming ama."

"Sinabi ni Hesus: Kung mga anak kayo ni Abraham gagawin ninyo ang mga bagay na ginawa ni Abraham. Sa nangyayari, gusto ninyo akong patayin, isang tao na nagsabi sa inyo ng katotohanan na narinig ko mula sa Diyos."

"Si Abraham ay hindi gumawa ng ganyan."

Una po sa lahat WALA pong SINABI sa mga talata na "TAO LANG" si Hesus. WALA rin po Siyang sinabi na "Hindi ako Diyos."

Ang sinabi po ni Hesus diyan ay isa siyang "TAO na sa inyo ng katotohanan na narinig ko mula sa Diyos."

WALA pong KONTROBERSIYA riyan.

TUNAY at TOTOO po na TAO SI HESUS: SIYA po ay DIYOS na NAGKATAWANG TAO.

Sa UNANG mga TALATA pa lang po ng JOHN ay SINABI na IYAN.

Sabi sa Jn 1:1 at 14, "Sa pasimula ay ang SALITA, at ang SALITA ay KASAMA ng DIYOS, at ang SALITA AY DIYOS."

"At ang SALITA [na DIYOS] ay NAGKATAWANG TAO at nanahan sa gitna natin."

"NAKITA namin ang kanyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatian ng NAG-IISA NA GALING SA AMA, puno ng biyaya at katotohanan."

SINO po ang SALITA na iyan na NAG-IISA NA GALING SA DIYOS AMA?

Ang PANGINOONG HESUS po.

Sa Jn 8:42 ay sinabi Niya na "AKO ay NAGMULA sa DIYOS at narito na nga."

So, NAPAKALINAW po na ang DIYOS ay NAGKATAWANG TAO kaya TAMA ang SINABI ni HESUS sa Jn 8:40 na SIYA AY TAO.

Ngayon, bakit sinabi ni Hesus sa Jn 8:40 na Siya ay "TAO"?

Simple lang.

Gusto lang Niyang sabihin sa mga kaharap Niyang Pariseo na NAROON na nga SIYA: DIYOS na NAGKATAWANG TAO.

Ang mahirap diyan ay AYAW pang MANIWALA ng mga PARISEO at gusto pa Siyang patayin.

HINDI MAKITA ng mga PARISEO (at ng ilang tao ngayon na nagsasabi na "tao lang" si Hesus) na DIYOS si KRISTO.

Sa katunayan, kahit pa DIRETSAHAN nang sinabi ni HESUS na Siya ang DIYOS ay hindi pa rin naniwala ang mga Pariseo.

Ganito po ang sinasabi ni Hesus sa Jn 8:56-59, "Ang ama ninyong si Abraham ay nagbunyi sa pag-iisip na makita ang AKING ARAW; nakita niya ito at nagalak."

"Sinabi ng mga Hudyo sa kanya: Wala ka pa ngang limampung taong gulang at nakita mo na si Abraham!"

"Sumagot si Hesus: Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, BAGO PA isinilang si Abraham ay AKO NA NGA!"

"Dito ay pumulot sila ng mga bato para siya ay batuhin pero itinago ni Hesus ang kanyang sarili at lumayo mula sa lugar ng templo."

Nakikita mo, Samboy? Sinabi na mismo ni Hesus na NAUNA pa Siya kay Abraham (dahil DIYOS Siya na KASAMA na nga ng DIYOS sa pasimula pa lang) pero nagalit pa ang mga Hudyo.

Isa pa ay alam ng mga Hudyo ang kahulugan ng salitang "AKO NA NGA" na tumutukoy sa pangalan ng Diyos sa Exodus 3:14.

Sa susunod na artikulo natin ay tatalakayin natin ang Jn 17:1-3.

Salamat po.

Wednesday, March 25, 2009

Hesus nagpakilalang Diyos

BIGYANG daan po natin itong text ng dati na nating texter na isa raw "BALIK ISLAM."

Nagpakilala siya dati na USTADZ pero binawi rin niya iyon nung ilabas natin ang kanyang numero at MAKITA ng mga NAKAKAKILALA sa kanya na siya itong nagpapakilalang ustadz daw.

May kaugnayan po ito sa paniniwala natin na DIYOS ng ating PANGINOONG HESUS.

Sabi nitong Ustadz daw, "Wala ka pa ring naipapakitang verse patungkol sa baluktot mong paniniwala na Diyos si Kristo."

Salamat, "Ustadz."

NAPAKARAMING TALATA na NAGPAPATUNAY na DIYOS NGA ang PANGINOONG HESU KRISTO.

Mismo pong si KRISTO ay NAGPAKILALA na SIYA ay DIYOS.

Sabi Niya sa John 8:58, "KATOTOHANANG, KATOTOHANANG sinasabi ko sa inyo, BAGO PA si ABRAHAM ay AKO NGA" o "I AM" sa Ingles.

Paano po NAGPAKILALA si HESUS na SIYA ay DIYOS nung sabihin Niya na SIYA ang "AKO NGA" o "I AM"?

Sa mga MARUNONG po sa BIBLIYA ay ALAM NILA na ginagamit ni Hesus ang PANGALAN na GINAMIT ng DIYOS nung MAGPAKILALA SIYA kay MOISES.

Sa Exodus 3:13 po ay tinanong ni Moises ang Diyos kung ano ang sasabihin niyang PANGALAN kung itatanong ng mga Israelita kung: ANO ang PANGALAN ng DIYOS?

Sa Ex 3:14 ay sinabi ng DIYOS, "AKO ay AKO NGA" (o "I AM WHO AM.")

"At idinagdag niya: Ito ang sasabihin mo sa mga Israelita: Sinugo ako ni AKO NGA."

ANO raw po ang PANGALAN na sasabihin ni Moises kung itatanong ng mga Israelita ang PANGALAN ng DIYOS?

Ang dapat daw ibigay ni Moises na PANGALAN ng DIYOS ay "AKO NGA." So, ang "AKO NGA" ay PANGALAN ng DIYOS.

Ngayon, nung sabihin ni HESUS na SIYA ang "AKO NGA" ay MALINAW na NAGPAKILALA si KRISTO na SIYA ay DIYOS.

WALA pong KADUDA-DUDA.

Katunayan po, noong marinig ng mga HUDYO na inulit-ulit ni HESUS ang pagpapakilala na SIYA ang AKO NGA ay "PUMULOT SILA ng mga BATO para SIYA ay BATUHIN." (Jn 8:59)

WALA po tayong MAGAGAWA kung ayaw ng mga HUDYO na TANGGAPIN si HESUS bilang DIYOS.

HINDI rin po natin PIPILITAN ang IBA kung HINDI NILA TATANGGAPIN si KRISTO bilang DIYOS.

HINDI po nila NAUUNAWAAN ang mga SINASABI ni HESUS.

Bakit daw po kaya?

Heto po ang sagot ni Hesus sa Jn 8:43, "Bakit HINDI NINYO NAUUNAWAAN ang aking SINASABI? Iyan ay dahil HINDI NINYO MATANGGAP ang aking SALITA."

Ayan po, ang mga HINDI NAKAKAUNAWA sa PAGPAPAKILALA ni HESUS na SIYA ang DIYOS ay HINDI LANG MATANGGAP ang KANYANG mga SALITA.

SAYANG po. At NAKAKATAKOT ang KAHIHINATNAN nila.

Sinabi po kasi ni Kristo na ang HINDI MANINIWALA na SIYA ay DIYOS ay MAMAMATAY.

Sa John 8:24 ay sinabi ni Hesus, "KUNG HINDI KAYO MANINIWALA na AKO NGA, MAMAMATAY KAYO sa inyong mga kasalanan."

Mabuti po sana kung KAMATAYAN lang sa KATAWAN ang tinutukoy riyan ni KRISTO.

HINDI po. At DAPAT daw pong MATAKOT ang HINDI TATANGGAP kay KRISTO bilang DIYOS.

Sabi Niya sa Luke 12:5, "MATAKOT KAYO sa KANYA na MATAPOS na PUMATAY ay MAY KAPANGYARIHAN na MAGTAPON sa IMPIYERNO."

"OO, sinasabi ko sa inyo, MATAKOT KAYO sa KANYA."

Ang mga DAPAT MATAKOT ay yung mga TUMUTUTOL sa mga SALITA ni HESUS, partikular sa PAGPAPAKILALA ni KRISTO na SIYA ay DIYOS.

Nawa po ay HUWAG MANGYARI dahil sa HINDI NINYO PANINIWALA kay KRISTO ay MAMAMATAY KAYO at KAYO ay MATATAPON pa sa IMPIYERNO.

Mayroon pong mga tao na TUMALIKOD na kay KRISTO at ITINAKWIL ang Kanyang pagiging DIYOS.

Habang BUHAY pa po TAYO ay MAY PAGKAKATAON pa tayong MAGBALIK-LOOB sa KANYA.

Ang sinabi po ni KRISTO na DAPAT TAYONG MANIWALA na SIYA ay DIYOS ay HINDI po KUWENTO LANG sa isang tao.

TOTOO pong SINABI Niya iyan at MARAMING SAKSI sa Kanyang sinabi.

Kaya MAG-ISIP tayo.

Hesus kapantay ng Diyos Ama

MAYROON pong TUTOL sa PAGKA-DIYOS ni KRISTO na nagbigay sa atin ng tanong na ito: Ano ang maipakikita mong patunay na DIYOS si KRISTO?

Natalakay na po natin sa ibang post natin ang PAGPAPAKILALA ni HESUS na SIYA ay DIYOS.

Iyan po ay nung MAGPAKILALA SIYA na SIYA ang "I AM" o "AKO NGA." (John 8:58)

Diyan ay sinasabi ni Hesus na SIYA ang DIYOS na NAGPAKILALA kay Moises ayon sa Exodus 3:14.

Ngayon, si Hesus po mismo ay NAGPAHAYAG na SIYA ay KAPANTAY ng DIYOS AMA.

Sabi ng Panginoong Hesus sa Jn 5:21, "Dahil KUNG PAANONG ang AMA ay BUMUBUHAY sa PATAY at NAGBIBIGAY BUHAY ay GANOON DIN ang ANAK ay NAGBIBIGAY BUHAY sa KANINO MANG GUSTUHIN NIYA."

Diyan po ay MALINAW na PANTAY ang KAPANGYARIHAN ni HESUS sa AMA sa PAGBIBIGAY BUHAY.

Sa mga kasunod na talata sa Jn 5:22 at 23 ay sinabi pa ni Hesus, "Ang AMA ay HINDI HUMUHUSGA kanino man, pero IBINIGAY na NIYA ang LAHAT ng PAGHUSGA sa KANYANG ANAK, UPANG DAKILAIN ng LAHAT ang ANAK KUNG PAANONG DINADAKILA NILA ang AMA."

PURIHIN ang DIYOS! PURIHIN si KRISTO!

Ayon po sa PANGINOONG HESUS, KAILANGANG DAKILAIN SIYA ng mga TAO kung PAANONG DINADAKILA ng mga TAO ang DIYOS AMA.

PAANO po ba DINADAKILA ng TAO ang DIYOS AMA? Bilang "TAO" po ba?

HINDI PO!

Ang DIYOS AMA ay DINADAKILA ng TAO BILANG DIYOS!

At kung DAPAT DAKILAIN si HESUS kung paano dinadakila ang Ama, MALINAW na SINASABI ni HESUS na DAPAT SIYANG DAKILAIN BILANG DIYOS.

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

Katunayan, idinagdag po ng Panginoon sa Jn 5:23, "Ang HINDI DUMAKILA sa ANAK [kay HESUS] ay HINDI DUMADAKILA sa AMA na nagpadala sa Kanya.

NAPAKALINAW po na MALAKING KUNDISYON ang PAGDAKILA kay HESUS BILANG DIYOS para masabi ng isang tao na dinadakila niya ang Diyos Ama.

Ang HINDI DUMAKILA kay HESUS ay HINDI DUMADAKILA sa DIYOS AMA.

Heto pa po.

Sa Jn 8:19 ay sinabi ni Hesus, "Kung KILALA ninyo AKO ay MAKIKILALA rin ninyo ang AKING AMA."

Sa Jn 12:45 ay sinabi Niya, "Sino man ang MAKAKAKITA sa AKIN ay NAKIKITA na rin ang NAGSUGO sa AKIN."

Sa Jn 15:16 ay sinabi ni Hesus, "Ang LAHAT ng sa AMA ay AKIN."

At sa Jn 10:30 ay idineklara pa ni Hesus na "AKO at ang AMA ay IISA."

Ayon po sa ORIHINAL na GRIEGO, ang salita na isinalin na "IISA" ay ang salitang "HEN."

Ang kahulugan ng HEN ay "IISA ang SUSTANSIYA" o "ESSENCE." PANTAY ang KANILANG SUSTANSIYA.

Ayon sa http://net.bible.org/verse.php?book=Joh&chapter=10&verse=30, HINDI SINASABI ni Hesus na IISA SILANG PERSONA ng AMA.

Ang IDINIDIIN diyan ng KRISTO ay IISA SILANG "ENTITY." Ang IISANG ENTITY na iyon ay ang DIYOS.

Sa madaling salita, ang sinasabi ni Kristo sa Jn 10:30 ay SIYA at ang AMA ay IISANG DIYOS.

Ganoon po yon.