Sunday, March 22, 2009

Hesus hindi Diyos dahil mayroon ding Diyos?

BIGYANG daan po natin ang sabi ng isang text sa atin. Sabi nito, "Hindi puwedeng maging Diyos si Jesus dahil Siya mismo ay may kinilalang Diyos Niya. Basahin mo ang John 20:17."

Salamat po.

Ganito ang sinasabi sa John 20:17, "Sinabi ni Hesus sa kanya: Huwag mo akong kapitan, dahil hindi pa ako nakakaakyat sa Ama."

"Pero pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila: Ako ay aakyat sa aking Ama at sa inyong Ama, sa AKING DIYOS at sa inyong Diyos."

Maitatanong ng iba na "Paanong naging Diyos si Kristo kung mayroon Siyang Diyos?"

May katwiran ba sila?

SORRY pero WALA po.

HINDI po porke sinabi ni Hesus na DIYOS NIYA ang ATING DIYOS ay hindi na Siya Diyos.

HINDI po GANOON yon.

Paano ba natin dapat unawain ang Jn 20:17?

SIMPLE lang po.

Si HESUS ay TUNAY na DIYOS dahil Siya po ay ANAK ng DIYOS.

DIYOS AMA po mismo ang NAGSABI sa Matthew 3:17, “ITO [si HESUS] ang MINAMAHAL kong ANAK na lubos kong kinalulugdan.”

Kung TUNAY na ANAK ng DIYOS si HESUS, natural na TUNAY na DIYOS din si KRISTO. Kung DIYOS ang AMA ay DIYOS DIN ang ANAK.

Kaya si HESUS ay TUNAY na DIYOS.

Sabi nga po sa Jn 1:18 ay Siya ay MONOGENES THEOS o NAG-IISANG ANAK NA DIYOS.

Ngayon, kahit DIYOS ay NAGKATAWANG TAO po Siya.

Sinasabi sa Jn 1:1 at 14, "Sa pasimula ay ang SALITA, at ang SALITA ay KASAMA ng DIYOS at ang SALITA ay DIYOS."

"At ang SALITA [na DIYOS] ay NAGKATAWANG TAO at nanirahang KASAMA natin."
PURIHIN ang DIYOS!

Sa PAGKAKATAWANG TAO po ni HESUS ay hindi lang Niya ipinakita na MAHAL NIYA TAYO at gusto Niya tayong MAKASAMA.

NAGKATAWANG TAO po ang DIYOS para TUNAY SIYANG MAGING KAISA NATIN.

Kaya nga po sinabi sa Matthew 1:23 na tatawagin siyang EMMANUEL o ang DIYOS NA SUMASA ATIN.

At hindi lang po Siya NAGING KAISA NATIN sa ating pagka-TAO. TAYO mismo ay ISINAMA NIYA sa KANYANG KATAWAN— ang IGLESIA.

Si HESUS po ang ULO ng IGLESIA at TAYO naman ang Kanyang KATAWAN.

Sabi nga po sa Ephesians 5:23, "Si KRISTO ang ULO ng IGLESIA, ang KANYANG KATAWAN, na SIYA ang TAGAPAGLIGTAS."

So, si HESUS na ANAK ng DIYOS at TUNAY na DIYOS ay naging ULO na rin ng IGLESIA na ang bumubuo ay tayong mga TAO.

Sa madaling salita, TAYO po ay naging GANAP na KAISA ni HESUS. Dahil diyan tayo po ay naging ANAK na rin ng DIYOS.

Iyan po ang dahilan kung bakit ang AMA ni HESUS ay NAGING AMA na rin NATIN. (Jn 20:17)

At dahil si HESUS ang ULO ng IGLESIA, SIYA na ang NAMUNO sa PAGKILALA sa DIYOS.

Iyan ang KONTEKSTO ng sinabi ni Hesus na ang AMA ay KANYANG DIYOS at ATING DIYOS.

Kaya NIYA tinawag na KANYANG DIYOS ang AMA ay dahil PINAMUMUNUAN NIYA TAYO sa PAGKILALA sa AMA bilang DIYOS.

Pero HINDI porke ginawa Niya iyan ay hindi na Siya Diyos.

Naalala ko ang APAT sa mga TAO na HINAHANGAAN KO: Sila ay ang mag-inang sina Mrs. Marixi Prieto at ang anak niyang si Sandy Prieto-Romualdez at ang mag-amang John Gokongwei at Lance Gokongwei.

Si Sandy ay PRESIDENTE ng PHILIPPINE DAILY INQUIRER kung saan ang CHAIR of the BOARD ay ang INA NIYANG si Mrs. Marixi.

Samantala, si Lance ay PRESIDENTE naman ng mga KUMPANYA na PAG-AARI ng KANYANG AMA na si John.

Sa madaling salita po, ang mga ANAK na mula sa DALAWA sa mga PROMINENTENG PAMILYA sa BANSA ay EMPLEADO rin ng KANILANG mga MAGULANG.

Kung paanong ang mga MAGULANG ay itinuturing na "BOSS" ng kanilang mga ORDINARYONG EMPLEADO ay ITINUTURING din SILANG "BOSS" ng kanilang mga ANAK.

Ibig bang sabihin ay "HINDI na ANAK" ang mga ANAK dahil NAMUMUNO SILA sa mga KUMPANYA ng KANILANG mga MAGULANG?

ANAK pa rin SILA kung paanong si HESUS ay ANAK pa rin ng DIYOS sa kabila na PINAMUMUNUAN NIYA ang IGLESIA na DUMIDIYOS sa AMA.

At dahil ANAK ng DIYOS, si KRISTO ay DIYOS din. HINDI iyon NAWALA kahit pa NANGUNGUNA SIYA sa PAGKILALA sa KANYANG AMA bilang DIYOS.

Ganoon lang po yon.

PILIT lang po iyang PINIPILIPIT ng IBANG TAO na WALANG UNAWA sa SINASABI ng BIBLIYA.

7 comments:

  1. WALA pong KONTRA-KONTRA sa 1 Corinthians 8:6 at Jn17:3. (ha? wala pang kontra-kontra dyan? Bulag ka ba? o nagtatangatangahan ka na naman?)

    CONSISTENT po ang mga iyan, (Oo nga naman CONSISTENT talaga ang pagka kontra-kontra! hehehe!) partikular sa mga NANINIWALA sa HOLY TRINITY, (Trinity or TRI o tatlo! hindi po ba?) o sa IISANG DIYOS na MAY TATLONG PERSONA. (ha? nagpapatawa ka ba? papaano naging iisa eh tatlo naman pala? hoy! Mr. Cenon Bebi, huwag ka namang mangGago! anong naman tingin mo sa mga nagbabasa ng blog mo mga bobo na katulad mo?)

    MALINAW po riyan na ang DIYOS AMA ang NAG-IISANG DIYOS. (yan! yan! parang dyan ka lang tumama ngayon! kapag totoo naman mga kaibigan eh pupurihin naman talaga natin eh! sa Punto po na yan na IISA daw po ang Dios, ayon sa kanya mismo eh tama naman talaga sya dyan. huwag lang bumigay at bumaliktad itong si Mr. Cenon Bebi sa pagkilala sa Dios eh tama na talaga sya dyan! so dyan sa sinasabi ni Mr. Cenon Bebi mga kaibigan na IISANG Dios daw ay kaisa tayo dyan! at iyon din po naman ang pagkakilala ni Kristo sa Dios na kinikilala nya nagIISA nga daw po ang Tunay at TOTOONG Dios John 17:3-4 at Mr. Cenon Bebi si Kristo mismo ang nagsasabi at nagpakilala sa nagIISAng at TOTOOng Dios na ito!)

    KA-KONTRA po ba ng Titus 1:4 at 2 Tim 1:10 ang ISAIAH 43:10-11. (iquote mo para malinaw at maliwanagan ang mga nagbabasa! kaya mo?)

    NASAGOT na po NATIN IYAN (nasaan ang sagot mo? eh puro ka lang naman salita na nasagot mo eh! pero wala ka namang sagot!) at HINDI NGA NATUTULAN (eh anong tututulan? eh wala ka pa namang sagot sa mga kontra-kontra na yan! niloloko mo lamang yang sarili mo!) ng BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA E. (ang sira hindi na kailangang siraan pa! iminulat ko na lamang yang mga mata sa sirang-sira na!)

    WALA pong KONTRAHAN diyan. (eh nagtatangatangahan ka kasi eh! magpakatino ka kasi!)

    Kahit po sa Jn17:3 ay MALINAW ang PAGIGING DIYOS ng PANGINOONG HESUS. (Oh talaga lang ha? sige ipaliwanag mo kong papaano naging Dios ang isang tao na si Jesus na nagpapakilala sa Tunay at Nag-iisang Dios sa sangkataohan? sige ipaliwanag mo!)

    Sabi po riyan, (NI Kristo!) "At ito ang buhay na walang hanggan, na MAKILALA KA (sino po ba ang makilala para makamtan daw po natin ang buhay na walang hanggan?) nila, (at sino naman itong nila mga kaibigan? mga tao po iyon!) ANG IISANG TUNAY NA DIYOS, (Oh IISA naman pala eh? unawa mo na ba Mr. Cenon Bebi?) AT si HESU KRISTO na iyong sinugo." (saan po si Kristo ISINUGO ng Dios mga Kaibigan? sa Pilipinas po ba? sa U.S. kaya? basahin po natin mga kaibigan; Matt 15:24 & I quote "BUT HE meaning Jesus ANSWERED AND SAID, I AM NOT SENT BUT UNTO THE LOST SHEEP OF THE HOUSE OF ISRAEL." ito pa po karagdagang talata para sa kaunawaan po nitong si Mr. Cenon Bebi Matt 10: verse 5; "THESE TWELVE JESUS SENT FORTH AND COMMANDED THEM, SAYING, GO NOT INTO THE WAY OF THE GENTILES "na ang ibig sabihin po ng gentiles para sa kaalaman nitong si Mr. Cenon Bebi mga kaibigan ay non Jew o hindi po hudyo!" AND INTO ANY CITY OF THE SAMARITANS ENTER YE NOT; "hindi raw po pwedeng pumasok!" verse 6; BUT GO RATHER TO THE LOST SHEEP OF THE HOUSE OF ISRAEL." maliwanag po ba mga kaibigan? napakadali namang unawain eh! bakit hindi maunawaan nitong si Mr. Cenon Bebi ang talatang iyan sa kanyang Bibliya mga kaibigan? nagtatanong lamang po!)

    ReplyDelete
  2. DESPERADO na po itong BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA.

    NAGLALAGAY po SIYA ng REAKSYON sa mga POST na MALAYO sa KUNG SAAN AKO SUMAGOT sa mga MALI NIYANG SINABI.

    Diyan po ninyo MAKIKITA at MAPATUTUNAYAN na HINDI MANANALO ang mga ARGUMENTO NILA.

    Kung INTERESADO PO KAYONG MABASA ang ORIGINAL na SINABI ko na TINATAKBUHAN nitong BALIK ISLAM ay paki CLICK po ang LINK na "Kontra-kontra ng skolar na Muslim No. 1."

    Salamat po.

    ReplyDelete
  3. share ko lang sinabi ng kapanalig nyo :

    Lito Gascon: kayo. akala mo kung sino kayong mga rellisyosya. pero ang mga panalangin ninyo at lumuhod man kayo at gawin ninyo ang magdasal sa inyong Alaah ay walang kuwenta dahil ang diyos na totoo ay iniligtas na kami at hindi na niya sasabihin ulit na ililigtas ko kayo..dahil hindi siya nagbabago siya noon at siya ngayon ...
    Saturday at 10:59am ·

    Lito Gascon: kayong muslim galing lang kayo sa slaves na naging atsay ni rachel ba yun na asawa ni Abraham at pinagtabuyan dahil gusto maging kapantay ng aswa ni Abraham..non umalis siya at muntik nanng namatay at naawa ang panginoon at iniligtas at binigyan halaga at nagkaroon ng 12 bansa akala ninyo na kung sino na kayo ..kahit anong gawin ninyo si Joseph pa rin ang nakakalamng sa inyong magkakapatid..
    Saturday at 11:16am ·

    Lito Gascon: kayo kayo nag- aaway kayo di ba irag, pakistan, lebanon kuwait at lahat diyan sa saudi kayo lahat ay muslim ngunit nag- gigiyra kayo dahil wla kayong pagmamahal sa kapwa ninyo ..biruin mo pasasabugin mo ang mga tao at gusto lang ninyong ipaalam na ang ginagawa ninyo ay para sa inyong Allah. kabulukturan iyan..
    Saturday at 11:21am
    Lito Gascon: Joseph the one who can interpret the dream..di ba siya ang youngest na magkakapatid dahil si Abraham ay maraming anak 12 ang anak niya at isa dito si Joseph..
    Saturday at 11:29am

    Lito Gascon :akin ang wall na ito ininvite lang kita noon at mga post mo ay mali kaya nag proprotest ako...at sino kayong muslim na alam ninyo ang kaisipan ng diyos, walang nakakaalam ang kagustuhan niya kundi magmahalan lang sana at bahalana siya kung ano pa man ang kasunod dahil siya ang diyos..
    Saturday at 11:36am

    Lito Gascon: Yaweh ang kausap ni joseph. at si Virgin Mary at ginamit siya ng diyos ama na manganak na hindi naki pag sexual.. at huwag kayong mag -alala sa imperno pa rin ang bagsak ninyo dahil sabi sa kasulatan ay ; not everyone who say lord lord will enter the kingdom of heaven only those the will of thy father..Lito Gascon the father and the son are one kaya nga ang diyos ay trinity.. god the faTHER , THE SON AND THE HOLY GHOST..
    Saturday at 11:49am

    Lito Gascon: tell me then sino ang diyos ninyo at hindi ko siya kilala at para malaman ko naman kung sino siya bago ko siya husgahan nang mali..
    Saturday at 11:59am · Like

    Lito Gascon: ang mga nangyayarin sa ating mga buhay ay mga malling interpretisyon lang kung kaya marami sa atin mga followers ay bulag o kaya mangmang sa pagkakilala o pag kaalam ang layunin ng tunay na sumasalampalataya.
    Saturday at 12:01pm · Like

    Lito Gascon: sa totoo lang wala akong galit lahat sa mga religion dahil lahat tayo na umaasam na mapabuti natin ang ating buhay sa pag - aaral ng salita ng diyos at umaasam na balang araw lahat tayo ay mamuhay sa heaven inaasam na macamit balang araw..
    Saturday at 12:04pm


    ReplyDelete
  4. ITO NAMAN PO ANG TUGON KO SA MGA POST NYA:

    hoy lito camo! anu sabi mo?wala kang galit sa mga ibang relihiyon?anu pa ba mga sinasabi mo dito sa mga comments mo hindi ba malinaw na galit ka sa mga muslim?
    Yesterday at 12:22pm · Like · 1

    atsaka ano sabi mo?iniligtas na kayo ni hesus o diyos nyo?bakit kasali ka ba dun sa mga panahon na yun?at pati ikaw ligtas na?kanino nya tinubos ang mga kasalanan nyo?sa villarica pawnshop ba?ibig sabihin kung yan ang paniniwala nyo na iniligtas na kayo sa mga kasalanan nyo kaya pala napakarami sa inyong lantaran na gumawa ng mga kasalanan,kasi nga sa paniniwala nyo makagawa man kayo ng kasalanan ay ligtas na kayo sa kaparusahan...such a stupid belief!!

    huwag mong pag isahin ang diyos mo at ang diyos namin dahil ako na mismo magsasabi magkaiba sila!hindi kami sumasamba sa sinasabing nagkatawang tao para tumubos ng kasalanan ng kanyang mga nilikha,kung sa paniniwala nyo si hesus ay diyos nagkatawang tao, bakit pa sya magpapabaya na saktan sya ng kanyang mga nilikha?patawarin nawa kayo sa mga paniniwala nyo!

    at oo nga pala mr. lito! anu sabi mo na mga bansang muslim hindi nagkakasundo kaya nag gigiyera bakit alam mo ba ang pinaka puno't dulo ng hindi nila pagkakaunawaan bakit sila naggigyera??hindi sila nag gigiyera dahil sa pananampalatayang Islam,mayron silang malalim na dahilan kung bakit sila hindi magkasundo!
    21 hours ago


    ah kaya pala hindi mo pala kilala ang aming sinasamba kaya ganyan ka makapanghusga,teka wait ka mag copy paste ako dito about sa aming sinasamba para kahit konte may malaman ka tungkol sa kanya ok?at babasahin mo un ng magka idea ka
    SINO ANG ALLAH ?

    Ang Allah ay ang tunay at tanging Tagapaglikha. Siya ay walang anak at hindi rin ipinanganak. Siya ay walang katulad.

    Ang Allah ay hindi lamang Diyos ng isang tribo o pangkat ng tao, bagkus Siya ang Tunay na Panginoon ng lahat. Kaya�t Siya lamang ang karapat-dapat sambahin at wala ng iba pa.

    Siya ang nagpadala ng mga Sugo upang turuan ang tao sa pagsamba lamang sa Kanya. Ang ilan sa kanila ay sina : Propeta Noah, Abraham, Moses, Hesus,Mohammad (sumakanila nawa ang kapayapaan).

    Pinananatili ng mga Muslim na Siya ay tawagin sa pangalang Allah. Siya (Allah) mismo ang nagbigay ng Kanyang pangalan sa pamamagitan ng kapahayagan o rebelasyon na Kanyang ipinadala sa mga piling Propeta. Siya ang tanging Tagapaglikha ng lahat ng bagay na ating nakikita at hindi nakikita.

    Ayon sa Banal na Qur�an (32:4):

    � Ang Allah ay (Siyang) lumikha ng kalangitan at kalupaan at ng lahat ng nasa pagitan nito�.. �
    21 hours ago ·

    ANO ANG ISLAM ?

    Ang Islam ay hindi hinango sa pangalan ng tao, pook, tribo o ano mang bagay na nilikha ng Diyos. Ito ay kaiba sa ibang relihiyon sapagkat ang kanilang pangalan ay hinango sa mga nilikhang bagay. Halimbawa : Ang Kristiyanismo ay hinango sa katagang Kristo; Budhismo sa pangalan ni Gautama Buddha; Hinduismo sa tribo ng Indes Valley sa India; at Judaismo sa tribo ng Juda.

    Ang Islam ay isang katagang Arabik na hinango sa salitang ugat na �Salam� na nangangahulugan ng Kapayapaan. Ito ay nangangahulugan din ng Pagsunod, Pagsuko at Pagtalima sa kalooban ng Tunay na Diyos. Ang tunay na kapayapaan ay nasa puso, isip at kaluluwa na nagdudulot ng kapayapaan sa kapaligiran at lipunan. Ang kapayapaan ay hindi kailanman matatamo sa antas ng karunungan, kayamanan o katanyagan. Bagkus ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng ganap at tapat na Pagsunod, Pagsuko at Pagtalima sa kalooban ng Nag-iisang Tunay na Diyos (Allah) - ang likas na pananampalatayang ibinigay Niya sa sandaigdigan.
    21 hours ago


























    ReplyDelete
    Replies
    1. BAKIT po DITO NINYO TINATALAKAY ang SAGUTAN NINYO ni LITO GASCON?

      PAGBIBIGYAN KO po KAYO NGAYON LANG. Sa SUSUNOD po KUNG WALA KAYONG MASASABING GALING MISMO sa INYO ay TATANGGALIN KO po ang POST NINYO.


      +++

      Anyway, NAG-QUOTE KAYO sa QURAN.

      NATITIYAK po ba NINYO na DIYOS nga ang NAGSABI ng LAMAN ng QURAN?

      SINO po ang NAKARINIG nung SABIHIN DAW ng DIYOS ang LAMAN ng QURAN?

      Tiyak ang sasabihin ninyo ay yung "ANGHEL" daw.

      E SINO po ang NAKAKITA at NAKARINIG nung KAUSAPIN ng "ANGHEL" na iyan ang PROPETA NINYO?

      Sana po ay MAY MAIPAKITA KAYO.

      Dun sa HINIHINGI kong PATUNAY na SINUGO ng DIYOS ang PROPETA NINYO ay WALA KAYONG MAIPAKITA, di po ba?

      Delete
  5. dagdag ko pala kay lito na sinasabi nyang ligtas na sila, ano pala ang silbi ng sanlibutan na namumuhay sa ngayon kung sinasabi mo na ligtas na sa kasalanan ang mga tao?ano pala ang silbi ng paniniwalang paraiso at impyerno kung ligtas na kayo sa kasalanan?ibig mong sabihin sa dinami dami ng mga taong nakakagawa ng kasalanan ay mga ligtas na sila?kaya pala ganyan kagahaman sa paggawa ng mga kasalanan ang mga tao kasi sa paniniwala ninyong ligtas na kayo dahil tinubos na mga kasalanan nyo?di sana noon pa man ginunaw na ng panginoon ang mundo kung tinubos na nya ang mga kasalanan nyo ika mo nga.anu na lang pala ang paniniwala mo sa mga taong yumao na?ibig sabihin ba nun porke patay na ang tao tahimik na siyang nakahimlay sa libingan nya?san napunta ang kaluluwa nya?at ipagpalagay mo sa sarili mo na ikaw ay yumao,isipin mo san mapupunta ang kaluluwa mo?kung sa sinasabi mong ligtas na kayo sa kasalanan, ibig sabihin lahat ng mga kasalanan mo ay napatawad na ng diyos at derecho ka na sa paraiso?ano ba ang paraiso sa inyong paniniwala?naniniwala ba kayo sa paraiso at impyerno?


    --hanggang ngayon ay naghihintay ako ng kanyang tugon sa aking sagot sa mga sinabi nya..ikaw cenon, ano ang paliwanag sa tanong ko,na kung ang paniniwala nyo ay nailigtas na kayo dahil tinubos na ika nyo nga ng diyos nyo ang mga kasalanan ng sanlibutan, ibig bang sabihin nyan,malaya ng makakagawa ng anumang nais nya ang bawat nilalang na makagawa ng kasalanan sapagkat ang paniniwala nya na siya ay iniligtas na ng panginoon sa mga kasalanan nya at sa magagawa nya?pano kung mamatay ang isang taong makasalanan?saan mapupunta ang kaluluwa nya?ibig bang sabihin nyan saparaiso nya mapupunta pa rin sapagkat sa inyong paniniwala ay iniligtas na kayo ng panginoon nyong hesus sa inyong mga kasalanan??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang SANLIBUTAN po ay PANSAMANTALANG TIRAHAN ng TAO, ng mga ANAK ni ADAN.

      ITO ang LUGAR kung saan PINAPUNTA si ADAN at EBA matapos NILANG MAGKASALA sa HARDIN ng EDEN.

      At dahil NARITO ang TAO sa LUPA ay BUMABA MISMO ang DIYOS DITO sa LUPA at DITO rin INIALAY ang KANYANG BUHAY bilang KABAYARAN sa KASALAN ng TAO.

      Ngayon, ang mga TATANGGAP sa DIYOS na si KRISTO ay KUKUNIN ng DIYOS sa DULO ng KANYANG BUHAY at DADALHIN sa LANGIT. LIGTAS na kasi SIYA.

      Ang mga HINDI MANINIWALA kay KRISTO (o NAGTAKWIL pa kay KRISTO) ay MAPUPUNTA sa IMPIERNO.

      Ganun po yon.



      +++

      MUSLIM SAID:
      kung ang paniniwala nyo ay nailigtas na kayo dahil tinubos na ika nyo nga ng diyos nyo ang mga kasalanan ng sanlibutan ...


      CENON BIBE:
      Ang TUMANGGAP NA kay KRISTO at INILIGTAS NA ng DIYOS ay HINDI na po PIPILIIN ang PAGGAWA ng KASALANAN.

      Bagkus, SISIKAPIN ng isang INILIGTAS NA ni KRISTO ang MAMUHAY nang NAAAYON sa KALOOBAN ng DIYOS.

      Tingnan po NINYO ang mga SANTONG tulad nina SAN PABLO.

      TINALIKURAN ni PABLO ang KASALANAN at sa halip ay IPINANGARAL ang KALIGTASAN ng DIYOS.



      +++

      MUSLIM SAID:
      pano kung mamatay ang isang taong makasalanan?saan mapupunta ang kaluluwa nya?ibig bang sabihin nyan saparaiso nya mapupunta pa rin sapagkat sa inyong paniniwala ay iniligtas na kayo ng panginoon nyong hesus sa inyong mga kasalanan??


      CENON BIBE:
      Kahit pa NAILIGTAS na ang isang TAO kung PATULOY SIYANG GAGAWA ng KASALANAN ay MAS MASAHOL PA siya sa HINDI NAILIGTAS.

      Ang NAILIGTAS ay KAILANGANG MAGBAGO at SUMUNOD sa UTOS at KALOOBAN ng DIYOS para MAPANATILI ang KALIGTASAN sa KANYA.

      Delete