Showing posts with label Gospel of Barnabas: Tunay ba?. Show all posts
Showing posts with label Gospel of Barnabas: Tunay ba?. Show all posts

Wednesday, June 3, 2009

'Gospel of Barnabas' kinilala ng Simbahan?

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


ITULOY po natin ang pagtalakay natin sa Gospel of Barnabas na naging batayan ng isang paring Katoliko, si Stan Soria, para lumipat sa Islam.

Ayon sa isang pari na maging Muslim, isa sa naka-impluwensiya sa kanya para TUMALIKOD kay KRISTO ay iyang "Gospel of Barnabas" na ayon sa mga SCHOLAR na MUSLIM ay PEKE o isang HUWAD.

Sa nakaraang POST natin ay sinuri natin ang sinabi ng mga NANINIWALA sa "gospel" na ito na iyan daw ay isinulat ng BARNABAS na nasa Bibliya.

Pero sa PAGSUSURI natin ay lumalabas na HINDI TOTOO ang paniniwala nilang iyon.

Nakita natin na SALUNGAT ang mga sinasabi ng "Gospel of Barnabas" sa mga ARAL ng BARNABAS sa BIBLIYA (Acts 9:26-27; 14:12; at 15).

Ayon kay Pablo sa 1 Corinthians 15:3, "Dahil kung ano ang aking TINANGGAP ay ibinibigay ko rin sa inyo bilang UNA sa KAHALAGAHAN: na si KRISTO ay NAMATAY para sa ating mga KASALANAN sang-ayon sa mga Kasulatan."

Sinasabi ni Pablo na ang TINANGGAP niyang ARAL ay "si KRISTO ay NAMATAY para sa ating mga KASALANAN."

SINO po ang isa sa NAGBIGAY ng ARAL na iyan kay PABLO?

Si BARNABAS. At dahil si Barnabas ang isa sa mga NAGTURO at NAGBIGAY ng ARAL kay Pablo, MALINAW kung ano ang ARAL na IBINIGAY sa kanya nito: Na si Hesus ay NAMATAY para sa ating KASALANAN.

Ang PAGKAMATAY na iyan ay sa KRUS.

Sa kabilang dako, ay KABALIKTARAN ang sinasabi ng "Gospel of Barnabas."

Sa chapter 217 ay sinasabi na HINDI NAMATAY si Hesus sa krus.

Kaya nga, MALINAW na ang NAGSULAT sa "Gospel of Barnabas" ay HINDI ang BARNABAS na nasa Bibliya.

Sino ang "Barnabas" na nagsulat ng "gospel" na nakapangalan sa kanya?

WALA pong NAKAKAALAM.

Ngayon, isa sa mga sinasabi ng mga naniniwala sa "Gospel of Barnabas" ay nasulat na raw iyon sa panahon pa ng mga Apostol.

Ayon kay "Muhammad `Ata ur-Rahim," sa kanyang libro na "Jesus a Prophet of Islam," ang "Gospel of Barnabas" daw ay itinuring nang bahagi ng mga Banal na Kasulatan bago pa ang Council of Nicea noong 325 AD. Ito raw ay sa lungsod ng ALEXANDRIA.

Nagsasaliksik ako at (liban kay Rahim at iba pang nagbabatay sa mga isinulat niya) WALA AKONG NAKITA na NAGPATOTOO na tinanggap na ang "Gospel of Barnabas" sa Alexandria bilang "Scripture" bago ang 325 AD.

Ang MAS MALALA ay WALANG NABANGGIT na "Gospel of Barnabas" sa mga LISTAHAN ng mga sulat o aklat na nagawa BAGO ang KONSILYO ng NICEA at maging sa mga LISTAHAN noong unang 1300 taon ng Kristiyanismo.

Ang mayroon ay ang "EPISTLE of BARNABAS" na SINALUNGAT PA ang mga sinasabi ng "Gospel of Barnabas."

Kung sinasabi ng "Gospel of Barnabas" hindi namatay sa krus si Hesus, sa EPISTLE of BARNABAS naman ay sinasabi na "Ang KAHARIAN ni HESUS ay nasa KRUS." (Epistle of Barnabas 8:5)

Sa Epistle of Barnabas 15:9 ay sinasabi pa na "Kaya nga nagsasaya tayo sa ikawalong araw ay dahil dito rin si HESUS ay NABUHAY na MULI sa KAMATAYAN ..."

Pinapatunayan niyan na ang nagsulat ng Epistle of Barnabas ay NANINIWALA na si HESUS ay NAMATAY sa KRUS at NABUHAY na MULI mula sa KAMATAYAN.

Ngayon, sa ALEXANDRIA, ang KINILALA ng mga tao ay ang EPISTLE of BARNABAS at HINDI ang "Gospel of Barnabas."

Sa katunayan, HINDI nga KILALA at WALANG "Gospel of Barnabas" na sa Alexandria bago o matapos ang 325 AD.

Pero bakit "mahalaga" para sa naniniwala sa "Gospel of Barnabas" ang taon na 325 AD?

Ayon kasi sa kanila (partikular kay Rahim), diyan daw sa taon na iyan ay nagkaroon ng konsilyo sa Nicea kung saan "ipinagbawal" daw at "ipinasira" ang iba pang "ebanghelyo" liban sa apat na kasama ngayon sa Bibliya.

"Ginipit" at pilit daw "itinago" ang "Gospel of Barnabas."

Sorry, pero MALI sila sa bagay na iyan.

Bakit? Dahil WALANG GANYANG NANGYARI sa NICEA.

Ang isyu sa NICEA noong 325 AD ay ang MALING ARAL ni ARIUS na si Hesus daw ay "hindi diyos" at "nilalang lang" daw ng Diyos.

HINDI TINALAKAY at WALANG DESISYON kaugnay sa mga Kasulatan.

Kayo mismo ang makakabasa kung TOTOO ang sinasabi ng mga naniniwala sa "Gospel of Barnabas" kaugnay sa Nicea.

Sa mga bagay na iyan ay makikita na MALAKAS ang BATAYAN ng PAGDUDUDA sa "Gospel of Barnabas."

Pero may sinasabi pang iba ang mga naniniwala riyan.

Ayon sa kanila, "pinatutunayan" daw ng ibang history books na mayroon nang "Gospel of Barnabas" noong 61 AD at nakita pa raw ito kasama sa bangkay ng mismong si Barnabas.

Totoo ba ito?

Sa susunod pong ARTIKULO ay TATALAKAYIN natin iyan.

'Gospel of Barnabas' gawa ng Barnabas sa Bible?

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po

NASIMULAN na po nating talakayin ang Gospel of Barnabas.

Nagka-interes ako sa "gospel" na ito dahil isa ito sa naging batayan ng isang pari kaya siya lumipat sa Islam.

WALA tayong TUTOL kung lumipat man sa Islam ang paring ito dahil PERSONAL niya iyon.

Sa KRISTIYANO po kasi ay WALANG PILITAN at HINDI PIPIGILAN ang SINO MAN na LUMIPAT ng RELIHIYON.

IGINAGALANG natin ang DESISYON ng paring iyon pero MAGANDA ring TALAKAYIN itong kasulatan na naka-IMPLUWENSIYA sa kanya.

Interesting po ang "Gospel of Barnabas" na ito dahil nadiskubre ko na ayon sa mga ISLAMIC at BIBLICAL SCHOLARS ay PEKE pala ito.

Sa kabila niyan ay NAPANIWALA NIYAN ang isang PARI na THEOLOGIAN pa raw.

Para patas ay tingnan natin ang mga sinasabi ng mga NANINIWALA at HINDI NANINIWALA.

Sabi ng mga naniniwala, ang "Gospel of Barnabas" daw ay sinulat ng Barnabas na nasa Acts 4:36-37; 11:19-22, 30 at iba pang talata.

Para MALINAW, MAYROON pong BARNABAS at AYON sa BIBLIYA, SIYA ay KILALA bilang KASAMA at KATULONG ni Pablo sa kanyang mga PANGANGARAL. (Acts 14:12 at Acts 15)

Pero ang tanong ng mga hindi naniniwala ay "Ang Barnabas ba sa Bibliya ang nagsulat sa Gospel of Barnabas?"

Ang malinaw na sagot nila ay "HINDI."

Ano ang mga dahilan nila?

Ayon sa kanila, isang malinaw na patunay ay ang pagtanggi ng sumulat sa "Gospel of Barnabas" na si Hesus ay namatay sa krus.

Ayon sa Gospel of Barnabas, sa Chapter 217, ay HINDI si HESUS ang PINAHIRAPAN at NAPAKO sa KRUS kundi si HUDAS ISCARIOTE.

Kaya nga po isa iyan sa ginagamit ng ilang BALIK ISLAM para sabihin na ang "CRUCIFIXION" ng ating PANGINOONG HESUS ay isang "CRUCI-FICTION."

Pero ang sinasabi ng Gospel of Barnabas ay SALUNGAT sa PINANIWALAAN ng BARNABAS na NASA BIBLIYA.

Ang Barnabas sa Bible ay kilala natin na KASAMA ni PABLO sa PAGPAPAHAYAG at PANGANGARAL ng TUNAY na GOSPEL ni HESUS.

Sinasabi sa Acts 11:26, " ... at nang matagpuan niya [Barnabas] ito [si Pablo] ay dinala niya ito sa Antioch."

"Sa isang buong taon ay nakipagtagpo sina BARNABAS at SAUL [ang dating pangalan ni Pablo] sa iglesia at NAGTURO sa MARAMING TAO."

"Sa Antioch unang tinawag na KRISTIYANO ang mga tagasunod."

Diyan ay sinasabi na NAGTURO sina BARNABAS at PABLO.

Ano naman kaya itong ITINURO nila?

Para malaman natin ay tingnan natin kung ano ang ITINURO ni PABLO.

Sa mga aral ni Pablo, ang PUSO at SALIGAN ng kanyang mga ARAL ay ang PAGKAMATAY ni HESUS para ILIGTAS tayo mula sa KASALANAN, KAMATAYAN at KAPARUSAHAN.

Sabi nga niya sa 1 Corinthians 15:3, "Dahil kung ano ang aking tinanggap ay ibinibigay ko rin sa inyo bilang UNA sa KAHALAGAHAN: na si KRISTO ay NAMATAY para sa ating mga KASALANAN sang-ayon sa mga Kasulatan."

Paki pansin na sinasabi ni Pablo na ang ARAL na si KRISTO ay NAMATAY ay TINANGGAP niya.

Kanino niya TINANGGAP?

Isang NAGTURO kay Pablo ay si BARNABAS.

Si Barnabas kasi ang nag-SPONSOR kay Pablo noong AYAW pa siyang pasamahin ng ibang Kristiyano sa kanilang grupo. (Acts 9:26-27)

Si Barnabas din ang naghanap at nagsama kay Pablo sa kanilang mga pangangaral. (Act 11:25-26)

So, MALINAW ang ebidensiya na ang NAGBIGAY ng ARAL kay PABLO ay si BARNABAS.

At ano ang ARAL na iyon? Na "si KRISTO ay NAMATAY para sa ating KASALANAN."

Iyan ay KABALIKTARAN sa sinasabi ng "Gospel of Barnabas" na "HINDI NAMATAY SA KRUS si KRISTO."

IMPOSSIBLE na MAGKAIBA o MAGKASALUNGAT ang itinuro ni Barnabas at ni Pablo. Kung ganoon ay TIYAK na SILANG DALAWA PA ang NAG-AWAY.

So, sa puntong iyan ay MALIWANAG na MAGKAIBA ang BARNABAS sa BIBLE at yung "Barnabas" na nagsulat daw ng "Gospel of Barnabas."

Sa madaling salita, ang BARNABAS na NAGSULAT sa "Gospel of Barnabas" ay HINDI ang BARNABAS na nasa BIBLIYA. Lumalabas na iyan ay isang IMPOSTOR.

Diyan po lalong TUMITIBAY ang PANINIWALA ng MARAMI na PEKE ang "Gospel of Barnabas." PEKE rin kasi ang BARNABAS na NAGSULAT umano riyan e.

Kung ganoon ay DOBLE PEKE ang "gospel" na iyan, hindi po ba?

Sa susunod na POST ay itutuloy natin ang pagsusuri sa GOSPEL daw na iyan.

Abangan po natin.

Tuesday, June 2, 2009

Pari naniwala sa ‘huwad’ na ‘gospel’

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


BINANGGIT po ng nagti-text sa atin na BALIK ISLAM na isa raw sa mga "SCRIPTURE" noon ay itong "GOSPEL OF BARNABAS."

Naalala ko po ang isang MATANDANG PARI na TUMALIKOD KAY KRISTO noong 2002 at nag-BALIK ISLAM.

Baka po may nagtataka kung bakit TUMALIKOD sa PANGINOONG HESUS ang isang pari.

Huwag po kayong magtaka. Sa atin po kasing mga KRISTIYANO ay MAY KALAYAAN ang ATING ISIPAN at DAMDAMIN para PUMILI ng ATING PANINIWALAAN... KASAMA na po ang PAGTALIKOD sa DIYOS at TAGAPAGLIGTAS.

Mismong DIYOS po ang NAGBIGAY ng FREE WILL sa tao at iyon ang ginamit ni SORIA sa kanyang pagpili ng kanyang paniniwalaan ay IGINAGALANG po natin ang pasya niya.

Ang hindi ko lang po maunawaan ay BAKIT NAPANIWALA si Soria sa "Gospel of Barnabas."

Nagkainteres po ako sa "gospel" na iyan kaya SINALIKSIK ko ang mga bagay-bagay tungkol diyan.

At sa aking pagsasaliksik ay NALUNGKOT ako sa aking nalaman.

Bakit? Heto po at ipaliliwanag ko.

Sa "Gospel of Barnabas" ay sinasabi na "hindi namatay sa krus si Hesus." Sinasabi rin doon na ang "Ang lalaki na napako sa krus ay si Hudas Iscariote."

Ganoon? IBANG-IBA sa EBANGHELYO na GALING MISMO sa mga APOSTOL at SAKSI sa mga GINAWA ng PANGINOON.

Sinaliksik ko ang iba pang bagay tungkol dito sa "gospel" na ito at nadiskubre ko na MARAMI, pati na mga MUSLIM SCHOLARS, ang NAGSASABI na ang "Gospel of Barnabas" ay "HUWAD" o "PEKE."

Isang MUSLIM SCHOLAR, si Cyril Glasse, ang nagsabi na "As regards the ‘Gospel of Barnabas’ itself, there is NO QUESTION that IT IS A MEDIEVAL FORGERY."

Ayon sa Muslim scholar na ito, WALA raw DUDA na ang "gospel" na iyan ay isang HUWAD o PEKE.

Ang sinabi na iyan ni Cyril ay mababasa sa "The Concise Encyclopedia of Islam" na gawa ng Harper at Row noong 1989, sa Page 64.

HINDI LANG si CYRIL ang MUSLIM na nagsasabi na HUWAD ang Gospel of Barnabas.

At HINDI LANG mga MUSLIM SCHOLARS ang nagsasabi niyan, kundi marami pang HISTORIAN.

Kaya nila sinasabing HUWAD ang "gospel" na iyan ay dahil MARAMING BUTAS ang mga sinasabi nito. At iyan ang magiging topic natin sa mga susunod nating column.

Sa madaling salita, masasabi na KADUDA-DUDA ang Gospel of Barnabas.

At dahil KADUDA-DUDA, maitatanong natin kung tama bang gamitin itong BATAYAN sa isang MAHALAGANG DESISYON, tulad ng pagpili ng paniniwalaang relihiyon?

Ako ay KATOLIKO at MATUTUWA ako kung may magpapa-CONVERT para maging KATOLIKO.

Pero kung lilipat sila sa Katoliko dahil naniwala sila sa isang DOKUMENTO na PINAGDUDUDAHAN [at ayon pa sa iba ay PEKE] ay MALULUNGKOT AKO.

Kaya nga ako MASIGASIG sa PAGHAHANAP ng KATOTOHANAN ay para TIYAK ang BATAYAN ko sa aking pagiging KATOLIKO.

Kaya HINDI ako MATUTUWA na may magiging KATOLIKO BATAY sa isang PEKENG DOKUMENTO o KUWENTO.

Marahil ganoon din ang PAKIRAMDAM ng mga MUSLIM.

Naniniwala ako na HINDI SILA PAPAYAG na magamit ang isang "HUWAD" na DOKUMENTO para ma-convert ang isang tao sa ISLAM.

IN FAIRNESS, marami ring tao ang NANINIWALA sa "Gospel of Barnabas." Isa na nga si Soria sa mga ito.

At kung gusto nilang maniwala roon ay DESISYON na nila iyon.

Pero sa katayuan ni Soria ay LUBOS akong NAGTAKA.

Isa kasi siyang THEOLOGIAN at kung tama ang pagkaintindi ko sa artikulo ng Inquirer ay isa rin siyang HISTORIAN o kaya ay isang MAHILIG sa HISTORY.

At kaugnay sa HISTORY, ayon sa mga nabasa ko ay WALANG HISTORY itong tinatawag na "Gospel of Barnabas."

Ang ibig ko pong sabihin ay HINDI ito matutukoy pabalik doon sa TUNAY na BARNABAS na NABUHAY noong UNANG SIGLO.

Ang sinasabi po kasi ng mga naniniwala sa Gospel of Barnabas na iyan ay sinulat daw iyan ng BARNABAS na binabanggit pa sa Bibliya, partikular sa Acts 4:36-37; 11:19-22, 30 at iba pang talata.

Ang tanong ay ang BARNABAS ba ng BIBLIYA ang NAGSULAT ng "Gospel of Barnabas"?

HINDI po. At iyan ay PATUTUNAYAN ng HISTORICAL EVIDENCE.

At batay po sa EBIDENSIYA mula sa BIBLIYA at sa KASAYSAYAN ay HUWAD NGA ang "Gospel of Barnabas."

Kaya KATAKA-TAKA nga kung bakit NAPANIWALA si Soria sa "gospel" na iyan.''

Iyan po ang tatalakayin natin sa mga susunod nating artikulo.

Paki subaybayan po.

'Gospel of Barnabas' tunay na gospel?

MATINDI pa rin ang PAGTUTOL sa BIBLIYA ng texter nating BALIK ISLAM.

TUTOL na TUTOL SIYA sa sabi ng ilang ISKOLAR NILA na KINUMPIRMA ng KORAN ang BIBLIYA.

Diyan natin makikita ang MUSLIM VS BALIK ISLAM.

KINONTRA kasi ng texter natin ang INTERPRETASYON ng mga MUSLIM SCHOLAR na sina MUHAMMAD TAQI-UD-DIN AL-HILALI at MUHAMMAD MOHSIN KHAN.

Sa kanilang aklat na "Translation of the Meanings of The Nobel Quran in The English Language" ay sinabi nila sa Surah (Chapter) 12, Aya (Verse) 111, na KINUMPIRMA o PINATOTOHANAN ng KORAN ang BIBLIYA.

HINDI iyan MATANGGAP ng texter natin.

Sabi niya, "Those other SCRIPTURES might be GOSPEL OF BARNABAS, Psalms of Solomon, Shepherd of Hermas etc. etc. Mga kasulatan na sana magtutuwid sa tao tungo sa tamang paniniwala."

"Maraming mga kasulatan which are among the Dead Sea discovery, in which your church neglect them and fabricate their own 73 books."

"Specific ba ang ang name ng scriptures? May word ba na Bible mula sa sura na nabanggit?"

NASAGOT na po natin sa naunang POST ang sinasabi niyang "WORD" na "BIBLE" sa S12:111.

Ngayon, ayon sa kanya ay baka raw po GOSPEL OF BARNABAS, Pslams of Solomon, Shepherd of Hermas ang tinutukoy sa S12:111.

Diyan po LUMILITAW MULI ang KAWALAN ng ALAM ng ating kausap.

Ang Psalm of Solomon ay HINDI KINILALA na BANAL na KASULATAN.

Iyan ay ITINURING na PSEUDEPIGRAPHA o HUWAD NA KASULATAN.

May ilang Kristiyano na tumanggap sa Shepherd of Hermas pero sa PANGKALAHATAN ay HINDI IYAN KINILALANG KASULATAN.

Noon nga pong KILALANIN ng SIMBAHANG KRISTIYANO ang mga KASULATAN ay HINDI ISINAMA ang Shepherd of Hermas.

ANO LANG PO ang KINILALA ng IGLESIA bilang mga KASULATAN?

Iyan po ang 73 AKLAT ng nasa BIBLIYA NGAYON ng mga KATOLIKO.

Nung IBIGAY sa mga MUSLIM ang KORAN noong 610 AD hanggang 632 AD ay BIBLIYA na may 73 AKLAT NA ang KINIKILALANG KASULATAN ng mga KRISTIYANO.

Kaya po KITANG-KITA na PANINIRA na lang ang SINABI ng texter nating BALIK ISLAM na "fabricated" daw ang 73 BOOKS ng BIBLIYA.

At KITANG-KITA po na ang BIBLIYA na may 73 AKLAT ang SINASABI ng mga ISKOLAR na MUSLIM na KINUMPIRMA ng KANILANG BANAL NA KASULATAN. (S12:111)

HINDI ang Pslams of Solomon, HINDI ang Shepherd of Hermas at LALONG HINDI ang sinabi niyang GOSPEL OF BARNABAS.

Iyang GOSPEL OF BARNABAS po ang PINAKA MALI na sabihing "KASULATAN" o "SCRIPTURE."

KAHIT PO KAILAN ay HINDI ITINURING o KINILALANG SCRIPTURE and GOSPEL OF BARNABAS dahil ayon po sa mga HISTORIAN ay HUWAD ang BABASAHING IYAN.

Sa mga susunod pong POST natin ay ILALAHAD NATIN ang KATOTOHANAN sa GOSPEL of BARNABAS na iyan.

ABANGAN po NINYO.