BASAHIN po natin ang text ng isang Muslim. Siya daw po si Baiputi ng Cotabato City.
Sabi ni Baiputi, "Para sa iyo, Cenon Bibe Jr., bakit di mo kaya pag-aralan ang laman ng Holy Qur'an para malaman mo ang pagkakaiba ng Bible at Holy Qur'an."
"Sa Bibliya n'yo may paJohn-John pa kayo at santo-santita pa."
"Bakit di mo paluwain mata mo sa katotohanan na ang Diyos ay di masabing Siya ay bato, bagay o tao? Dahil Siya nga lumikha sa sanlibutan. Maski ikaw sa Kanya ka galing."
"Tandaan mo 'yan pero nililigaw ka ng paniwala mong mali. 'Yan masabi ko sa iyo. Pag-aralan mo ang Qur'an bago ka magsabi na ang Diyos ay nakikita o bato!"
Salamat, Baiputi.
IGINAGALANG ko ang PANINIWALA mo at ng LAHAT ng MUSLIM sa KORAN. HINDI ko TUTUTULAN ‘yan.
NATITIYAK ko na MERON kayong batayan sa paniniwala ninyo sa Koran.
Ngayon, kung naniniwala man ako sa BIBLIYA ay mayroon din akong MATATAG at MATIBAY na BATAYAN sa aking PANINIWALA.
Hayaan mo sanang IPAHAYAG at IPAKITA ko sa iyo ang aking mga BATAYAN.
Una, ang BIBLIYA ay PUNO ng mga KASULATAN na ISINULAT ng mga MISMONG SAKSI o ng mga MISMONG PINAGBIGYAN ng DIYOS ng Kanyang mga KAUTUSAN.
Kasama ang mga SAKSI na iyan sa mga sinasabi mo na "santo-santita." Pero sa amin ay mga SANTO at SANTA ang TAWAG sa KANILA.
Halimbawa, ilan sa mga nagsulat ay sina PROPETA ISAIAH na nagsimulang magsulat noong 742 BC at si PROPETA JEREMIAH na nagsimulang magsulat bandang 629 BC.
Iyan ay sa Old Testament.
Sa New Testament, ang mga SAKSI na NAGSULAT ay sina MATTHEW at JOHN.
Sila ay mga ALAGAD ng PANGINOONG HESUS. Sila ang mga mismong NAKASAMA, NAKAUSAP, NAKINIG at NATUTO sa mga ARAL at GAWA ni Hesus.
Kung may DAPAT PANIWALAAN sa mga nagsasalita patungkol kay Hesus ay SILA ang mga iyon.
At ayon nga kay JOHN — sa Jn 1:1-3, 14 — si HESUS ay ang SALITA na KASAMA ng DIYOS na LUMIKHA sa LAHAT ng BAGAY.
At bilang SALITA, si Hesus ay DIYOS (Jn 1:1) na NAGKATAWANG TAO (Jn 1:14)
Dahil si JOHN ay mismong ALAGAD ni HESUS at SAKSI sa mga SALITA at GAWA ni HESUS, si JOHN ang PANINIWALAAN ko.
MANINIWALA ba tayo, Bai, sa mga tao na HINDI naman SAKSI?
Ngayon, merong mga nagsulat sa Bibliya na hindi saksi pero NAKAUSAP naman nila ang mga SAKSI at ang ISINULAT NILA ay ang mga SINABI ng mga SAKSI.
Halimbawa na nga riyan si LUKE at MARK.
Si MARK ay KASA-KASAMA ni PEDRO at ang Ebanghelyo na isinulat niya ay AYON KAY PEDRO. Si Pedro ay ALAGAD ni HESUS.
Sa kaso ni Luke, sinabi niya na SINURI NIYA ang mga ULAT tungkol kay Hesus at ISINULAT niya ang mga iyon para KUMPIRMAHIN at BIGYANG KATIYAKAN ang mga ARAL tungkol sa Panginoon.
Sabi nga sa Luke 1:1-4, “Marami na ang sumulat patungkol sa mga bagay na natupad sa gitna natin sangayon sa kung paano ito ibinigay sa atin ng MGA SAKSI NA MULA PA SA UNA at ng mga nangaral ng salita."
"Matapos kong SURIIN nang BUONG INGAT ang mga pangyayari magbuhat sa simula, ako man ay nagpasya na isulat ito para sa iyo, kagalang-galang na Teofilo, para makita mo ang KATIYAKAN ng mga itinuro sa iyo.”
Sa madaling salita pa, Bai, ay HIGHLY RELIABLE ang mga sinasabi ng Bibliya.
Katunayan, ang mga sinasabi ng BIBLIYA ay GINAGAMIT na BATAYAN ng mga HISTORIAN sa PAG-ALAM sa KASAYSAYAN ng MIDDLE EAST, partikular sa may lugar ng PALESTINA.
Sa lahat ng mga bahagi ng BIBLIYA, ang pinakahuling aklat ay nasulat bandang 90 AD nasulat. Ibig sabihin ay MALAPIT na MALAPIT pa mismo kay HESUS.
At dahil SULAT ng mga MISMONG SAKSI, NANINIWALA ako na KATOTOHANAN ang mga SINASABI nila.
At kung mismong SAKSI ang NAGSASALITA, MALILIGAW kaya tayo?
Samantala, noong nag-RESEARCH ako tungkol sa KORAN, nalaman ko na NASULAT ito noong panahon ni Propeta Muhammad noong bandang 600 AD o may 500 taon matapos MAGKATAWANG TAO si HESUS.
Alam mo ba iyan, Bai?
u u u
Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang sinasabi mong "bato" o "bagay" ang Diyos. HINDI iyan ARAL ng KRISTIYANISMO, lalo na ng IGLESIA KATOLIKA.
Pero SANG-AYON ako sa iyo na DIYOS ang LUMIKHA ng SANLIBUTAN. Ibig lang sabihin, Bai, ay MAKAPANGYARIHAN SIYA.
At dahil ang DIYOS ay MAKAPANGYARIHAN, MAGAGAWA ng DIYOS na MAGKATAWANG TAO.
Iyon nga ang ginawa ni Hesus. Siya ay DIYOS na NAGKATAWANG TAO para LUBOS na IPAKILALA ang DIYOS sa Kanyang mga NILIKHA. (Hebrews 1:1-2)
Pero higit pa riyan, naging tao si Hesus para Siya mismo ang MAGLIGTAS sa TAO sa KAMATAYAN.
Sa pamamagitan niyan ay sinasabi ng DIYOS na MAHAL na MAHAL Niya ang TAO.
Sabi nga sa John 3:16, "Ganoon na lang ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang bugtong niyang Anak upang ang LAHAT ng SUMAMPALATAYA sa KANYA ay MAGKAROON NG BUHAY NA WALANG HANGGAN."
Para sa akin, Bai, WALA nang TATALO sa MENSAHE na iyan at WALA nang TATALO sa PATOTOO ng BIBLIYA kung tungkol kay HESUS ang PAG-UUSAPAN.
Salamat.
Mga Kaibigan at mga giliw na tagasubaybay sa blog na ito ipagpatuloy po natin ang mga paglalahad ng mga kontra-kontra at salungatan mula sa Bibliya ni Mr. Cenon Bebi na hindi nya po makuhang makita at maunawaan; kawawa naman po si Mr. Cenon Bebi mga kaibigan, sa inyo po mga kaibigan pakikumpirma na lamang po ang mga nasabing talata sa ibaba;
ReplyDeleteHow old was Jehoiachin
***8 years old? or 18 years old?
2Chronicles 36:9
verse 9; Jehoiachin was EIGHT YEARS OLD when he began to reign, and he reigned three months and ten days in Jerusalem: and he did that which was evil in the Sight of the Lord
1Kings 24:8
verse 8; Jehoiachin was EIGHTEEN YEARS OLD when he began to reign, and he reigned in Jerusalem three months. And his mother's name was Nehushta, the daughter of Elnathan of Jerusalem.
ilang taon po talaga si Jehoiachin nag mag reign sya sa Jerusalem? 8 years old po ba o 18 years old? hindi po ba salungatan at kontra-kontra naman talaga? kontra-kontra po hindi po ba? pero hindi po yan nakikita ni Mr. Cenon Bebi mga kaibigan, bulag o nagbulag-bulagan po kasi itong si Mr. Cenon Bebi mga kaibigan. titingnan na lamang po natin kong papaano nya ito pagtatakpan mga kaibigan at mga giliw na tagasubaybay;
Ano po ba talaga ang tamang bilang?
***700? or 7,000?
2Samuel 10:18
verse; 18 And the Syrian fled before Israel; and David slew the men of SEVEN HUNDRED chariots of the Syrians, and Forty Thousand HORSEMEN, and smote Shobach the Captain of their host, who Died there.
1Chronicle 19:18
verse; 18 But the Syrians fled before Israel: and David slew of the Syrians SEVEN THOUSAND men which fought in Chariots, and forty thousand FOOTMEN, and killed Shophach the captain of the host.
700? or 7,000? alin po ba ang totoo dito? salita ba talaga ng Dios ang mga ito? horsemen? or footmen? alin po? if the bible is Gods word would God confused us?
As for the "inspired writers" of the bible not knowing the difference between "FOOTMEN" and "HORSEMEN", is all the more serious because God himself here stands accused, as a source of that inspiration for not knowing the difference between calvalry and infantry. what a mess dear Friend! tingnan po natin mag kaibigan kong papaano na naman pagtakpan ito ni Mr. Cenon Bebi mga giliw na tagasubaybay!
hanggang sa susunod po mga kaibigan.
MATINDI na po ang KABA at TAKOT ng BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA.
ReplyDeleteALAM NIYA na KAPAG INILABAS na NATIN ang KONTRA-KONTRA at MALI-MALI sa mga INTERPRETASYON ng KANILANG mga SKOLAR ay WALA SIYANG MAITUTUTOL.
Tapos ay ayun, HINDI MAPATUNAYAN ang SINASABING KONTRA-KONTRA raw sa BIBLIYA kaya PAGDADAGDAG at PAGBALUKTOT na lang sa mga SALITA KO ang GINAWA.
IYAN po marahil talaga ang MARKA niya bilang BALIK ISLAM.
MATAGAL na po nating NASAGOT at NAPATUNAYAN na WALANG KONTRA-KONTRA sa BIBLIYA kaya ang GINAGAWA na lang ng BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN ay ULIT-ULITIN ang MALI, OUT OF CONTEXT at PALPAK NILANG PANINIRA sa BIBLIYA.
WALA po talaga AKONG ALAM sa KORAN. SILA-SILA at MISMONG mga SKOLAR NILA ay WALA RING UNAWA sa KORAN kaya HINDI po NATIN PAKIKIALAMAN ang KORAN.
SILA lang namang mga BALIK ISLAM na HINDI MATUTULAN ang mga MALI-MALI sa INTERPRETASYON ng mga SKOLAR NILA ang NAGPUPUMILIT na GAWING BALA ang KORAN e.
May TAFSEER daw sila. ANO BA ANG SINASABI ng TAFSEER?
Yan po ay INTERPRETASYON sa INTERPRETASYON. Kaya kung MALI ang INTERPRETASYON ay MALI na RIN ang INTERPRETASYON doon, hindi po ba?
Iyan po ay PAGPAPALUSOT NA LANG ng BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN. KABADONG-KABADO na KASI SIYA sa mga PUPUNAHIN NATING KONTRA-KONTRA at MALI-MALI sa mga INTERPRETASYON ng mga SKOLAR NILA.
Kita po ninyo, PURO KAMANGMANGAN lang ang KANYANG ALAM.
Hanggang ngayon ay HINDI NIYA ALAM kung BAKIT MAY 66 at 72 BOOKS na BIBLIYA. NAIPALIWANAG na po NATIN IYAN pero HINDI TALAGA SILA TATANGGAP ng PAGKAKAMALI NILA.
IPAGPIPILITAN PO NILA ang MALI kaya nga po PATULOY ang PAGLALAHAD nila ng mga MALI at OUT OF CONTEXT NILANG MGA BINTANG at PANINIRA sa BIBLIYA.
NARIYAN PO sa GILID ng BLOG KO ang MGA SAGOT sa mga KAMANGMANGAN NILA at mga PANINIRA. Kayo na po ang BAHALANG DUMISKUBRE sa PANLOLOKO ng BALIK ISLAM na UMAATAKE sa BIBLIYA.
Paglabas po ng mga PAGTUMBOK NATIN sa mga KONTRA-KONTRA ng mga INTERPRETASYO ng mga SKOLAR NILA ay MAKIKITA NINYO kung bakit PURO PANINIRA sa BIBLIYA ang GINAGAWA ng BALIK ISLAM na IYAN.
Salamat po.
Mga kaibigan may nagtext po sa atin at nakikiusap na ipost daw po natin ang nasabing palitan nila ni Mr. Cenon Bibe ng mga text messages;
ReplyDeletePatungkol po ito mga kaibigan sa talata ng Bibliya Exodus 20:1-6
ang I Quote;
verse 1; And God speak all these words saying,
verse 2; I am the Lord thy God, which have brought thee out of the land of Egypt, out of the house of bondage.
verse 3; Thou shalt have NO OTHER GODs before me.
verse 4; Thou shalt not Make unto thee ANY (or Kahit ANO!) GRAVEN IMAGE, or ANY LIKENESS of Anything that is in HEAVEN above , or that is in the EARTH beaneth, or that is in the WATER under the EARTH;
verse 5; Thou shall not bow down thyself to them, nor serve them; for I the Lord thy God am a jealous God, visiting the INIQUITY of the Father upon the Children unto the third and fourth generation of them that hate me;
verse 6; And showing mercy unto thousands of them that love me, and keep my Commandments
ito po ang naging text message ni Mr. Bibe mga kaibigan;
Cenon Bibe text;
Mga walang alam lang po ang Nagsasabi na SUmasamba Kami (katoliko) sa DyusDyusan. Dyan nyo makikita na ang Naninira sa Amin ay MAbabang URI ang TALINO. "iyan po mga kaibigan ang naging text nitong napakatalinong si Mr. Cenon Bibe sa ating Kapatid na Muslim, so anong klaseng talino naman kaya meron itong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan pagdating sa usaping Exodus 20:4? pagmasdan nyo po ang mga naging palitan nila ng text ng ating kapatid na muslim mga kaibigan at giliw na tagasubaybay"
Cenon Bibe text;
Kung WALANG ALAM sa HISTORY ng BIBLE at HEBREO ay MAGKAKAMALI ng UNAWA sa EXodus 20:3-5 Gusto nyo Ipaliwanag ko? "PAgyayabang po nitong si Mr. Cenon Bebi mga kaibigan. kong maari pakibasa po mga kaibigan ang nasabing Talata Exodus 20:4, mahirap po bang intindihin ang mga nasabing talata mga kaibigan? kailangan nyo pa po ba ng isang Cenon Bibe para magpaliwanag sa napakalinaw at napakasimpling pangungusap na iyan sa Bibliya mga kaibigan?"
ito po ang naging tugon ng ating KApatid na Muslim sa text po ni Mr. Cenon Bibe na iyon; buong-buo ko pong ilathala dito ayon sa paki-usap ng ating kapatid na Muslim mga kaibigan;
Sagot po ng ating kapatid na Muslim mga kaibigan ay naka close & open Parenthesis sa mga text ni Mr. Cenon Bibe)
Muslim reply text;
"Ok. Naiintidan ko po kung takot kayong makaalam ng Paliwanag namin." (Sino ka naman para ipaliwanag ang Exodus 20:4 at bakit ka kailangang magpaliwanag brod aber? simply lang yan eh! GUILTY ka! dahil TALIWAS ang mga Ginagawa at Pinaniniwalaan ninyo sa mismong mga nakasulat sa Bibliya, hindi ba brod? at gusto mo ngayong PAlabasin na tama ka at wala kang kasalanan! sa kabila ng mga paglabag at pagsalungat ninyo sa mismong sinasabi ng Bibliya! hindi ba? ganon lang naman kasimply yon brod eh! gusto mong ipapaliwanag ang mga paglabag at mga pagkontra na ginagawa ninyo sa Bibliya!)
Cenon Bibe text;
ReplyDeleteBAkit kayo natakot malaman ang paliwanag ko? Kung mali ako ay pwede nyo akong punahin. walang mawawala sa inyo.
Muslim reply text;
Bakit mo kailangang magpaliwang? may mga Nilalabag ka ba sa Exodus 20:4? kong sinunod ninyo ng buong puso ang malinaw na sinasabi sa Exodus 20:4 brod hindi mo na kailangang magpaliwanag pa! GAnon lamang po ka simly yon!
Cenon Bibe;
Ako po ay Nag-Aral ng OLd Testament Studies, Biblical Exegisis, Biblical Hermenneutics, Church History and Sacraments.
"mapapansin po natin mga kaibigan na itong si Mr. Cenon Bibe ay may kayabangan po talaga!"
Muslim reply text;
Pwede mo bang iquote ang Exodus 20:4 brod?
ito po ang naging text ni Mr. Cenon Bibe at reply ng ating Kapatid na Muslim sa text na ito ni Mr. Bibe mga kaibigan;
Huwag kang gagawa (Oh huwag naman pala eh! naunawaan nyo po ba ang ibig sabihin ng HUWAG brod? huwag daw pong gagawa! sinunod nyo po ba yon?) para sa sarili mo ng DYUSDYOSAN (ibig sabihin noon brod mga rebulto at Imahen!) na nasa anyo ng nasa itaas, (Oh naman pala eh? papaano po ninyo inunawa ang napakalinaw na talatang yan brod? tingin ko hindi mo unawa talaga brod ang talatang yan!) lupa sa ibabaw o sa ilalim ng lupa. MAy tanong po ba kayo kaugnay dyan? (Wala po! Hatol po meron para sa hindi nakakaunawa at hindi nakakaintindi nitong napakalinaw na talatang ito! kaya ang Hatol ko po sa inyo Brod GUILTY!)
Nasa Exodus 25:18-22 Nagpagawa ang Diyos ng mga Imahen ng Kerubin na Paalala sa Presensya Nya. (DITO PO MGA KAIBIGAN IPINAGDIDIINAN NA NAMAN PO NITONG SI MR. CENON BIBE NA HINDI LAMANG PO ANG BIBLIYA ANG KONTR-KONTRA! NGAYON PO KONG MAPAPANSIN NYO PATI MISMONG DIOS TUWIRAN NYA NA PONG INAAKUSAHAN NG KONTRA-KONTRA! ANG KERUBIN PO BA MGA KAIBIGAN AY DIOS?) sA num.21:8-9 ay Nagpagawa ng Imahen ng Ahas (HA? AHAS DAW PO? ANO PO BA ITONG PINAGSASABI NITONG SI MR. CENON BIBE MGA KAIBIGAN?) na Paalala sa Power nya (DITO PO MGA KAIBIGAN MARIING SINASABI NITONG SI MR. CENON BIBE NA ANG AHAS DAW PO AY SIMBULO NG LAKAS O POWER DAW PO NG DIOS?)
Ganyan po kong unawain nitong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan ang mga Talatang nabangit. at ganyan din po kong papaano nya aakusahan ng pag Kontra-Kontra ang Dios Exodus 20:4 VS Exodus 25:18-22 parehong Exodus po mga kaibigan; ano ba talaga Cenon?
KAWAWA po itong mga BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA.
ReplyDeleteUNA ay WALA nang MAITUTOL sa mga PALIWANAG NATIN.
Ngayon ay NAGBIGAY pa SILA ng KINATAY na TEXT KO.
TINGNAN po ninyo, AKO po ba ang MAGTI-TEXT ng "Huwag kang gagawa (Oh huwag naman pala eh! naunawaan nyo po ba ang ibig sabihin ng HUWAG brod? huwag daw pong gagawa! sinunod nyo po ba yon?) para sa sarili mo ng DYUSDYOSAN (ibig sabihin mga rebulto at Imahen!) na nasa itaas, (Oh naman pala eh? papaano ninyo po inunawa ang napakinaw na talatang yan brod? tingin ko hindi mo unawa talaga brod ang talatang yan!) lupa sa ibabaw o sa ilalim ng lupa. MAy tanong po ba kayo kaugnay dyan?"
ANO po ang NAPANSIN NINYO?
PURO DAGDAG NA ang AYON sa KANILA ay TEXT KO RAW.
Tapos ay sinabi niya na "buong-buo ko pong ilathala dito ayon sa paki-usap ng ating kapatid na Muslim mga kaibigan."
"BUONG-BUO" nga po yata. PURO NA DAGDAG E. HEHE.
TSK-TSK-TSK. DESPERADO na TALAGA itong mga BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA.
Ang MALINAW lang po riyan ay HINDI RIN NAKATUTOL ang KAPATID NIYANG BALIK ISLAM sa PALIWANAG KO kaugnay sa Ex20:3-5.
IPINAKITA KO na HINDI LAHAT ng URI ng IMAHEN at REBULTO ay IPINAGBABAWAL sa Ex20:3-5.
Ang IPINAGBABAWAL LANG DIYAN ay mga DIYUS-DIYOSAN o IBANG DIYOS.
Sa Ex25:18-22 at Num21:8 ay IPINAG-UTOS PA ng DIYOS ang PAGGAWA ng mga IMAHEN na PAALALA sa KANYA.
HINDI po IYAN NATUTULAN ng BALIK ISLAM na KA-TEXT KO.
At DAHIL HINDI SIYA NAKATUTOL ay DINAAN na lang sa KULANG-KULANG na KUWENTO ng KAPATID NIYANG WALA RIN MAITUTOL.
Diyan po natin makikita ang PANGIT at BALUKTOT na PAGKUKUWENTO NITONG mga BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA.
HINDI SILA NANANALO sa ARGUMENTO kaya sa PAGSISINUNGALING SILA HUMIHIRIT.
NAGTATAKA LANG PO AKO kung bakit NAKUKUHA NILANG LOKOHIN ang SARILI NILA at ang IBANG TAO.
_to Cenon Bibe, kung makatotohanan po ang Bibliya, anu naman po ang masasabi nyo sa bawat contradiction na iniuulat? Maari po kayong gumawa ng post sa bawat inaakusang contradiction mula sa Bibliya?
ReplyDeletePlease, kuha lang po kayo mula rito:
http://www.infidels.org/library/modern/jim_meritt/bible-contradictions.html
SORRY po pero WALA pong CONTRADICTIONS sa BIBLE.
DeleteINAAKALA LANG po ng ILAN na may kontra-kontra dahil HINDI NILA NAUUNAWAAN ang KONTEKSTO o BACKGROUND ng ilang TALATA.
Anyway, NASAGOT KO na po ang BAGAY NA IYAN sa IBA KO pang POST. NAGBIGAY pa po AKO ng MGA HALIMBAWA ng mga kontra-kontra umano na HINDI naman KONTRA-KONTRA.
Paki CLICK na lang po ang mga ito:
1. TAMANG PAG-UNAWA SA BIBLIYA
2. WALANG KONTRA-KONTRA SA BIBLIYA
3. 2 Sam 24:1 at 1 Chr 21:1 nagkontra?
4. 2 SALINGLAHI NI HESUS MAGKAKONTRA?
5. BIBLIYA CREDIBLE
SALAMAT po.