Sunday, July 5, 2009

Sa Bible, 3 days and 3 nights hindi literal

ITULOY po natin ang PAGBIBIGAY ng mga PATUNAY na HINDI LITERAL ang KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS" katulad ng sinabi ng Panginoong Hesus sa Matthew 12:40.

Ito po ay KATULOY ng mga SAGOT NATIN sa PAGPUPUMILIT ng ilang BALIK ISLAM na "LITERAL" daw iyan sa kabila ng WALA SILANG MAIPAKITANG SUPORTA sa kanilang PANG-UNAWA.

Sa mga nakaraan po nating mga POST ay IPINAKITA natin na MISMONG ang PANGINOONG HESUS at ang mga HUDYO ay NAGPATUNAY na MALI ang IGINIGIIT ng KAUSAP nating BALIK ISLAM.

Ipinakita po natin ang PAKAHULUGAN ng PANGINOONG HESUS sa Mt16:21, 17:22-23 at 20:19 kung saan sinabi Niya na siya ay mabubuhay muli "SA IKATLONG ARAW" o "ON THE THIRD DAY."

MALINAW po riyan na ang IBIG SABIHIN ni HESUS sa "3 DAYS and 3 NIGHTS" ay SAKOP ang TATLONG ARAW. Kaya nga "SA IKATLONG ARAW" ay babangon na Siyang muli.

Sunod po ay ipinakita natin ang PAHAYAG ng MATATALINONG TAO na GUMAWA ng JEWISH ENCYCLOPEDIA.

Diyan po ay INIHAYAG kung PAANO NAUUNAWAAN ng mga HUDYO ang KONSEPTO ng PAGBIBILANG ng mga ARAW.

Ginamit po natin iyan dahil ang PANGINOON ay ISANG HUDYO at ang PANG-UNAWA NIYA sa "3 DAYS and 3 NIGHTS" ay KATULAD ng sa mga KAPWA NIYA HUDYO.

At ayon sa mga HUDYO, HINDI KAILANGANG BUONG 24 ORAS ang BILANG para masabi na ISANG ARAW at ISANG GABI.

Anang JEWISH ENCYCLOPEDIA, ang BAHAGI ng ISANG ARAW ay MAITUTURING nang BUONG ARAW o ISANG ARAW at ISANG GABI.

Kaya nga po ang paglibing kay HESUS sa HAPON ng BIYERNES ay BINIBILANG nang ISANG BUONG ARAW (UNANG ARAW at UNANG GABI), ang SABADO na NASA LIBINGAN si HESUS ay BUONG ARAW na rin (IKALAWANG ARAW at IKALAWANG GABI) at ang ILANG ORAS na NASA LIBINGAN si HESUS sa araw ng LINGGO ay BINIBILANG na rin na BUONG ARAW (IKATLONG ARAW at IKATLONG GABI).

Ngayon, sa BIBLIYA naman po tayo tumingin ng KAHULUGAN ng "3 ARAW at 3 GABI."

Diyan ay MAKIKITA NATIN na HINDI LITERAL na 72 ORAS ang KAHULUGAN ng mga salitang iyan.

Simulan natin sa pangyayari kay REYNA ESTHER ayon sa pahayag ng ESTHER 4:16 at 5:1.

Sa Esther 4:16 ay sinabi ni ESTHER, "Humayo kayo at tipunin ang lahat ng mga Hudyo na nasa Susa;"

"mag-ayuno kayo para sa akin, lahat kayo, at huwag kumain o uminom nang TATLONG ARAW, GABI man o ARAW."

"Kami ng mga katulong ko ay mag-aayuno rin SA GANOONG PARAAN."

"At pag handa na ako, PUPUNTA AKO sa HARI, salungat sa batas."

"Kung mamatay ako ay mamamatay ako!"

Paki pansin po na ang PUPUNTA raw si REYNA ESTHER sa HARI kapag nakapag-ayuno na SIYA at ang mga HUDYO ng TATLONG ARAW, GABI man o ARAW.

Tugma iyan sa "TATLONG ARAW at TATLONG GABI" na pag-aayuno.

Ngayon, LITERAL po bang TATLONG ARAW at TATLONG GABI ang GINAWA NILANG PAG-AAYUNO BAGO SIYA PUMUNTA sa HARI?

HINDI PO.

Ang PATUNAY po riyan ay mababasa natin sa Esther 5:1.

Sabi riyan, "SA IKATLONG ARAW, nagsuot si Esther ng marangyang damit at tumayo sa loob na bahagi ng bulwagan, nakaharap sa palasyo, habang ang hari ay nakaupo sa trono sa loob at nakaharap sa pintuan."

KAILAN po PUMUNTA si REYNA ESTHER sa HARI? PAGKATAPOS po ba ng sinabi niyang "TATLONG ARAW at TATLONG GABI" o 72 ORAS na pag-aayuno?

HINDI PO.

Siya ay NAGPUNTA sa hari "SA IKATLONG ARAW."

72 ORAS na po ba IYAN?

HINDI pa po. PATUNAY na HINDI LITERAL kapag sinabi na "3 DAYS, NIGHT or DAY" o "3 DAYS and 3 NIGHTS."

Heto pa po.

Sa 1 Samuel 30:12-13 ay mababasa natin ang tungkol sa isang ALIPIN na "3 ARAW at 3 GABI" na hindi kumain. (1 Sam 30:12)

Bakit daw siya hindi kumain ng "3 ARAW at 3 GABI"?

Ayon sa alipin, INIWAN daw kasi siya ng kanyang amo "TATLONG ARAW NA ang NAKALILIPAS."

Diyan po ay makikita natin na sa BIBLIYA, ang "3 ARAW at 3 GABI" ay KASING KAHULUGAN ng "3 ARAW na NAKALILIPAS."

Ang "3 ARAW na NAKALILIPAS" po ba ay LITERAL na 72 ORAS?

HINDI PO.

DAGDAG na PATUNAY po iyan na ang "3 DAYS and 3 NIGHTS" ay HINDI LITERAL at LALONG HINDI LITERAL na 72 ORAS.

So, ayan po. MARAMI nang PATOTOO at PATUNAY na ang "3 DAYS and 3 NIGHTS" sa BIBLIYA ay HINDI LITERAL.

MALIWANAG PO na MALI ang IPINAGPIPILITAN ng KAUSAP nating BALIK ISLAM na iyan ay LITERAL.

Ngayon, HULAAN po NINYO kung PAANO SASAGOT ang ating KAUSAP?

UULITIN na lang po NIYA at IGIGIIT ang MALI NIYANG UNAWA.

Ganoon na lang po yon dahil WALA SIYANG MAIPAKIKITANG PRUWEBA na iyan ay LITERAL.

Maraming salamat po.

14 comments:

  1. ITULOY po natin ang PAGBIBIGAY ng mga PATUNAY na HINDI LITERAL ang KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS" (Bakit sinabi din ba Kristo dyan sa Matt 12:40 na hindi Literal ang mga Pangungusap nyang yan? saan mababasa Mr. Cenon Bebi? 3 Days & 3 Nights pilit po talagang binabaluktot nitong si Mr. Cenon Bebi ang mga PAngugnusap ni Kristo na iyon! bakit kaya? ano po kaya ang malaking Dahilan bakit hindi Matanggap ni Mr. Cenon Bebi ang mga pangungusap ni Kristo sa Matt 12:40 PAtungkol sa 3 Days & 3 Nights? sumasalungat ba ito sa kanyang Ginagawa at Pinaniniwalaan? bakit kailangang baliin salungatin kokntrahin ni Mr. Cenon Bebi ang malinaw, klaro at napakadaling intindihin na mga pangungusap ni Kristong iyan mga kaibigan?)katulad ng sinabi ng Panginoong Hesus sa Matthew 12:40. (na 3 Days & 3 Nights na ginagawa po ni Mr. Cenon Bebi na 1 Day & 2 Nights. mga kaibigan kong saan saan na lamang po kumukuha ng mga patunay itong si Mr. Cenon Bebi hindi po sapat para sa kanya ang mga pangungusap ni Kristo sa Matt 12:40 mapatunayan lamang po nya na mali si Kristo sa kanyang sinabing 3 Days & 3 Nights, at masabing tama si Mr. Cenon Bebi sa kanyang tangang paniniwala na ang ibig nasabing sa nasabing talata Matt 12:40 ay 1 Day & 2 Nights po lamang ayon sa katangahang paniniwala ni Mr. Cenon Bebi. napakalinaw po mga kaibigan, Sumasalungat at Kumukontra po itong si Mr. Cenon Bebi hindi lang po sa kanyang Bibliya kundi pati na rin po kay Kristo!)

    Ito po ay KATULOY ng mga SAGOT NATIN sa PAGPUPUMILIT ng ilang BALIK ISLAM na "LITERAL" daw iyan sa kabila ng WALA SILANG MAIPAKITANG SUPORTA sa kanilang PANG-UNAWA. (Mr. Cenon Bebi hindi pa ba sapat para sayo na Suporta ang mismong Salita ni Kristo sa Matt 12:40? ha? anong klaseng Kristyano ka? na ultimong salita ni Kristo sa Bibliya ay hindi mo makuhang paniwalaan at tanggapin? sa halip Sinasalungat at Kinukontra mo ng tuwiran ang mga ito! biroin nyo mga kaibigan mga panguntra mismo nitong si Mr. Cenon Bebi sa Matt 12:40 ay mga talata din po sa Bibliya! tapus kagagohan pa nyang sabihin na dindi daw po kontra-kontra ang Bibliya! sino po kaya ang niloko nitong si Mr. Cenon Bebi mga kaibigan? kayo na po ang bahalang humusga mga kaibigan at mga giliw na taga subaybay.)

    ReplyDelete
  2. Saan sinabi ni KRISTO na HINDI LITERAL ang "3 DAYS and 3 NIGHTS" sa Mt 12:40?

    Sa Mt 16:21, 17:22-23, 20:19.

    Ngayon, SAAN SINABI ni KRISTO na LITERAL ang Mt12:40?

    NILOLOKO MO na lang ang SARILI MO sa PAGBUBULAGBULAGAN MO.

    Sabagay, ang MAHALAGA ay NAKIKITA ng IBANG BALIK ISLAM na NAGBABASA ng SAGUTAN NATIN kung GAANO KAWALANG BATAYAN ang mga SINASABI MO.

    Kahit IPAGPILITAN MO na ang EBANGHELYO ni MATTHEW ay ang MT12:40 LANG ay SARILI MO LANG ang NILOLOKO MO.

    MARAMING SALAMAT PO sa mga BALIK ISLAM na NAMUMULAT sa pamamagitan ng BLOG na ITO.

    ReplyDelete
  3. Saan sinabi ni KRISTO na HINDI LITERAL ang "3 DAYS and 3 NIGHTS" sa Mt 12:40? (bakit Mr. Bebi hindi mo ba talaga makuhang unawain ang pangungusap ni Kristo sa Matt 12:40? napakalapastangan mo naman na pati salita ni Kristo ngayon sa Bibliya eh hindi mo na makuhang pang unawain at intindihin! bakit Mr. Cenon Bebi? may malaking problema ka ba kong tanggapin at unawain mo na lamang ang mga pangungusap ni Kristo sa Matt 12:40? ha? pakisagot lang po! bakit kailangang baliin mo pa ito? at gawin 1 Day & 2 Nights instead of 3 Days & 3 Nights na syang malinaw na mga pangungusap ni Kristo sa Matt 12:40. anong motibo nyo Mr. Cenon Bebi? bakit hindi mo matanggap ang malinaw na pangungusap ni Kristo na iyon?)

    Sa Mt 16:21, 17:22-23, 20:19. (V.S. Matt 12:40 tingnan nyo po mga kaibigan at mga giliw na tagasubaybay sa blog na ito, tingnan nyo po kong papaano pagsasabungin nitong si Mr. Cenon Bebi ang Bibliya! Bibliya kontra Bibliya sa parehong Book of Matthew mga kaibigan! ang mismong mga salita ni Kristo mga giliw na tagasubaybay! pinagsasabong nitong si Mr. Cenon Bebi mga kaibigan!)

    ReplyDelete
  4. Ang tanong po ni Mr. Cenon Bebi sa atin mga kaibigan eh kong Literal daw po ba ang Matt 12:40. kasi hirap syang tanggapin ang katotohanang ito na nagmula mismo kay Kristo mga kaibigan, sa dahilan po na Sumasalungat ito sa kanilang ginagawa at Paniniwala. pero po sa isang banda na kong saan isa sa naging batayan nila ng pagka dios daw po ni Kristo ay ang JOHN 10:30 po & i quote; "I an my Father are one." na without even understanding the Context of Chapter 10 of JOHN eh nag conclude na po kaagad sila na dios daw po si Kristo! tingnan nyo po kong gaano katanga itong si Mr. Bebi mga kaibigan? what Christ didn't say "in John 10:30 as being god they ADD and now believed him to be god. and what Christ clearly say "Matt 12:40" they Reject! infact Jesus clearly said in John 17:3-4 & i quote "v3. And this is Life Eternal, that they might know thee the ONLY TRUE GOD, and Jesus Christ, whom thou hast sent. (paki basa po ang John 13:15-16) v4. I have glorified thee on the Earth; I have finished the work which thou gavest me to do." itong mga pangungusap po ni Kristo na ito mga kaibigan at mga giliw na tagasubaybay ay kanyang pong sinabi bago pa man maganap ang nasabing cru·ci·fix·ion mga giliw na tagasubaybay. hindi ko lamang po alam nitong si Mr. Cenon Bebi kong naiintindihan nya po ang salitang FINISHED na syang malinaw na pangungusap ni Kristo sa nasabing talata mga kaibigan! bakit kailangan pang ipaku pa si Kristo kong ito sa kanya na mismo nanggaling na tapus na daw po ang kanyang mission dito sa Lupa at yon mga kaibigan ay sinasabi ni Kristo bago pa man maganap ang nasabing cru·ci·fix·ion. "I have finished the work which thou gavest me to do." so Jesus already finished with the work God given Him to do! ano pa ang saysay ng crucifixion mga giliw na taga subaybay kong tapus na pala ang dapat gawin ni Kristo dito sa Mundo. tila baluktot at puro kamalian lang talaga ang unawa nitong si Mr. Cenon Bebi mga kaibigan at mga giliw na tagasubaybay. kayo na lamang po ang bahalang humusga sa kanyang pag-iisip.

    ReplyDelete
  5. WALA po TALAGANG MAIPAKIKITANG PATUNAY ang KAUSAP NATING BALIK ISLAM na LITERAL ang Mt12:40.

    PILIT pa niyang IPINAKIKITA ang KAWALAN NIYA ng ALAM sa PAG-UNAWA sa mga KASULATAN.

    INAAKALA NIYA na ang Mt12:40 ay HIWALAY at HINDI KASAMA ng IBA PANG NAKASULAT sa EBANGHELYO ni MATTHEW.

    MALI PO ang AKALA NIYA.

    DAHIL INIHIWALAY NIYA ang Mt12:40 sa IBA PANG BAHAGI ng MATEO ay naging OUT OF CONTEXT ang UNAWA NIYA.

    Kapag OUT OF CONTEXT ang UNAWA ay MALI na IYAN.

    PARA po MAUNAWAAN nang TAMA ang isang KASULATAN, KAILANGANG BASAHIN IYAN SANGAYON sa KANYANG KONTEKSTO o AYON SA KABUOHAN ng KASULATAN.

    At DIYAN po BAGSAK ang BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN.

    Dahil OUT OF CONTEXT ang PAGBABASA NIYA sa Mt12:40 ay MALI ang PAGKAUNAWA NIYA.

    Kung ILALAGAY sa KONTEKSTO ang Mt12:40 ay MALINAW na LALABAS na HINDI LITERAL ang sinasabi riyan na "3 DAYS and 3 NIGHTS."

    Iyan ay batay sa KONTEKSTO ayon sa SINASABI ng IBANG BAHAGI ng MATTHEW (Mt16:21, 17:22-23, 20:19), sa SINASABI ng BUONG BIBLIYA (1 Samuel 30:12-13 at Esther 4:16, 5:1), at sa KONTEKSTO ng KULTURA ng mga HUDYO (ayon sa JEWISH ENCYCLOPEDIA).

    Ganyang po KASIMPLE yan.

    Ngayon, kung GUSTONG IPAGPILITAN ng BALIK ISLAM ang OUT OF CONTEXT at MALI NIYANG UNAWA ay NASA KANYA po iyan.

    ISA SIYANG BULAG na INILILIGAW ng MALI NIYANG UNAWA.

    Kaya nga PARA SA KANYA ay "magkakontra" pa ang Mt12:40 sa Mt16:21, 17:22-23, 20:19.

    Pero sa mga MARUNONG MAGBASA ng KASULATAN ay IPINALILIWANAG ng Mt16:21, 17:22-23, at 20:19 ang sinasabi ng Mt12:40.

    GANOON po YON.

    Kaya nga po ANG NANINIWALA sa PAGKAUNAWA ng BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN ay NAGKAKAMALI RIN ng UNAWA.

    Sabi sa Mt 15:14, "Kung ang isang BULAG ay INAKAY ng ISA PANG BULAG, PAREHO SILANG MAHUHULOG SA HUKAY."

    Malamang po ang BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN ay INAKAY ng BULAG kaya PAREHO SILANG NASA HUKAY ng MALING PAGKAUNAWA.

    KAYO PO? MAGPAPAAKAY ba sa BULAG na TAGAAKAY?

    Salamat po.

    ReplyDelete
  6. KAUGNAY sa Jn 10:30.

    SINO PO ang WALANG UNAWA sa TALATA?

    Ang NAGMAMARUNONG at WALANG UNAWA na BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN.

    Ang MARUNONG PONG UMUNAWA ay MALINAW na MAKIKITA na sa Jn 10:30 ay NAGPAPAKILALANG DIYOS ang PANGINOONG HESUS.

    Paano po?

    SURIIN NATIN ang SINASABI ng Jn10:30 sa MISMONG TEKSTO NITO sa GRIEGO.

    Sa GREEK ay ganito ang sinasabi sa Jn10:30, "Ego kai o Pater HEN esmen."

    Ang SALITANG GRIEGO na ISINALIN bilang ISA ay ang HEN.

    Ang KAHULUGAN po ng salitang HEN ay "ONE in ESSENCE" o IISA sa PANGUNAHING SANGKAP o ELEMENTO.

    Ano po ba ang SANGKAP ng DIYOS AMA? Hindi po ba SANGKAP ng DIYOS?

    Kung IISA ang SANGKAP ng AMA at ng ANAK ay ANO ang SANGKAP ng ANAK? Hindi ba SANGKAP ng sa DIYOS?

    At kung ang SANGKAP ng AMA ay sa DIYOS, MALINAW na ang SANGKAP din ng ANAK ay sa DIYOS DIN.

    Ngayon, NAGMAMARUNONG PO ang BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN. TUTULAN po NIYA ang PAGSUSURI na IYAN.

    TINGNAN po NATIN kung MAY MAIPAKIKITA SIYANG MAAYOS NA PANG-UNAWA.

    Teka po, "NI-REJECT" daw po natin ang sinabi ni HESUS sa Jn 17:3-4.

    Ang sinasabi po riyan ay ganito, "And this is Life Eternal, that they might know thee the ONLY TRUE GOD, and Jesus Christ, whom thou hast sent."

    WALA po TAYONG TUTOL DIYAN.

    TAMA PO na ang DIYOS AMA ang NAG-IISANG TUNAY na DIYOS.

    Pero TINGNAN po ninyo ang PANLILINLANG at KAMANGMANGAN ng BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN.

    SINABI po ba RIYAN na "AMA LANG ANG KILALANIN?"

    HINDI po. Ang SABI RIYAN ay KILALANIN DIN SI HESU KRISTO na SINUGO ng AMA.

    SINO po ba si HESUS?

    SIYA po ang ANAK ng DIYOS. PATUNAY po riyan ay TINAWAG NIYANG "AMA" ang DIYOS (Jn 17:1).

    At BATAY po sa KONTEKSTO ng Jn 17:3 sa LOOB ng KABUOHAN ng EBANGHELYO ni JOHN ay MALINAW na NAGPAPAKILALA PANG DIYOS si HESUS.

    Bilang ANAK ng DIYOS ay DIYOS DIN si HESUS.

    Ayon po kay HESUS sa Jn 10:30 ay IISA ang SANGKAP NIYA (GREEK=HEN) at ng DIYOS AMA.

    PATUNAY po iyan sa PAGIGING ANAK ng DIYOS ni HESUS.

    Ang KALIKASAN PO kasi ng ANAK ay KATULAD ng KALIKASAN ng AMA.

    Kung DIYOS ang AMA ay DIYOS DIN ang ANAK.

    HINDI po MAGBUBUNGA ng SANTOL ang MANGGA. HINDI PO BA?

    Ngayon, SINO ang NAGRE-REJECT sa Jn 17:3?

    TAYO BA na KUMIKILALA kay HESUS bilang DIYOS ANAK at DIYOS DIN? O ang mga BALIK ISLAM na NAGRE-REJECT sa PAGKA-DIYOS ni HESUS at pagka-DIYOS ANAK NIYA?

    Kaya po BULAG na NAG-AAKUSA ang KAUSAP NATIN.

    SORRY pero PURO SIYA KAMANGMANGAN.

    ReplyDelete
  7. DAGDAG pang KAMANGMANGAN NIYA ang MALING UNAWA NIYA sa Jn 13:15-16.

    Sabi riyan, "I have given you a model to follow, so that as I have done for you, you should also do.

    16 Amen, amen, I say to you, no slave is greater than his master nor any messenger greater than the one who sent him."

    Ang PUNTO po niya riyan ay "SINUGO" lang daw ang PANGINOONG HESUS kaya HINDI SIYA ANAK.

    MALI na NAMAN PO.

    PORKE po ba INUTUSAN ng AMA ang ANAK NIYA ay HINDI NA NIYA ITO ANAK?

    DIYAN natin MAKIKITA kung GAANO KABALUKTOT ang PAG-IISIP ng BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN.

    Siguro ang ANAK NIYA ay HINDI NIYA MAUTUSAN dahil lalabas na ALIPIN NA NIYA IYON at HINDI NA ANAK.

    BALUKTOT po TALAGA ang UTAK NIYA, hindi po ba?

    Ngayon, porke ba sinabi ng PANGINOON na NATAPOS NA ang GAWAIN na PINAGAWA sa KANYA (Jn17:4) ay HINDI NA KASAMA ang PAGPAKO SA KANYA SA KRUS?

    SAAN SINABI riyan ni HESUS na HINDI NA SIYA IPAPAKO sa KRUS?

    WALA po.

    LUMABAS na naman ang KAMANGMANGAN NIYA sa PAGBABASA nang NAAAYON sa KONTEKSTO.

    ANO po ba ang BAHAGI ng EBANGHELYO ni JOHN ang Jn17:4?

    Iyan po ay BAHAGI na GINAGAWAN na ni HESUS ng BUOD ang MISYON NIYA dahil PAGKATAPOS NIYAN ay DADAKPIN at IPAPAKO na SIYA sa KRUS. (Jn 18 patuloy)

    SINABI ni HESUS na NATAPOS NA ang MISYON NIYA dahil sa puntong iyan ay TINANGGAP NA NIYA ang GAGAWING PAGPAPAHIRAP at PAGPATAY sa KANYA.

    MAKIKITA natin iyan sa Jn 17:11 kung saan sinabi Niya, "And now I WILL NO LONGER BE IN THE WORLD, but they are in the world, while I am coming to you."

    KITA po NINYO? Sa halip na PABULAANAN na MAMAMATAY SIYA sa KRUS ay KINUMPIRMA pa NIYA ITO.

    Sinasabi Niya na LILISANIN na NIYA ang MUNDO.

    PAANO?

    Sa pamamagitan ng PAGKAMATAY NIYA sa KRUS na magiging DAAN sa MULI NIYANG PAGKABUHAY at PAGBALIK NIYA sa LANGIT.

    INUUNA kasi ng BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN ang PAGBALUKTOT kaysa PAG-UNAWA EH.

    PURO lang SIYA PANINIRA.

    ReplyDelete
  8. SA HALIP na MAGHANAP SIYA ng MALI sa BIBLIYA ay HANAPAN NIYA nang SAGOT ang KAMALIAN at KONTRA-KONTRA sa mga INTERPRETASYON ng mga SKOLAR NILA.

    Dahil sa MALI-MALI at KONTRA-KONTRA ng mga SKOLAR NILA ay NAGMUMUKHANG MALI rin ang kanilang AKLAT.

    HINDI MAITATANGGI ng BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN na TADTAD nang KAMALIAN ang mga INTERPRETASYON ng mga SKOLAR NILA.

    At KAYA MAHILIG MAG-IMBENTO ng MALI LABAN sa BIBLIYA ang BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN ay dahil HINDI NIYA KAILAN MAN MAIPALILIWANAG ang KAPALPAKAN ng mga SKOLAR NILA.

    ReplyDelete
  9. SURIIN NATIN ang SINASABI ng Jn10:30 sa MISMONG TEKSTO NITO sa GRIEGO. (Bakit? Mr. Cenon Bebi? Griego ba ang pagkakilala mo kay Kristo? eh pinipirata lang naman po ng Griego ang Aramaico? ikaw talaga Mr. Cenon Bebi puro ka sablay, at mas pinaniniwalaan mo ang Griego kay sa Aramaico na syang salita ni Kristo? sa pamimirata pa lamang po ng Griego mula sa Aramaico marami na pong corruption at mga pagbabago na ginawa nila sa Bibliya. ay iyon po ang pinagkakatiwalaan ni Mr. Cenon Bebi mga kaibigan at mga giliw na tagasubaybay.)

    HINDI MAITATANGGI ng BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN na TADTAD nang KAMALIAN ang mga INTERPRETASYON ng mga SKOLAR NILA. (saan? meron ba? isa-isahin mo! kong may alam ka. baka ako ang maglitaw ng kamalian, kontrakontra at mga salungatan mula sa Bibliya mo Mr. Cenon Bebi! og ano? ilitaw mo yang mga pinagngangawa mo! hindi yong puro ka lamang Daldal. ang hirap kasi sayo Mr. Cenon Bebi puro daldal lang ang alam mo wala ka namang maipakita!)

    ReplyDelete
  10. ANO po ba ang BAHAGI ng EBANGHELYO ni JOHN ang Jn17:4? (talaga bang ebanhhelyo ni John yan? oh baka naman according to John lang? dahil an unknown personality or somebody is writing it for John, kaya The Gospel According to John pero sa totoo lamang po hindi kay John ang mga nasabing sulat. Common Sense lang yan Mr. Cenon Bebi, at yan ang wala ka! wala kang Common Sense!)

    ReplyDelete
  11. INILANTAD mo na naman ang KAMANGMANGAN MO.

    Si KRISTO ay HUDYO na BIHASA sa MARAMING WIKA, ARAMAICO, HEBREO at GRIEGO.

    Ang GRIEGO ang LINGUA FRANCA o WIKANG PANLAHATAN noong PANAHON ni HESUS. At dahil ang MENSAHE ni HESUS ay PARA SA LAHAT ay GINAMIT NIYA ang WIKA na MAIINTINDIHAN ng LAHAT--ang GRIEGO.

    HINDI AKO NAGTATAKA na HINDI IYAN ALAM ng BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN. WALA NAMAN SIYANG SINABING TAMA e.

    Tingnan po ninyo, BANAT SIYA NANG BANAT sa BIBLIYA e HINDI NGA NIYA ALAM na SA GRIEGO NASULAT ang GOSPEL at ang BAGONG TIPAN.

    HUWAG SIYANG MAGSALITA tungkol sa mga PIRATA dahil MGA KAPATID NIYANG MUSLIM ang TINATAMAAN.

    SALAMAT at TINANONG ng BALIK ISLAM ang mga MALI at KONTRA-KONTRA sa mga INTERPRETASYON ng KANILANG MGA SKOLAR. GAGAWA po ako ng HIWALAY na POST PARA SA MGA KAMALIAN na IYAN.

    SIYA NA ang NAGHAMON na ILABAS NATIN ang mga KAMALIAN ng mga SKOLAR at INTERPRETASYON na GAMIT NILA kaya PAGBIBIGYAN po NATIN SIYA.

    Ano? ACCORDING to JOHN e HINDI GOSPEL ni JOHN?

    NAGLANTAD na naman po ng KAMANGMANGAN ang BALIK ISLAM na NAGMAMARUNONG.

    Kaya sinabing GOSPEL ni JOHN ay DAHIL iyan ay ACCORDING TO JOHN.

    SINO ba si JOHN? Ang ALAGAD na NAKAKITA, NAKAKILALA, NAKASAKSI, NAKARINIG at NAKASAMA MISMO ni HESUS.

    KAYA po NAGAWA ni JOHN na MAGSULAT ng mga GINAWA at SINABI ni HESUS AYON sa NASAKSIHAN NIYA.

    E ito pong BALIK ISLAM na PANAY LANG ANG DALDAL nang MALI? KANINO SIYA SAKSI?

    PURO PAGMAMARUNONG at PAGKUKUNWARI at PAGPAPANGGAP LANG ang ALAM NIYA, hindi po ba?

    Kung SINO pa yung IGNORANTE ay SIYA PA ang MALAKAS ang LOOB na MAGKUWESTIYON sa SAKSI.

    ReplyDelete
  12. Mga kaibigan may nagtext po sa atin at nakikiusap na ipost daw po natin ang nasabing palitan nila ni Mr. Cenon Bibe ng mga text messages;

    Patungkol po ito mga kaibigan sa talata ng Bibliya Exodus 20:1-6

    ang I Quote;

    verse 1; And God speak all these words saying,

    verse 2; I am the Lord thy God, which have brought thee out of the land of Egypt, out of the house of bondage.

    verse 3; Thou shalt have NO OTHER GODs before me.

    verse 4; Thou shalt not Make unto thee ANY (or Kahit ANO!) GRAVEN IMAGE, or ANY LIKENESS of Anything that is in HEAVEN above , or that is in the EARTH beaneth, or that is in the WATER under the EARTH;

    verse 5; Thou shall not bow down thyself to them, nor serve them; for I the Lord thy God am a jealous God, visiting the INIQUITY of the Father upon the Children unto the third and fourth generation of them that hate me;

    verse 6; And showing mercy unto thousands of them that love me, and keep my Commandments

    ito po ang naging text message ni Mr. Bibe mga kaibigan;

    Cenon Bibe text;
    Mga walang alam lang po ang Nagsasabi na SUmasamba Kami (katoliko) sa DyusDyusan. Dyan nyo makikita na ang Naninira sa Amin ay MAbabang URI ang TALINO. "iyan po mga kaibigan ang naging text nitong napakatalinong si Mr. Cenon Bibe sa ating Kapatid na Muslim, so anong klaseng talino naman kaya meron itong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan pagdating sa usaping Exodus 20:4? pagmasdan nyo po ang mga naging palitan nila ng text ng ating kapatid na muslim mga kaibigan at giliw na tagasubaybay"

    Cenon Bibe text;
    Kung WALANG ALAM sa HISTORY ng BIBLE at HEBREO ay MAGKAKAMALI ng UNAWA sa EXodus 20:3-5 Gusto nyo Ipaliwanag ko? "PAgyayabang po nitong si Mr. Cenon Bebi mga kaibigan. kong maari pakibasa po mga kaibigan ang nasabing Talata Exodus 20:4, mahirap po bang intindihin ang mga nasabing talata mga kaibigan? kailangan nyo pa po ba ng isang Cenon Bibe para magpaliwanag sa napakalinaw at napakasimpling pangungusap na iyan sa Bibliya mga kaibigan?"

    ito po ang naging tugon ng ating KApatid na Muslim sa text po ni Mr. Cenon Bibe na iyon; buong-buo ko pong ilathala dito ayon sa paki-usap ng ating kapatid na Muslim mga kaibigan;

    Sagot po ng ating kapatid na Muslim mga kaibigan ay naka close & open Parenthesis sa mga text ni Mr. Cenon Bibe)

    Muslim reply text;
    "Ok. Naiintidan ko po kung takot kayong makaalam ng Paliwanag namin." (Sino ka naman para ipaliwanag ang Exodus 20:4 at bakit ka kailangang magpaliwanag brod aber? simply lang yan eh! GUILTY ka! dahil TALIWAS ang mga Ginagawa at Pinaniniwalaan ninyo sa mismong mga nakasulat sa Bibliya, hindi ba brod? at gusto mo ngayong PAlabasin na tama ka at wala kang kasalanan! sa kabila ng mga paglabag at pagsalungat ninyo sa mismong sinasabi ng Bibliya! hindi ba? ganon lang naman kasimply yon brod eh! gusto mong ipapaliwanag ang mga paglabag at mga pagkontra na ginagawa ninyo sa Bibliya!)

    ReplyDelete
  13. Cenon Bibe text;
    BAkit kayo natakot malaman ang paliwanag ko? Kung mali ako ay pwede nyo akong punahin. walang mawawala sa inyo.

    Muslim reply text;
    Bakit mo kailangang magpaliwang? may mga Nilalabag ka ba sa Exodus 20:4? kong sinunod ninyo ng buong puso ang malinaw na sinasabi sa Exodus 20:4 brod hindi mo na kailangang magpaliwanag pa! GAnon lamang po ka simly yon!

    Cenon Bibe;
    Ako po ay Nag-Aral ng OLd Testament Studies, Biblical Exegisis, Biblical Hermenneutics, Church History and Sacraments.

    "mapapansin po natin mga kaibigan na itong si Mr. Cenon Bibe ay may kayabangan po talaga!"

    Muslim reply text;
    Pwede mo bang iquote ang Exodus 20:4 brod?

    ito po ang naging text ni Mr. Cenon Bibe at reply ng ating Kapatid na Muslim sa text na ito ni Mr. Bibe mga kaibigan;

    Huwag kang gagawa (Oh huwag naman pala eh! naunawaan nyo po ba ang ibig sabihin ng HUWAG brod? huwag daw pong gagawa! sinunod nyo po ba yon?) para sa sarili mo ng DYUSDYOSAN (ibig sabihin noon brod mga rebulto at Imahen!) na nasa anyo ng nasa itaas, (Oh naman pala eh? papaano po ninyo inunawa ang napakalinaw na talatang yan brod? tingin ko hindi mo unawa talaga brod ang talatang yan!) lupa sa ibabaw o sa ilalim ng lupa. MAy tanong po ba kayo kaugnay dyan? (Wala po! Hatol po meron para sa hindi nakakaunawa at hindi nakakaintindi nitong napakalinaw na talatang ito! kaya ang Hatol ko po sa inyo Brod GUILTY!)

    Nasa Exodus 25:18-22 Nagpagawa ang Diyos ng mga Imahen ng Kerubin na Paalala sa Presensya Nya. (DITO PO MGA KAIBIGAN IPINAGDIDIINAN NA NAMAN PO NITONG SI MR. CENON BIBE NA HINDI LAMANG PO ANG BIBLIYA ANG KONTR-KONTRA! NGAYON PO KONG MAPAPANSIN NYO PATI MISMONG DIOS TUWIRAN NYA NA PONG INAAKUSAHAN NG KONTRA-KONTRA! ANG KERUBIN PO BA MGA KAIBIGAN AY DIOS?) sA num.21:8-9 ay Nagpagawa ng Imahen ng Ahas (HA? AHAS DAW PO? ANO PO BA ITONG PINAGSASABI NITONG SI MR. CENON BIBE MGA KAIBIGAN?) na Paalala sa Power nya (DITO PO MGA KAIBIGAN MARIING SINASABI NITONG SI MR. CENON BIBE NA ANG AHAS DAW PO AY SIMBULO NG LAKAS O POWER DAW PO NG DIOS?)

    Ganyan po kong unawain nitong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan ang mga Talatang nabangit. at ganyan din po kong papaano nya aakusahan ng pag Kontra-Kontra ang Dios Exodus 20:4 VS Exodus 25:18-22 parehong Exodus po mga kaibigan; ano ba talaga Cenon?

    ReplyDelete
  14. visit this:

    http://www.infidels.org/library/modern/jim_meritt/bible-contradictions.html

    and decide . . .

    ReplyDelete