Monday, December 11, 2017

Ismael at Muslim hindi kasama sa lahi ng tipan ng tuli

KINUKUTYA ng ilang Muslim ang mga Kristiyano dahil hindi raw tuli ang mga ito.

Bawal daw kasi sa mga Kristiyano ang magpatuli ayon sa Galatians 5:2-4.

Samantala, ipinagmamalaki ng mga Muslim na sila ay tuli. Sumusunod daw sila sa tipan ng Diyos kay Abraham, ayon sa Genesis 17:7-13.

Anila, tinuli ang ninuno nilang si Ismael (Gen 17:23-26) kaya kasama na rin daw sila sa tipan ng tuli. Kalahi daw kasi sila ni Ismael.

Ang problema ay mali ang paniniwala ng mga Muslim.

+++

Sa Gen 17:7, sinabi ng Diyos na itatatag Niya ang Kanyang tipan kay Abraham at sa kanyang lahi.


GENESIS 17:7
At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.

Akala ng mga Muslim ay ang ninuno nilang si Ismael ang tinutukoy na "lahi" ni Abraham.

Mali ang Muslim. Hindi si Ismael ang kalahi ni Abraham na magiging katuparan ng tipan ng tuli.

Sa Gen 17:21 ay sinabi ng Diyos na kay Isaac na anak ni Abraham itatatag o pagtitibayin ang tipan. Hindi kay Ismael.


GENESIS 17:21 
Ngunit ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating.

Ni hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang kasama sa lahi ni Abraham.

Sa Gen 21:12, sinabi ng Diyos na ang lahi ni Abraham ay kikilalanin kay Isaac. 


GENESIS 21:12
At sinabi ng Dios kay Abraham, Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong alipin; sa lahat na sabihin sa iyo ni Sara, ay makinig ka sa kaniyang tinig, sapagka't KAY ISAAC TATAWAGIN ang IYONG LAHI.

Kay Isaac kikilalanin ang lahi ni Abraham at hindi isinama ng Diyos si Ismael sa kanyang lahi.

Kaya paano sasabihin ng mga Muslim na kasama sila sa tipan ng tuli kung hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang kasama sa lahi ni Abraham?

Maling-mali ang Muslim.

+++

Ang pinakamasakit, hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang anak ni Abraham.

Ayon sa Diyos, si Ismael ay isa lang "alipin." At dahil diyan ay naging madali sa Diyos na palayasin si Ismael at ang nanay niyang si Hagar, na isa ring alipin. (Gen 21:10-12)

Pansinin na sa Gen 21:12 ay sinabi ng Diyos kay Abraham: "Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong ALIPIN."

Sa pananaw na panlupa, si Ismael ay anak ni Abraham. Pero sa pananaw ng Diyos na nagbigay ng tipan ng tuli, si Ismael ay hindi anak kundi isa lang "alipin" ni Abraham.

+++

Isang katibayan na hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang anak ni Abraham ay idineklara ng Maykapal sa Gen 22:2 na si Isaac ang "nag-iisang anak" ni Abraham.


GENESIS 22:2
At sinabi ng Diyos, Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong BUGTONG NA ANAK na si ISAAC, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo.

Para sa Diyos ay bugtong na anak si Isaac. Siya ay nag-iisang anak ni Abraham.

Sa mata ng tao, panganay na anak si Ismael pero sa mata ng Diyos ay walang lugar at walang karapatan si Ismael na matawag na "anak" ni Abraham.

Katunayan, sa simula pa lang ay itinuring nang patay ng Diyos si Ismael.


GENESIS 17:18-19
At sinabi ni Abraham sa Diyos, Kahimanawari, si Ismael ay mabuhay sa harapan mo!
At sinabi ng Dios, HINDI.

So, sorry na lang sa mga Muslim. Walang batayan ang kanilang ipinagmamalaki. Hindi kasama si Ismael sa lahi ni Abraham kaya walang dahilan para sabihin na kasama sila sa tipan ng tuli.

Lumalabas na walang saysay at walang silbi ang ipinagmamalaking tuli ng mga Muslim. Nagsasayang lang sila ng pagod.

No comments:

Post a Comment