IPINAGPIPILITAN po talaga ng nagpapakilalang BALIK ISLAM na ang propeta ng Islam na si Propeta Muhammad ang tinutukoy sa Deuteronomy 18:18.
Tila suportado niya ang sinabi natin na KUNG WALANG BATAYAN SA BIBLE AY HINDI KAPANIPANIWALA.
Pero huwag po sanang magagalit ang mga Muslim dahil WALA po TALAGA sa BIBLIYA ang inyong PROPETA. SORRY PO.
Sa mga naunang artikulo ay tiningnan na natin ang Dt 18:18 at NAKITA natin na HINDI po ITO TUMUTUKOY sa propeta ng Islam.
Ganito po ang sinasabi sa Dt 18:18, "Magbabangon ako para sa kanila ng isang PROPETA na TULAD MO [si Moises po ang kausap diyan] na MULA sa KANILANG KAPATIRAN,"
"ILALAGAY ko ang AKING mga SALITA sa kanyang bibig; sasabihin niya sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kanya."
Ang ipinagpipilitan po ng nagpapakilalang BALIK ISLAM ay si Propeta Muhamad daw ang KATULAD ni Moses.
Dahil kinikilala po ng mga Muslim si Propeta Muhammad bilang PROPETA ay IGINAGALANG po natin iyan.
Pero hanggang doon lang po ang pagkakatulad niya kay Moses batay sa Dt 18:18.
Ayon po sa Diyos, ang propetang ibabangon niya ay KATULAD ni MOISES.
Si MOSES ay isang ISRAELITA na mula sa angkan ni LEVI (Exodus 2:1).
Diyan pa lang po ay TAPOS NA ang PAGKAKATULAD ni MOSES at ng propeta ng Islam.
At lalo pa pong makikita na HINDI SILA MAGKATULAD dahil ang sabi pa sa Dt 18:18 ay MANGGAGALING sa KAPATIRAN ng mga ISRAELITA ang PROPETA.
Sa ORIHINAL na HEBREO ng Dt 18:18 ang ginamit pong salita para sa KAPATID ay 'ACH.
Ayon po sa Strong's Hebrew Dictionary, sa Number 0251, ang kahulugan ng 'ACH ay:
1. Kapatid sa parehong magulang
2. Kapatid sa ama
3. KAANAK, KALAHI, KAPAREHONG TRIBO
4. Katulad ng pagturing
5. (figurative) Katulad
Sa mga definition po ng salitang 'ACH ay maaring sa ikaapat at sa ikalima lang pumasok ang propeta ng Islam pero TIYAK PO na HINDI IYAN ang gustong ipakahulugan ng Diyos sa Dt 18:18.
Ang maaari lang pong kahulugan ay ang nasa definitions 1 hanggang 3. At diyan po ay HINDI MAAARING KASAMA ang Islamic prophet.
At kaugnay po sa sinasabi ng Dt 18:18 ay ang ikatlong kahulugan ang tinutukoy at diyan po ay HINDI PAPASOK ang kanilang propeta.
HINDI po kasi siya KAANAK o KALAHI o KAPAREHONG TRIBO ng mga ISRAELITA.
Ang mga ISRAELITA ay mga ANAK o KAANGKAN ni ISRAEL (Jacob).
Ang propeta po ng Islam ay ISMAELITA o ARABO at HINDI ISRAELITA.
Ang sinasabi ng ilang Muslim ay "magkalahi" daw ang mga ISRAELITA at mga ISMAELITA dahil galing sila sa iisang NINUNO, si ABRAHAM.
MALINAW na HINDI po IYAN ang TINUTUKOY na KAANAK o KAPATID sa Dt 18:18.
HINDI po SINABI na sa KAPAMILYA ni ABRAHAM MANGGAGALING ang PROPETA.
Kung kay Abraham po kukunin ang kahulugan ng KAPATIRAN, iyan po ay "OVEREXTENSION" ng DEFINITION.
MALINAW po sa Dt 18:18 na ang tinutukoy na KAPATIRAN o ANGKAN na PAGMUMULAN ng PROPETA ay sa ANGKAN o PAMILYA ni ISRAEL.
Sa Dt 5:1 ay mga ISRAELITA ang KAUSAP ni MOISES.
Sabi riyan, "Tinawag ni MOISES ang LAHAT ng ISRAEL at sinabi sa kanila: Makinig, O ISRAEL, ang mga patakaran at kautusan na aking ipinapahayag sa inyong pandinig sa araw na ito, upang matutunan ninyo at maingat na sila ay sundin."
Muli sa Dt 9:1 ay sinasabi, "Makinig, O ISRAEL!"
Lalo pa pong nagiging malinaw na isang ISRAELITA ang tinutukoy na PROPETA sa Dt 18:18 kung babasahin natin ang sinusundan niyang talata sa Dt 18:15.
Diyan ay sinasabi mismo ni Moises, "Ang Panginoong inyong Diyos ay magbabangon para sa inyo ng ISANG PROPETA na TULAD KO na MULA SA GITNA NINYO; susundin ninyo ang propetang iyon."
Sa ORIHINAL na HEBREO, ang ginamit na SALITA para sa "GITNA" ay QEREB.
Ayon sa STRONG'S HEBREW DICTIONARY, ang ibig sabihin ng QEREB ay:
1. Sa PILING, KASAMA, sa LOOB, sa GITNA
A. nasa LOOB ng BAHAGI
a. sa PISIKAL na PAGKAUNAWA
b. sa pag-iisip o damdamin
c. bahagi ng kaisipan o damdamin
B. sa PILING, KASAMA, MULA sa KASAMANG MGA TAO
C. lamang loob (ng isinasakripisyong hayop)
Diyan po ay NAPAKALINAW na ang PROPETA ay MULA sa LOOB o GITNA o PILING mismo ng mga ISRAELITA na KAUSAP ni MOISES at HINDI sa LABAS tulad ng mga ISMAELITA.
Ano pa nga po at ang tinutukoy riyan ay ISANG ISRAELITA.
So, diyan pa nga lang po ay MALINAW na HINDI LALAPAT kay Propeta Muhammad ang sinasabi sa Dt 18:18.
IGINAGALANG po natin ang PROPETA ng ISLAM kaya gusto po natin na ibigay sa kanya ang nararapat.
Ang Dt 18:18 ay HINDI NARARAPAT sa KANYA kaya huwag po sana iyang ipagpilitan ng ilang mangangaral ng Islam.
May katuloy pa po.
sa Torah tungkol sa pagdating ng huling Propeta na si Muhammad sa kabila ng pagiging kulang nito dahil sa walang pasubaling pag-aalis ng ilang mahahalagang nilalaman mula rito ng mga Hudyo at Kristiyano sa Lumang Tipan. Ang Allâh ay nagsabing ang ilan sa mga ito ay naiwan upang maging patunay laban sa kanila sa Araw ng Paghuhukom.
ReplyDelete•Sa Torah: Kabanata-18 mula sa aklat ng Deuteronomy, si Moises (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay nagsabi: Ang Panginoon ay nagsabi sa akin: "Kung ano ang kanilang kahilingan ito ay mabuti. Aking aangatin ang Propeta na tulad mo para sa kanila mula sa mga Israelitas. Ilalagay ko ang Aking mga salita sa kanyang bibig at siya ay mangungusap sa kanila ayon sa Aking kagustuhan. Ako ang mananagot kahit kanino sa sinumang hindi magpapahalaga sa mga salita ng Propetang magpapahayag sa Aking pangalan."
Sa aklat na sinulat ni Boshra Zakhari Mikahil na pinamagatang Muhammad, the Messenger of Allâh, As Announced by the Gospel, hindi si Yusha ayon sa sinabi ng rabbi ng mga Hudyo at hindi si Hesus ayon sa paliwanag ng mga mananampalatayang Kristiyano. Ang patunay ay ang parirala na nagsasabing tulad mo si Yusha ay hindi katulad ni Moises sapagka't hindi siya tumanggap ng kapahayagan mula sa Allâh. Sa isang banda, si Hesus ay hindi rin katulad ni Moises sapagka't siya ay isinilang ng walang ama.
•Sa Torah: Kabanata-32 mula sa aklat ng Exception (11), ang Allâh ay nagsabi: "At Ako ay naging mapanibugho sa mga sinasamba nilang diyos na hindi makapagbibigay ng anumang tulong kaya ginawa Ko silang mapanibughuin at isang bansang mabagal matuto." Ang nais ng Allâh para sa mga Hudyo ay ipinarating Niya nang ipadala Niya si Propeta Muhammad na matutunghayan sa Banal na Qur'an:
Siya (Allâh) ang nagpadala sa hindi nakapag-aral na Sugo (Muhammad ) mula sa kanilang lipon upang bigkasin sa kanila ang Kanyang mga Talata, dalisayin sila (mula sa kawalan ng pananalig at pagsamba sa mga diyus-diyosan) at upang patnubayan sila ng Aklat (itong Qur'an, Batas Islamiko) at ang Al-Hikma (As-Sunnah – tamang pamamaraan, katuruan, gawaing pagsamba ni Propeta Muhammad ). At katotohanan, silang mga nauna ay nasa lantad na kamalian. (Al-Jumu'ah-62:2)
•Sa Torah: Kabanata-11 mula sa aklat ng Genesis (13), ang Allâh ay nagsabi kay Abraham: "At gagawin Ko ang anak ng isang alipin na maging dakilang pamayanan, sapagka't siya ay nagmula sa iyong saling-lahi. Ito ay nakasaad sa panalangin ni Abraham na mababasa sa Banal na Qur'an:
Aming Panginoon! At gawin Mo kaming masunurin (Muslim) sa Inyo at mula sa aming mga supling (na magkaroon ng) isang Pamayanang susuko sa Inyo, at ipakita sa amin ang aming Manasik (lahat ng pamamaraan at tungkulin sa (pagsasagawa ng Hajj at Umra) at tanggapin ang aming pagsisisi. Tunay, Ikaw ang Nag-iisang tumatanggap ng pagsisisi, ang Mahabagin. Aming Panginoon! Ipinadala Ninyo sa kanila ang isang Sugo mula sa kanila (katunayan dininig ng Allâh ang kanilang panalangin sa pamamagitan ng pagpapadala kay Muhammad ), na siyang bibigkas sa kanila ng Iyong mga Talata (kapahayagan, aral, katibayan atbp) at magtuturo sa kanila ng Kasulatan (ang Qur'an) at Al-Hikma (As-Sunnah – tamang pamamaraan, katuruan, gawaing pagsamba ni Propeta Muhammad ), at Inyong dalisayin sila, sapagka't Kayo lamang ang Pinakamataas sa Kapangyarihan – ang Lubos na Maalam. (Al-Baqarah-2:128-129)
Roman Catholic
ReplyDeleteang puro gamit mo na verse brad mga quran lahat ,d kami maniniwala jan kasi founder lang si Muhammad sa Islam.
hypocrite idolater admin...
ReplyDeleteok focus lang tayo sa duet 18:18. english standard version " I will raise up for them a prophet like you from among their brothers. And I will put my words in his mouth, and he shall speak to them all that I command him."
pansinin mo ang salitang "for them" sinu ang tinutukoy ng Diyos jan? sagot: ang mga Israelita.
pansinin mo ulit ang salitang "among their brothers" sinu ang tinutukoy ng Diyos jan? sagot: ang kinakapatid ng mga Israelita walang iba kundi ang mga Ismaelita.
tumutukoy ito sa grupo hindi individual, kaya ang salitang arh at qereb ay pasok sa tunay na kahulugan. anyway hindi ko ipipilit kung ayaw mo.
assuming kay propeta Jesus ang Deut 18:18, ang verse na ito ay malaking sampal sa iyong pananampalatay bilang patunay na si propeta Jesus ay hindi tunay na Diyos or patunay na hindi rin literal na anak ng Diyos. dahil si moses ay hindi tunay na Diyos at hindi literal na Diyos. This verse refutes your own standards.