Tuesday, September 15, 2009

Deut 18:18 = Propeta ng Islam?

SA KAWALAN po ng MAISAGOT nitong BALIK ISLAM sa tanong natin kung "DIYOS BA MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETA NILA" ay INULIT po NIYA ang PAGGAMIT sa mga TALATA sa BIBLIYA na PINIRATA NIYA.

Ang mga IBINIGAY NIYANG TALATA (Deut. 18:18, 21:21; Psl. 118:22-23; Isaiah 42:1-13; Hab 3:3-4; Matt. 21:42-43; John 14:12-17, 26-28, 16:7-14) ay PATUNGKOL sa PANGINOONG HESUS o sa ESPIRITU SANTO pero IBINIBIGAY po NIYA sa IBA.

NAIPALIWANAG at NAPATUNAYAN na po NATIN ang lahat ng TALATA na ibinigay niya pero MAGANDA pong SURIIN NATIN itong Deut 18:18 kaugnay sa TANONG NATIN na HINDI NIYA MASAGOT.

Ang TANONG po NATIN ay "DIYOS BA MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETA NILA?"

Sabi ng BALIK ISLAM ang Deut18:18 ay PATUNGKOL sa PROPETA NILA. Gusto pong PALABASIN nitong BALIK ISLAM na DIYOS ang NAGSUGO sa PROPETA NILA.

Hmmm, LALAPAT po ba ang Deut 18:18 sa PROPETA ng ISLAM?

Sabi po riyan ng DIYOS kaugnay sa PROPETA na KANYANG SUSUGUIN sa mga ISRAELITA:
"I will raise up for them a prophet like you from among their kinsmen, and [I] WILL PUT MY WORDS INTO HIS MOUTH; he shall tell them all that I command him."

Sabi po ng DIYOS diyan ay SIYA ANG MAGLALAGAY NG MGA SALITA at KAUTUSAN SA BIBIG NG PROPETA NA KANYANG SUSUGUIN.

Heto po ngayon ang MAS MAGANDANG TANONG: "DIYOS BA MISMO ANG NAGLAGAY NG MGA SALITA at KAUTUSAN SA BIBIG NG PROPETA NITONG BALIK ISLAM?"

IYAN nga po ang HINDI MASAGOT NITONG BALIK ISLAM e.

HINDI NIYA MASABI KUNG DIYOS MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETA NILA. LALO pong HINDI NIYA MASASABI KUNG DIYOS MISMO ANG NAGLAGAY NG MGA SALITA SA BIBIG NG KANILANG PROPETA.

At dahil po HINDI IYAN MAKASAGOT nitong BALIK ISLAM ay NABUBUO NA sa ISIP ng MARAMI na HINDI DIYOS ang NAGSUGO sa PROPETANG PINANINIWALAAN NIYA.

Marahil ay WALA NA PO TAYONG PAKIALAM kung SINO MAN ANG NAGSUGO sa PROPETA NILA. Paniniwala nila yon e.

Ang MAHALAGA po ay HINDI MASABI at HINDI MAIDEKLARA NITONG BALIK ISLAM na DIYOS ang NAGSUGO sa PROPETA NILA.

Ang MAHALAGA rin po ay HINDI MASABI at HINDI MAIDEKLARA NITONG BALIK ISLAM na DIYOS MISMO ang NAGLAGAY ng KANYANG MGA SALITA at KAUTUSAN sa BIBIG ng KANILANG PROPETA.

At dahil HINDI MASABI nitong BALIK ISLAM na DIYOS MISMO ang NAGLAGAY ng KANYANG MGA SALITA sa BIBIG ng KANILANG PROPETA ay TAMA LANG PO na HINDI TAYO MANIWALA na ang PROPETA NILA ang tinutukoy sa Deut18:18.

IPAGPASALAMAT na lang po natin sa DIYOS na ang SIYA MISMO ang NAGSUGO sa mga PINUNO ng IGLESIA at sa mga UNANG KRISTIYANO.

PURIHIN din po natin ang DIYOS dahil SIYA MISMO ang NAGLAGAY ng SALITA sa BIBIG ng mga UNANG KRISTIYANO.

At dahil po riyan ay masasabi natin na FAR SUPERIOR ang KRISTIYANISMO sa IBA PANG PANINIWALA.

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

3 comments:

  1. Salamat at may nagtatanggol sa Kristyanismo gaya mo laban sa mga mapang-akusa. Ipagpatuloy mo lang 2...

    ReplyDelete
  2. kapatid mabuhay ka at pagpalain ka ng diyos na makapangyarihan sa lahat, hayaan mong pasalamatan kita sa mga aral at paglilinaw mo na patotoo bilang kristiyano. sa katunayan simula nung binasa ko 'tong mga blogs mo ay saka lang ako nalinawan sa lahat, mgta-tatlong taon na ako dito sa saudi at noong unang salta ko dito ay namangha ako sa relihiyong islam lalo na't paqborito akong yakarin ng mga kasama kong arabo sa trabaho pra sumapi sa kanila, subalit nandoon pa din ang pagaalinlangan ko noon, kaya naghanap ako ng mga sagot sa mga katanungan ko, hanggat matunton ko ang dalawang website na sumagot at nagbigay linaw sa mga pagaalinlangan ko bilang kristiyano, www.answeringislam.com na ngayon ay nakablock na d2 sa saudi, salamat sa diyos at natagpuan ko ang website mo madami akong natutunan at madami din akong mga kasamang kristiyano dito na muntik na din mg-convert ay nalinawan din simula ng binasa namin ang mga artikulo mo dito, ako ay seasonal sinner din nakakatawa nga isipin ang mga pinagdaanan ko kung kelan nandito ako sa bansa ng mga arabo eh dito pa ako napalapit at tumatag ang paniniwala sa panginoong hesus, sana ay hindi ka magsawa sa pagdepensa at paglilinaw patungkol sa ating paniniwala makakaasa ka sa suporta namin na laging sumusubaybay sa katotohanan na iyong pinaparating para sa mga kapatid nating naliligaw ng paniniwala, mula sa mga bansa ng mga borabs bumabati kami ng mabuhay ka kapatid at pagpalain nawa tayo ng diyos na may kapal...

    ReplyDelete
  3. Brod. anonymous, gusto kong malaman mo na andito rin ako sa Saudi Arabia. At matagal na akong sumusubaybay sa blog na ito. Gaya mo, nang unang salta ko dito naging interesado ako sa aral ng Islam. Lalo pag nakikita ko sila kung paanong isinasapuso ang mga ritual sa kanilang Salah. Pero sa katagalan ng pagbabasa ko, lumutang pa rin ang katotohanan ng Biblia. Maraming bagay ang hindi ko kayang tanggapin sa Islam, pinakamatindi na ay ang pagtalikod sa Panginoong Jesus. Na nagdusa alang2 sa atin. Hindi 'yun kakayanin ng puso ko.
    Ituloy mo lang ang pagsusuri, at sana ay manatili kang nasa panig ng Panginoon.

    ReplyDelete