Wednesday, April 3, 2013

John 5:37 vs John 14:9? (Nakita ba ang Ama o Hindi Siya Nakita?)



SABI ng isang MUSLIM na NAGPAKILALANG "BOM BASTIC":

CONTRADICTING VERSES IN THE BIBLE (ni hindi man ninyo nakita ang kaniyang anyo o nakakita sa akin ay nakakita sa ama?)

JUAN 5:37---------------------------------JUAN 14:9

Kailan ma'y hindi ninyo-----------------"...ang nakakita
narinig ang kanyang tinig,-------------sa akin ay nakakita sa Ama...."
ni hindi man ninyo nakita ang
kaniyang anyo.

+++

A. SAGOT

WALANG KONTRAHAN DIYAN. HINDI LANG NILA NAUUNAWAAN ang MGA TALATA.

Ang SINASABI sa JUAN 5:37 ay ang DIYOS AMA MISMO ang HINDI NAKIKITA.

JUAN 5:37
At ang Ama na nagsugo sa akin, ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin. Kailan ma'y hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig, ni hindi man ninyo nakita ang kaniyang anyo. 

Sa JUAN 14:9? SINO BA ang NAKITA?

JUAN 14:9
Sinabi sa kanya ni Hesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, 'Ipakita mo sa amin ang Ama?'

Ang NAKITA ay ang Panginoong Hesus, ang IMAHEN ng DIYOS AMA. Sabi nga sa Colossians 1:15 ay SIYA ang IMAHEN ng DIYOS na HINDI NAKIKITA.

Malinaw nga sa mismong SIPI ng MUSLIM kung SINO ang NAKITA: "ang nakakita SA AKIN [LORD JESUS]"

At dahil si LORD JESUS ang IMAHEN ng DIYOS AMA ay masasabing NAKITA NA RIN ang DIYOS AMA.

Pero DIYOS AMA ba MISMO ang NAKITA?

HINDI. Ang IMAHEN ng Ama ang NAKITA.

+++

Para mas malinaw, HUMARAP TAYO sa SALAMIN.

ANO ang MAKIKITA NATIN? TAYO ba MISMO o ang IMAHEN NATIN?

Ang IMAHEN NATIN.

TAYO ba MISMO ang IMAHEN na NAKIKITA NATIN?

HINDI. IMAHEN NGA e, di ba?

Pero DAHIL IMAHEN NATIN ang NAKITA ay NAKITA NA RIN NATIN ang SARILI NATIN.

GANUN YON.

+++

GANUN ang IBIG SABIHIN ng JOHN 14:9. Ang IMAHEN ng DIYOS AMA--ang PANGINOONG HESUS--ang NAKITA.

At dahil NAKITA NA ang IMAHEN ng DIYOS AMA ay NAKITA NA RIN ang DIYOS AMA, kahit pa HINDI ang MISMONG DIYOS AMA ang NAKITA.

KLARO. WALANG KONTRAHAN.

No comments:

Post a Comment