Monday, March 23, 2009

Kailan nagsimula ang Islam?

NAGTANONG po sa atin si Arnel ng Cagayan de Oro City. Sabi niya, "Kailan at saan nagsimula ang Muslim religion?"

Dapat sana ay mga Muslim ang sumagot sa tanong na iyan pero kahit sila-sila ay magkaiba ang sinasabi.

May mga Muslim na naniniwala na ang Islam ay itinatag sa panahon ni Abraham at mayroon naman na naniniwala na ito ay itinatag sa panahon ng Propeta Muhammad.

Kung susundin ang paniniwala kaugnay kay Abraham, lalabas na mayroon nang Islam noon pa lang 2,000 BC.

Ang problema ay walang HISTORICAL RECORD na magpapakita na mayroon nang Islam noon tulad ng alam natin ngayon.

Si Abraham ay mas kilala bilang Ama ng mga Hebreo o Israelita, although sinasabi ng mga Muslim na anak din sila ni Abraham kay Ismael.

Ayon sa Bibliya, si Ismael ay anak ni Abraham sa ALIPIN ni SARA na si HAGAR. (Genesis 16:1-4, 16)

Ibinigay ni SARA--ang ASAWA ni ABRAHAM--ang kanyang ALIPIN para MAANAKAN ito. Hindi kasi nagkakaanak si SARA.

Pero pagdaan ng panahon ay kinainisan ni Sara si Hagar at ito ay PINALAYAS niya at ni Abraham. (Gen 16:9-10, 14)

Mula sa angkan ni ISMAEL nagmula ang mga ARABO na pinagmulan naman ng ISLAM.

Pero kahit pa nabanggit si Ismael ay WALA PONG SINASABI na MAYROON NANG ISLAM noong panahon na iyan.

HISTORICALLY, sinasabi na ang Islam ay sinimulan ni Propeta Muhammad bandang 600 AD. Ito ay 600 taon matapos itatag ni Kristo ang Kanyang Iglesia.

Ayon sa KASAYSAYAN, ang Islam ay unang natatag sa lupain na kilala ngayon bilang Saudi Arabia.

Mababasa po iyan sa http://www.islamicity.com /education/ihame/default. asp?Destination>/education/ihame/1.asp

Ayon po sa website na iyan, ang "IslamiCity is dedicated to advancing information, fostering community, and educating people about Islam."

Sinasabi po riyan na ang PROPETA ng Islam ay ipinanganak noong 570 AD.

Iyan po ay may 540 TAON MATAPOS MATATAG ang IGLESIANG KRISTIYANO sa HERUSALEM.

Sa isa pang bahagi ng Islamicity ay sinasabi na ang mga unang TALATA ng BANAL na AKLAT ng ISLAM, o ang KORAN, ay inihayag sa kanilang propeta noong 610 AD. Ang huli ay noong 632 AD.

Dagdag pa ng Islamicity ay noon lang 633 AD naisip ni UMAR IBN AL-KHATTAB na maaaring mawala ang mga pahayag ng Koran.

At matapos noon ay IPINATIPON ni ABU BAKR, ang unang caliph, ang mga nilalaman ngayon ng KORAN.

Kung gusto po ninyong mabasa ang buong artikulo niya ay pumunta lang kayo sa website na:
http://www.islamicity. com/mosque/ihame/Ref1. htm.

Diyan po ay makikita natin na NAUNA ang mga KRISTIYANO at ilang ulit pang binanggit sa KORAN ang mga KRISTIYANO.

Samantala, NEVER BINANGGIT ang ISLAM sa BIBLIYA.

Ganyan po ang KASAYSAYAN ng ISLAM ayon mismo sa mga MUSLIM.

1 comment: