LAGANAP ang karahasan at gulo sa mundo. Laganap ang terorismo.
Kadalasan, mga Muslim ang nauulat na sangkot sa gulo. Partikular na nababanggit ang ISIS, Abu Sayyaf, Maute at iba pa.
Kilala
ang ISIS sa pagsakop sa mga lugar sa Syria at Iraq kung saan balak ng ito na
magtayo ng isang Islamic State o Bayan ng Islam.
Ang
Abu Sayyaf ay kilalang gumagala sa mga probinsya ng Basilan, Sulu at Tawi-tawi.
Samantala,
ang Maute ay alam na kumikilos sa Lanao del Sur. Kailan nga ay sinubukan ng
Maute na sakupin ang Marawi City.
+++
Ang
tawag sa mga grupong ito ay "Islamist" o "Maka-Islam."
Layunin nilang gawing Muslim ang lahat ng tao na nasa ginagalawan at sinasakop
nila.
Ang mga hindi Muslim ay kailangang maging Muslim. Ang ayaw umanib sa Islam ay pinalalayas, pinagbabayad ng buwis o pinapatay.
Ang mga hindi Muslim ay kailangang maging Muslim. Ang ayaw umanib sa Islam ay pinalalayas, pinagbabayad ng buwis o pinapatay.
Halos
pangkaraniwan nang balita ang pamumugot ng ulo, pagpatay, pananakit o
pag-kidnap-for-ransom ng mga Maka-Islam na ito.
Para
sa marami, brutal at hindi makatao ang ginagawa ng mga Maka-Islam. Hindi
makapaniwala ang marami na magagawa ito ng mga taong nagsasabi na sila ay
"maka-diyos."
Sa mata ng marami, tila hindi tugma ang gawain ng mga Islamist o Maka-Islam sa mga turo ng Islam, na sinasabing "Religion of Peace" o Relihiyon ng Kapayapaan.
Ang sabi pa ng ilan ay "anti-Islamic" ang ganyang mga gawain.
+++
Ang
hindi alam ng marami, ang pamumugot, pagpatay, pananakit at
pag-kidnap-for-ransom ng mga grupong ito ay mababasa sa Koran, ang aklat na
itinuturing na banal ng mga Muslim.
Ganito ang mababasa sa Surah (Chapter) 47, Ayah (Verse) 4 ng Koran sa salin ni Muhammad Mohsin Khan:
So, when you meet (in fight - Jihad in Allah's Cause) those who disbelieve, smite (their) necks till when you have killed and wounded many of them, then bind a bond firmly (on them, i.e. take them as captives).
Thereafter (is the time) either for generosity (i.e. free them without ransom), or ransom (according to what benefits Islam), until the war lays down its burden.
Thus [you are ordered by Allah to continue in carrying out Jihad against the disbelievers till they embrace Islam and are saved from the punishment in the Hell-fire or at least come under your protection], but if it had been Allah's Will, He Himself could certainly have punished them (without you).
But (He lets you fight) in order to test some of you with others. But those who are killed in the Way of Allah, He will never let their deeds be lost.
Naniniwala sila ay 'yan ang utos sa kanila ng kanilang aklat kaya tama lang ang kanilang ginagawa.
Sa
salin sa Pilipino:
Kaya, kapag nasalubong ninyo (sa labanan - Jihad sa Adhikain ni Allah) ang mga hindi naniniwala, tirahin ninyo ang (kanilang) leeg.
Pagtagal-tagal kapag napatay na ninyo o nasugatan ang marami sa kanila, itali ninyo sila nang mahigpit: pagkatapos ay panahon ng kabutihang loob o pagbabayad ng ransom: hanggang maibaba ang bigat ng digmaan.
Ganoon (kayo ay inuutusan), pero kung niloob ng Allah, Siya na ang tiyak na ang nagparusa sa kanila. Pero (hinahayaan Niya kayong lumaban) upang subukin kayo kasama ang iba pa.
Pero ang mga nasasawi sa Daan ni Allah, hindi Niya hahayaang mawala ang nagawa.
+++
Sabi
sa Koran 47:4, pugutan ang "Unbelievers" o hindi naniniwala sa Islam.
Sa madaling salita ay hindi Muslim.
Iniuutos
din diyan ang pagpatay at pagsugat sa mga hindi naniniwala sa Islam. At maging
ang pagbihag at pagpapabayad ng ransom ay sinasabi sa talata.
Kaya
ang mga nagtataka at nagtatanong kung bakit may balita ng mga Muslim na
namumugot, pumapatay o sumusugat o kumi-kidnap-for-ransom ay maaring maliwanagan
sa pagbasa nila sa Koran 47:4.
Sa
nakararami ay mali ang pagpugot, pagpatay, pananakit at kidnapping. Pero sa mga
ISIS, Maute at Abu Sayyaf baka hindi yan masama kundi pagsunod lang sa Koran.
Para
sa kanila hindi terorismo ang kanilang gawain kundi pagsunod sa aral ng
kanilang relihiyon.
Kung
hindi sangayon ang iba sa sinasabi ng Koran ay sundin nila ang tama. Gawin nila
ang mabuti. Iwaksi nila ang sa tingin nila ay hindi makatao, hindi maka-Diyos
at masamang gawain.
+++
Tandaan
natin ang sabi ng Panginoong Hesus sa Mateo 7:15-20:
“Makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga. Pinipitas ba ang ubas sa tinikan, o ang igos sa dawagan?"
"Sa ganun din, ang bawat mabuting puno ay nagbubunga ng mabuti, pero ang masamang puno ay nagbubunga ng masama.
"Ang mabuting puno ay hindi magbubunga ng masama, ni ang masamang puno ay magbubunga ng mabuti.
"Ang bawat puno na hindi nagbubunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy.
"Sa gayon, makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga."
+++
Alalahanin din ang sabi ni Hesus kung paano makikilala ang tunay na maka-Diyos.
John 13:34-35
Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y magmahalan sa isa't-isa: na kung paanong minahal ko kayo ay magmahalan naman kayo.
Sa ganito'y makikilala ng lahat ng tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagmamahal sa isa't-isa.
Sir or maam Kung ang Bible ay salita ni Jesus saan sa Bible na sinabi ni Jesus na ang Bible ay salita nya?
ReplyDeleteKung si Jesus ang diyos saan sa Bible na sinabi nya na siya ang diyo
at christian ang riligion
May nakalagay ba sa Bible nyo
Na Dec 25 ang kaarawan ni Jesus