Wednesday, October 14, 2009

Kinukumbinsi mag-Balik Islam namulat

BIGYANG daan po natin itong COMMENT ng isang mambabasa natin na aniya ay nasa SAUDI ARABIA siya.

Sabi ng post niya sa artikulo natin na "Deut 18:18 = Propeta ng Islam?":
"kapatid mabuhay ka at pagpalain ka ng diyos na makapangyarihan sa lahat, hayaan mong pasalamatan kita sa mga aral at paglilinaw mo na patotoo bilang kristiyano"

"sa katunayan simula nung binasa ko 'tong mga blogs mo ay saka lang ako nalinawan sa lahat, mgta-tatlong taon na ako dito sa saudi at noong unang salta ko dito ay namangha ako sa relihiyong islam lalo na't paqborito akong yakarin ng mga kasama kong arabo sa trabaho pra sumapi sa kanila, subalit nandoon pa din ang pagaalinlangan ko noon."

"kaya naghanap ako ng mga sagot sa mga katanungan ko, hanggat matunton ko ang dalawang website na sumagot at nagbigay linaw sa mga pagaalinlangan ko bilang kristiyano, www.answeringislam.com na ngayon ay nakablock na d2 sa saudi."

"salamat sa diyos at natagpuan ko ang website mo madami akong natutunan at madami din akong mga kasamang kristiyano dito na muntik na din mg-convert ay nalinawan din simula ng binasa namin ang mga artikulo mo dito."

"ako ay seasonal sinner din nakakatawa nga isipin ang mga pinagdaanan ko kung kelan nandito ako sa bansa ng mga arabo eh dito pa ako napalapit at tumatag ang paniniwala sa panginoong hesus."

"sana ay hindi ka magsawa sa pagdepensa at paglilinaw patungkol sa ating paniniwala makakaasa ka sa suporta namin na laging sumusubaybay sa katotohanan na iyong pinaparating para sa mga kapatid nating naliligaw ng paniniwala, mula sa mga bansa ng mga borabs bumabati kami ng mabuhay ka kapatid at pagpalain nawa tayo ng diyos na may kapal..."


MARAMING SALAMAT po kung NAKAKATULONG sa INYO itong BLOG natin.

Kaya po GALIT NA GALIT sa ATIN (at sa BLOG na ITO) ang mga BALIK ISLAM ay dahil sa mga TULAD NINYO na NAMULAT bago pa MAILIGAW at MAITALIKOD sa KATOTOHANAN.

Una ko pong NALAMAN na may mga NASA SAUDI at MIDDLE EAST na NAMUMULAT ay nung TAWAGAN AKO ng isang BALIK ISLAM na NAKABASE riyan.

SINUBUKAN niya akong SINDAKIN. Tinawagan niya ako sa CELLPHONE at sininghal-singhalan.

Akala niya ay MASISINDAK niya tayo. MALAS lang NIYA dahil DATI NA TAYONG NASINDAK kaya SANAY na po TAYO sa ganoon. hehehe

Siguro isa kayo sa mga HINDI NA NILA MAKUMBINSI kaya AKO NA ang SINUBUKAN NILANG PERSONALIN.

TAKUTAN ang isang TAKTIKA NILA pero lagi kong NAAALALA ang mga SALITA ng PANGINOONG HESUS sa Matthew 10:28.

Sabi riyan ng Panginoon:
"And do not be afraid of those who kill the body BUT CANNOT KILL THE SOUL; rather, BE AFRAID of the ONE WHO CAN DESTROY BOTH SOUL and BODY in GEHENNA."

Iyan din po sana ang laging TATANDAAN ng mga KRISTIYANO na PILIT na GUSTONG ITALIKOD mula sa PANGINOONG HESUS: Ang TUMALIKOD kay KRISTO ay TIYAK ang KAPAHAMAKAN.

Sabi nga sa John 3:16-18:
"For God so loved the world that he gave his only Son, SO THAT EVERYONE WHO BELIEVES IN HIM MIGHT NOT PERISH BUT MIGHT HAVE ETERNAL LIFE."

"For God did not send his Son into the world to condemn the world, but that the world might be saved through him.

"WHOEVER BELIEVES IN HIM WILL NOT BE CONDEMNED. but WHOEVER DOES NOT BELIEVE HAS ALREADY BEEN CONDENMED, because he has not believed in the name of the only Son of God."

Kaya po TIWALA TAYONG mga KRISTIYANO na TIYAK ang ATING KALIGTASAN.

Paki pansin po na DIYOS MISMO (ang ANAK na NAGKATAWANG TAO - Jn1:1, 14) ang NAGTIYAK na MALILIGTAS TAYO.

Sa kabilang dako, ang mga KUMUKUMBINSI sa ATIN na TUMALIKOD kay KRISTO ay HINDI MAN LANG MASABI kung GALING MISMO SA DIYOS ang KANILANG ARAL.

KANINO nga naman tayo MANINIWALA? Sa DIYOS MISMO na NAGKATAWANG TAO o sa HINDI MAN LANG MATIYAK kung DIYOS MISMO ang NAGPAHAYAG ng PINANINIWALAAN NILA?

PAGPALAIN po TAYO ng DIYOS na MAKAPANGYARIHAN sa LAHAT.

No comments:

Post a Comment