Thursday, May 28, 2009

Hesus sinungaling, sabi ng isang 'Balik Islam'

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


SA PAGKAKAALAM ko po si Hesus ay itinuturing na propeta sa Islam.

Iyan po ang sinasabi ng maraming Muslim na nagti-text sa atin.

Kaya po nagtataka ako kung bakit may mga nagpapakilalang "Balik Islam" na BUMABASTOS sa PANGINOONG HESUS.

Ang mga "Balik Islam" na BUMABASTOS kay Hesus ay mga DATING KRISTIYANO na HINDI NAIDEPENSA ang PANANAMPALATAYA NILA kaya TUMALIKOD NA LANG sa PANGINOON.

HINDI na po sila nakuntento na TINALIKURAN NILA ang DIYOS at TAGAPAGLIGTAS, BINABASTOS pa nila ito.

Isa po sa mga iyan ay tinutuya si Hesus na tinatawag niyang "SUPOT" o hindi tuli.

TANDA lang po iyan na kaya siya NAITALIKOD kay KRISTO ay dahil WALA SIYANG ALAM kay HESUS.

Si HESUS po ay isinilang bilang HUDYO. Sa mga HUDYO, WALONG ARAW pa lang matapos isilang ang isang BATANG LALAKI ay TINUTULI na.

Sa Genesis 17:12 kasi ay iniutos ng Diyos, "Para sa mga salinlahi na darating ang lahat ng LALAKI na may edad na WALONG ARAW ay kailangang TULIIN, kasama na ang mga IPINANGANGANAK sa inyong SAMBAHAYAN.

At iyan nga po ang ginawa kay Hesus.

Sabi sa Luke 2:21, "Nang dumating ang WALONG ARAW para siya ay TULIIN, siya ay pinangalanang Hesus, ang pangalan na ibinigay sa kanya ng anghel bago pa siya ipaglihi sa tiyan."

So, NATULI po si Hesus. MALI ang pangungutya nitong "Balik Islam" na "supot" si Hesus.

At iyan po ang NAKAKALUNGKOT. Lumalabas na itong DATING KRISTIYANO na ito ay NAITALIKOD kay KRISTO dahil WALA SIYANG ALAM.

Kung SAPAT lang ang KAALAMAN NIYA tungkol kay KRISTO ay HINDI sana SIYA TUMALIKOD.

Sa mga KRISTIYANO, partikular sa ating KATOLIKO, ay MAHALAGA ang TAMANG KAALAMAN at PANG-UNAWA.

Sabi sa 1 Timothy 2:3-4, "Ito ay tama at katanggap-tanggap sa paningin ng Diyos na ating TAGAPAGLIGTAS, na naghahangad na ang LAHAT ay MALIGTAS at makarating sa KAALAMAN ng KATOTOHANAN."

LAHAT po ay inaanyayahang magkaroon ng TAMANG KAALAMAN tungkol kay KRISTO at sa KALIGTASAN.

Binibigyang diin po natin ang TAMANG KAALAMAN dahil MARAMI po ang NAGKAKALAT ng MALING KAALAMAN at PANINIRA kay KRISTO.

Halimbawa nga po itong nagpapakilalang "Balik Islam" na INAAKUSAHAN naman si HESUS ng PAGSISINUNGALING.

Sabi niya "Si Jesus nagtuturo ng kasinungalingan. Basahin mo sa John 7:8-10."

Nagsinungaling po ba si Hesus sa Jn 7:8-10?

Sabi Niya riyan, "Magpunta kayo sa pista. Hindi ako pupunta sa pistang ito dahil ang aking oras ay hindi pa dumarating nang ganap. Matapos nito ay nanatili siya sa Galilea."

"Pero matapos na magpunta sa pista ang kanyang mga kapatid ay nagpunta rin siya, pero hindi lantaran kundi palihim."

Ayon sa nagpapakilalang "Balik Islam" ay NAGSINUNGALING daw si Hesus diyan.

Ganoon? Nagsinungaling po ba?

SORRY pero MALI po ang UNAWA nitong BALIK ISLAM. HINDI po NAGSINUNGALING si HESUS at MAKIKITA natin iyan kung titingnan natin ang KONTEKSTO ng TALATA.

Bago sinabi ni Hesus ang nasa Jn 7:8-10 ay sinabi sa Kanya ng mga "kapatid" Niya sa Jn 7:3, "UMALIS ka rito at MAGPUNTA sa HUDEA para MAKITA rin ng mga ALAGAD mo ang iyong ginagawa."

INUUTUSAN si Hesus ng mga kapatid Niya na PUMUNTA sa PISTA para MAGYABANG. (Jn 7:4)

Kaya nung sinabi Niya na "Hindi ako pupunta," ang ibig Niyang sabihin ay HINDI SIYA PUPUNTA PARA SUNDIN ang GUSTO ng mga NAG-UUTOS sa kanya para MAGYABANG.

Nung NAGPUNTA si Hesus (Jn 7:10), iyan ay dahil iyon ang GUSTO ng DIYOS AMA at ginawa Niya para BIGYANG LUWALHATI ang AMA at HINDI SIYA.

Sabi ni Hesus sa Jn 7:16 at 18, "Ang aking aral ay HINDI SA AKIN kundi sa KANYA na NAGSUGO sa AKIN."

"Ang mga nagsasalita sa pansarili nila ay HUMAHANAP ng PANSARILI NILANG KALUWALHATIAN; pero siya na humahanap ng KALUWALHATIAN ng NAGSUGO sa KANYA ay TOTOO, at WALANG KAMALIAN sa KANYA."

Kaya MALINAW po na UMAYAW muna si Hesus dahil ang mga KAPATID lang Niya ang NAGPAPAPUNTA sa Kanya.

Nagpunta Siya bilang PAGSUNOD sa AMA.

So, HINDI SIYA NAGSINUNGALING. MALI lang talaga ang unawa nitong "Balik Islam" daw.

Salamat po.

6 comments:

  1. Mga kaibigan may nagtext po sa atin at nakikiusap na ipost daw po natin ang nasabing palitan nila ni Mr. Cenon Bibe ng mga text messages;

    Patungkol po ito mga kaibigan sa talata ng Bibliya Exodus 20:1-6

    ang I Quote;

    verse 1; And God speak all these words saying,

    verse 2; I am the Lord thy God, which have brought thee out of the land of Egypt, out of the house of bondage.

    verse 3; Thou shalt have NO OTHER GODs before me.

    verse 4; Thou shalt not Make unto thee ANY (or Kahit ANO!) GRAVEN IMAGE, or ANY LIKENESS of Anything that is in HEAVEN above , or that is in the EARTH beaneth, or that is in the WATER under the EARTH;

    verse 5; Thou shall not bow down thyself to them, nor serve them; for I the Lord thy God am a jealous God, visiting the INIQUITY of the Father upon the Children unto the third and fourth generation of them that hate me;

    verse 6; And showing mercy unto thousands of them that love me, and keep my Commandments

    ito po ang naging text message ni Mr. Bibe mga kaibigan;

    Cenon Bibe text;
    Mga walang alam lang po ang Nagsasabi na SUmasamba Kami (katoliko) sa DyusDyusan. Dyan nyo makikita na ang Naninira sa Amin ay MAbabang URI ang TALINO. "iyan po mga kaibigan ang naging text nitong napakatalinong si Mr. Cenon Bibe sa ating Kapatid na Muslim, so anong klaseng talino naman kaya meron itong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan pagdating sa usaping Exodus 20:4? pagmasdan nyo po ang mga naging palitan nila ng text ng ating kapatid na muslim mga kaibigan at giliw na tagasubaybay"

    Cenon Bibe text;
    Kung WALANG ALAM sa HISTORY ng BIBLE at HEBREO ay MAGKAKAMALI ng UNAWA sa EXodus 20:3-5 Gusto nyo Ipaliwanag ko? "PAgyayabang po nitong si Mr. Cenon Bebi mga kaibigan. kong maari pakibasa po mga kaibigan ang nasabing Talata Exodus 20:4, mahirap po bang intindihin ang mga nasabing talata mga kaibigan? kailangan nyo pa po ba ng isang Cenon Bibe para magpaliwanag sa napakalinaw at napakasimpling pangungusap na iyan sa Bibliya mga kaibigan?"

    ito po ang naging tugon ng ating KApatid na Muslim sa text po ni Mr. Cenon Bibe na iyon; buong-buo ko pong ilathala dito ayon sa paki-usap ng ating kapatid na Muslim mga kaibigan;

    Sagot po ng ating kapatid na Muslim mga kaibigan ay naka close & open Parenthesis sa mga text ni Mr. Cenon Bibe)

    Muslim reply text;
    "Ok. Naiintidan ko po kung takot kayong makaalam ng Paliwanag namin." (Sino ka naman para ipaliwanag ang Exodus 20:4 at bakit ka kailangang magpaliwanag brod aber? simply lang yan eh! GUILTY ka! dahil TALIWAS ang mga Ginagawa at Pinaniniwalaan ninyo sa mismong mga nakasulat sa Bibliya, hindi ba brod? at gusto mo ngayong PAlabasin na tama ka at wala kang kasalanan! sa kabila ng mga paglabag at pagsalungat ninyo sa mismong sinasabi ng Bibliya! hindi ba? ganon lang naman kasimply yon brod eh! gusto mong ipapaliwanag ang mga paglabag at mga pagkontra na ginagawa ninyo sa Bibliya!)

    ReplyDelete
  2. Cenon Bibe text;
    BAkit kayo natakot malaman ang paliwanag ko? Kung mali ako ay pwede nyo akong punahin. walang mawawala sa inyo.

    Muslim reply text;
    Bakit mo kailangang magpaliwang? may mga Nilalabag ka ba sa Exodus 20:4? kong sinunod ninyo ng buong puso ang malinaw na sinasabi sa Exodus 20:4 brod hindi mo na kailangang magpaliwanag pa! GAnon lamang po ka simly yon!

    Cenon Bibe;
    Ako po ay Nag-Aral ng OLd Testament Studies, Biblical Exegisis, Biblical Hermenneutics, Church History and Sacraments.

    "mapapansin po natin mga kaibigan na itong si Mr. Cenon Bibe ay may kayabangan po talaga!"

    Muslim reply text;
    Pwede mo bang iquote ang Exodus 20:4 brod?

    ito po ang naging text ni Mr. Cenon Bibe at reply ng ating Kapatid na Muslim sa text na ito ni Mr. Bibe mga kaibigan;

    Huwag kang gagawa (Oh huwag naman pala eh! naunawaan nyo po ba ang ibig sabihin ng HUWAG brod? huwag daw pong gagawa! sinunod nyo po ba yon?) para sa sarili mo ng DYUSDYOSAN (ibig sabihin noon brod mga rebulto at Imahen!) na nasa anyo ng nasa itaas, (Oh naman pala eh? papaano po ninyo inunawa ang napakalinaw na talatang yan brod? tingin ko hindi mo unawa talaga brod ang talatang yan!) lupa sa ibabaw o sa ilalim ng lupa. MAy tanong po ba kayo kaugnay dyan? (Wala po! Hatol po meron para sa hindi nakakaunawa at hindi nakakaintindi nitong napakalinaw na talatang ito! kaya ang Hatol ko po sa inyo Brod GUILTY!)

    Nasa Exodus 25:18-22 Nagpagawa ang Diyos ng mga Imahen ng Kerubin na Paalala sa Presensya Nya. (DITO PO MGA KAIBIGAN IPINAGDIDIINAN NA NAMAN PO NITONG SI MR. CENON BIBE NA HINDI LAMANG PO ANG BIBLIYA ANG KONTR-KONTRA! NGAYON PO KONG MAPAPANSIN NYO PATI MISMONG DIOS TUWIRAN NYA NA PONG INAAKUSAHAN NG KONTRA-KONTRA! ANG KERUBIN PO BA MGA KAIBIGAN AY DIOS?) sA num.21:8-9 ay Nagpagawa ng Imahen ng Ahas (HA? AHAS DAW PO? ANO PO BA ITONG PINAGSASABI NITONG SI MR. CENON BIBE MGA KAIBIGAN?) na Paalala sa Power nya (DITO PO MGA KAIBIGAN MARIING SINASABI NITONG SI MR. CENON BIBE NA ANG AHAS DAW PO AY SIMBULO NG LAKAS O POWER DAW PO NG DIOS?)

    Ganyan po kong unawain nitong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan ang mga Talatang nabangit. at ganyan din po kong papaano nya aakusahan ng pag Kontra-Kontra ang Dios Exodus 20:4 VS Exodus 25:18-22 parehong Exodus po mga kaibigan; ano ba talaga Cenon?

    ReplyDelete
  3. KAWAWA po itong mga BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA.

    UNA ay WALA nang MAITUTOL sa mga PALIWANAG NATIN.

    Ngayon ay NAGBIGAY pa SILA ng KINATAY na TEXT KO.

    TINGNAN po ninyo, AKO po ba ang MAGTI-TEXT ng "Huwag kang gagawa (Oh huwag naman pala eh! naunawaan nyo po ba ang ibig sabihin ng HUWAG brod? huwag daw pong gagawa! sinunod nyo po ba yon?) para sa sarili mo ng DYUSDYOSAN (ibig sabihin mga rebulto at Imahen!) na nasa itaas, (Oh naman pala eh? papaano ninyo po inunawa ang napakinaw na talatang yan brod? tingin ko hindi mo unawa talaga brod ang talatang yan!) lupa sa ibabaw o sa ilalim ng lupa. MAy tanong po ba kayo kaugnay dyan?"

    ANO po ang NAPANSIN NINYO?

    PURO DAGDAG NA ang AYON sa KANILA ay TEXT KO RAW.

    Tapos ay sinabi niya na "buong-buo ko pong ilathala dito ayon sa paki-usap ng ating kapatid na Muslim mga kaibigan."

    "BUONG-BUO" nga po yata. PURO NA DAGDAG E. HEHE.

    TSK-TSK-TSK. DESPERADO na TALAGA itong mga BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA.

    Ang MALINAW lang po riyan ay HINDI RIN NAKATUTOL ang KAPATID NIYANG BALIK ISLAM sa PALIWANAG KO kaugnay sa Ex20:3-5.

    IPINAKITA KO na HINDI LAHAT ng URI ng IMAHEN at REBULTO ay IPINAGBABAWAL sa Ex20:3-5.

    Ang IPINAGBABAWAL LANG DIYAN ay mga DIYUS-DIYOSAN o IBANG DIYOS.

    Sa Ex25:18-22 at Num21:8 ay IPINAG-UTOS PA ng DIYOS ang PAGGAWA ng mga IMAHEN na PAALALA sa KANYA.

    HINDI po IYAN NATUTULAN ng BALIK ISLAM na KA-TEXT KO.

    At DAHIL HINDI SIYA NAKATUTOL ay DINAAN na lang sa KULANG-KULANG na KUWENTO ng KAPATID NIYANG WALA RIN MAITUTOL.

    Diyan po natin makikita ang PANGIT at BALUKTOT na PAGKUKUWENTO NITONG mga BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA.

    HINDI SILA NANANALO sa ARGUMENTO kaya sa PAGSISINUNGALING SILA HUMIHIRIT.

    NAGTATAKA LANG PO AKO kung bakit NAKUKUHA NILANG LOKOHIN ang SARILI NILA at ang IBANG TAO.

    ReplyDelete
  4. sa totoo lang po kayong mga kristyano ang bumabastos sa pangalan ni Jesus(a.s.) dahil kung anu-anong dagdag ang ginawa ninyo sa pangalan niya tulad ng "cristos"(hindi naman nya sinabing ganun ang itawag sa kanya at hindi siya marunong mag-Greek)Nazareno at kung anu-ano pa. Bilang isang Muslim si Jesus ay ginagalng namin ng lubusan ang dakilang Propetang ito at maraming talata sa Banal na Qur'an ang mababasa ang panagalan nya PERO HINDI po sya diyos(3:51)malamang NAMISINTERPRET mo na naman ang mga text ng Balik-Islam na kausap mo,katiyakan hindi ka magiging ganap na Muslim kung hindi mo kikilalanin si Jesus(a.s.)bilang isang dakilang propeta ng Allah.

    ReplyDelete
  5. Paano naging pambabastos ang PAGKILALA kay HESUS bilang PINILI ng DIYOS?

    Hindi mo ba alam na iyan ang kahulugan ng KRISTO?

    Paano naging pambabastos ang TAWAGIN si HESUS bilang taga-NAZARETH kung saan Siya lumaki?

    Hindi mo ba alam na iyan ang kahulugan ng NAZARENO?

    Hindi ko alam kung gaano ka na katagal na BALIK ISLAM pero MALIWANAG na KOKONTI pa ang ALAM MO sa mga GINAGAWA ng mga NAGPASOK sa IYO DIYAN.

    Huwag kang magagalit pero GINAGAWA KA NILANG BOBO.

    Tingnan mo na lang ang mga ITINURO NILA sa IYO na "pambabastos" daw kay Hesus.

    Hindi ba PAPURI pa nga ang KILALANIN ang PINILI ng DIYOS?

    Hindi ba NATURAL LANG na TAWAGING NAZARENO ang pinaniniwalaan kamo ninyong propeta na LUMAKI sa NAZARETH?

    Kahit ikaw ay MAKAKAKITA na HINDI PAMBABASTOS ang mga iyan.

    Ngayon, pasensiya ka na pero NAKIKITA KO na GINAGAWA KANG MANGMANG ng mga NAGTUTURO sa IYO diyan sa pagiging BALIK ISLAM.

    Tingnan mo pa ha.

    ITINURO NILA sa IYO na "HINDI MARUNONG MAG-GREEK si HESUS."

    Hindi mo ba alam na LUMAKI si HESUS sa NAZARETH kung saan ang isa sa PANGUNAHING WIKA ay GREEK?

    Para Siyang BISAYA na LUMAKI sa MAYNILA na karamihan ay TAGALOG ang SALITA.

    Sa tingin mo ba ay LALAKI ang BISAYA sa MAYNILA na HINDI SIYA MATUTUTONG MAG-TAGALOG?

    COMMON SENSE, hindi ba?

    Diyan pa lang ay HALATANG-HALATA NA ang PAMBABALUKTOT NILA sa PAG-IISIP MO.

    Heto pa.

    Nung simulan ka nilang KUMBINSIHIN na mag-BALIK ISLAM ay MARUNONG KA NA BA ng ARABIC?

    HINDI, di ba?

    So, ANO ang GINAMIT NILA para ITURO SA IYO ang mga SINASABI DAW ng QUR'AN?

    Hindi ba ang mga INTERPRETASYON o KAHULUGAN o MEANINGS na GAWA ng mga SKOLAR NILA?

    Ngayon, kung babasahin mo ang mga mga POST ko rito patungkol sa mga KAMALIAN at KONTRA-KONTRA ng mga INTERPRETASYON na yan ay MAKIKITA MO na WALA sa mga KAPATID MO ang MAKATUTOL o MAKASAGOT.

    Bakit HINDI SILA MAKATUTOL o MAKASAGOT?

    Dahil ALAM NILA na TAMA at TOTOO na PUNO ng KAMALIAN at KONTRADIKSYON ang mga INTERPRETASYON na iyan.

    Pero tingnan mo uli ha. Hindi ba SINASABI NILA na GALING sa QUR'AN ang mga SINASABI ng INTERPRETASYON na iyan?

    Totoo kaya iyan?

    HINDI. Iyan ay KASINUNGALINGAN.

    Ikaw na mismo ang MAG-ISIP.

    Ang mga SKOLAR na MUSLIM at ang mga MANGANGARAL na BALIK ISLAM ang NAGSASABI na "PERFECT" daw ang QUR'AN at "WALANG CONTRADICTION."

    Hindi ba NARINIG MO IYAN sa KANILA?

    Pero SURIIN MO ang mga INTERPRETASYON na GAMIT NILA sa PAGTUTURO sa IYO, ang mga IYAN ay PALPAK at KONTRA-KONTRA.

    At HINDI NILA MATUTUTULAN IYAN. Kahit ISUMBONG MO PA sa KANILA na SINABI KO IYAN.

    Ngayon, dahil sinasabi nilang GALING sa QUR'AN ang mga SINASABI ng mga INTERPRETASYON na MALI-MALI at KONTRA-KONTRA, ibig ba nilang sabihin na sa QUR'AN GALING ang mga MALI-MALI at KONTRA-KONTRA na iyan?

    HINDI ba KALAPASTANGANAN sa QUR'AN iyan?

    Alam mo, kung gusto mo talagang mag-Muslim ay KARAPATAN MO IYAN. HINDI KA PIPIGILAN ng mga KRISTIYANO.

    Pero hindi ba DAPAT ay nag-MUSLIM KA dahil sa NAKITA MO ang KATOTOHANAN sa ISLAM at HINDI DAHIL NALOKO KA gamit ang mga PALPAK na INTERPRETASYON?

    Huwag sanang sasama ang loob mo pero MARAMI ka pang HINDI ALAM sa mga GINAGAWA ng ibang BALIK ISLAM, lalo na yang mga NAGPAPALAGANAP diyan.

    Kung alam mo lang kung paano BASTUSIN at MURAHIN ng ilang BALIK ISLAM ang PANGINOONG HESUS ay DUDUGO ang UTAK MO.

    Sa ngayon ay tila PURO MAGAGANDA PA ang IPINAKIKITA NILA sa IYO kaugnay sa "PAGGALANG" at "PAGMAMAHAL" KUNO NILA sa PANGINOONG HESUS.

    Ang tanong ay ANO KAYA ang SASABIHIN NILA kapag PASOK NA PASOK ka na riyan?

    Sorry kung masakit ang ibang nasasabi ko. Minsan talaga ay masakit ang KATOTOHANAN.

    Pero ba't di mo subukang SURIIN ang mga sinasabi ko? WALANG MAWAWALA sa IYO kung MAGSUSURI KA, lalo na sa mga KAMALIAN at KONTRA-KONTRA ng mga INTERPRETASYON na GINAGAMIT NINYO.

    Kung MALI AKO ay MAKIKITA MO naman, hindi ba?

    Malay mo kung mali nga ako. E di nalaman mo nang ganap. Tama ba?

    SUBUKAN MO lang MAGSURI. 'Yon lang.

    Salamat.

    ReplyDelete
  6. BRO.KILALANIN MO MUNA KUNG SINO NAG COCOMMENT SA U,SIGURADUHIN M MUNANG BALIK ISLAM NGA SILA,BILANG ISANG BALIK ISLAM,DI NAMIN PUEDENG BASTUSIN SI JESUS AY AMING MAHAL N PROPETA NA ANAK NI VIRGIN MARIA..

    ReplyDelete