Thursday, May 9, 2013

Matthew 27:5 vs Acts 1:18? (Paano Namatay si Hudas?)


ISANG paborito ng mga MUSLIM gamitin para ipakita raw ang "KONTRAHAN" sa Bible ay ang Matthew 27:5 at Acts 1:18.

Diyan daw kasi ay makikita na "MAGKAKONTRA" kung PAANO NAMATAY si HUDAS.

+++

A. MABILIS na SAGOT:

WALANG KONTRAHAN DIYAN.

Sa MATTHEW 27:5 ay sinasabing "NAGBIGTI" si HUDAS.

Sa Acts 1:18 ay IPINAKIKITA LANG ang DETALYE kung ANO ang NANGYARI sa KANYA.

Kung SUSURIIN ay PAREHO ang TINUTUKOY sa DALAWANG TALATA. WALANG KONTRAHAN.

+++

B. DAGDAG NA PALIWANAG:

SINASABI sa MATTHEW 27:5 na si HUDAS ay NAGBIGTI.

MATTHEW 27:5
At kaniyang ibinato sa santuario ang mga putol na pilak, at umalis; at siya'y yumaon at NAGBIGTI.
.
.
Sa ACTS 1:18 ay ganito ang mababasa:
Kumuha nga ang taong ito ng isang parang sa pamamagitan ng ganti sa kaniyang katampalasanan; at sa PAGPAPATIHULOG nang PATIWARIK, ay PUMUTOK SIYA sa GITNA, at SUMAMBULAT ang mga LAMAN ng kaniyang TIYAN.


WALANG PAGKAKAIBA sa SINABI ng MATTHEW 27:5 at ACTS 1:18.

Nung MAGBIGTI si HUDAS ay UMAKYAT SIYA sa isang MATAAS na LUGAR (tulad ng PUNO). HINDI kasi PUWEDE MAGBIGTI sa MABABANG LUGAR.

Nung NASA TAAS na SIYA ay ITINALI NIYA ang LUBID sa KANYANG LEEG at SAKA SIYA TUMALON nang UNA ang ULO o NAGPATIHULOG nang PATIWARIK. At SAKA SUMABOG ang KANYANG TIYAN at LUMABAS ang LAHAT ng LAMAN NIYON.
.
.
BAKIT SUMAMBULAT ang LAMAN ng KANYANG TIYAN?

Ang IPINAKIKITA sa TALATA ay kung ANO ang GINAWA ni HUDAS MATAPOS NIYANG TRAYDORIN ang PANGINOONG HESUS. (MATTHEW 26:47-50)

MATAPOS ang PAGDAKIP sa PANGINOONG HESUS, si HUDAS ay NAGPAKABUSOG at NAGPAKABUNDAT. NAG-CELEBRATE SIYA dahil KUMITA SIYA ng 30 PIRASO ng PILAK bunga ng KANYANG PAGTA-TRAYDOR. (Parang mga TUMATALIKOD kay KRISTO na KUMIKITA ng PERA bunga ng KANILANG PAG-IWAN sa DIYOS ANAK)

Nung MAKITA NIYA na PAPATAYIN ang PANGINOONG HESUS, NAGSISI si HUDAS, IBINALIK ang PILAK at SAKA NAGBIGTI.

At DAHIL BUSOG na BUSOG at PUNO ang KANYANG TIYAN, SUMAMBULAT yon nang MAGPATIHULOG SIYA mula sa MATAAS na LUGAR.

Nung MAGPATIHULOG SIYA na UNA ang ULO ay MAY PUWERSA PABABA ang KANYANG KATAWAN. NUNG SUMABIT ang LEEG NIYA sa LUBID ay TULOY-TULOY pa rin ang PUWERSA sa KANYANG KATAWAN at sa LAMAN ng KANYANG TIYAN.

NATURAL HINDI NA BABABA sa LUPA ang KATAWAN ni HUDAS dahil SUMABIT NA NGA sa LUBID, so ang LAMAN na LANG ng KANYANG TIYAN ang SUMABOG PAIBABA.

GANUN YON.

Kaya WALANG KONTRAHAN.

No comments:

Post a Comment