Sunday, March 29, 2009

Hesus 'umamin' na 'tao lang' Siya?

BIGYANG daan po natin itong text ni Samboy ng Pansol, QC.

Sabi niya, "Mr. Cenon, si Cristo mismo ang nagpakilala sa Kanyang sarili na tao Siya at hindi Diyos, sa John 8:40!"

"At ang Ama ang tunay na Diyos ang pinakilala Niya sa John 17:1-3. At may buhay na walang hanggan ang kumilala sa Ama at Diyos na tunay!"

"Sana maliwanagan ang isipan mo para maligtas ka sa araw ng paghuhukom!" Salamat, Samboy.

Ang mga talatang iyan ay ginagamit ng mga kasapi ng samahang "Iglesia ni Cristo" at ng mga "Balik Islam" para tutulan ang pagka-Diyos ng ating Panginoong Hesus.

Basahin po natin ang sinasabi ng Jn 8:40 at simulan natin sa verse 39.

Sabi sa mga talata, "Sumagot sila: Si Abraham ang aming ama."

"Sinabi ni Hesus: Kung mga anak kayo ni Abraham gagawin ninyo ang mga bagay na ginawa ni Abraham. Sa nangyayari, gusto ninyo akong patayin, isang tao na nagsabi sa inyo ng katotohanan na narinig ko mula sa Diyos."

"Si Abraham ay hindi gumawa ng ganyan."

Una po sa lahat WALA pong SINABI sa mga talata na "TAO LANG" si Hesus. WALA rin po Siyang sinabi na "Hindi ako Diyos."

Ang sinabi po ni Hesus diyan ay isa siyang "TAO na sa inyo ng katotohanan na narinig ko mula sa Diyos."

WALA pong KONTROBERSIYA riyan.

TUNAY at TOTOO po na TAO SI HESUS: SIYA po ay DIYOS na NAGKATAWANG TAO.

Sa UNANG mga TALATA pa lang po ng JOHN ay SINABI na IYAN.

Sabi sa Jn 1:1 at 14, "Sa pasimula ay ang SALITA, at ang SALITA ay KASAMA ng DIYOS, at ang SALITA AY DIYOS."

"At ang SALITA [na DIYOS] ay NAGKATAWANG TAO at nanahan sa gitna natin."

"NAKITA namin ang kanyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatian ng NAG-IISA NA GALING SA AMA, puno ng biyaya at katotohanan."

SINO po ang SALITA na iyan na NAG-IISA NA GALING SA DIYOS AMA?

Ang PANGINOONG HESUS po.

Sa Jn 8:42 ay sinabi Niya na "AKO ay NAGMULA sa DIYOS at narito na nga."

So, NAPAKALINAW po na ang DIYOS ay NAGKATAWANG TAO kaya TAMA ang SINABI ni HESUS sa Jn 8:40 na SIYA AY TAO.

Ngayon, bakit sinabi ni Hesus sa Jn 8:40 na Siya ay "TAO"?

Simple lang.

Gusto lang Niyang sabihin sa mga kaharap Niyang Pariseo na NAROON na nga SIYA: DIYOS na NAGKATAWANG TAO.

Ang mahirap diyan ay AYAW pang MANIWALA ng mga PARISEO at gusto pa Siyang patayin.

HINDI MAKITA ng mga PARISEO (at ng ilang tao ngayon na nagsasabi na "tao lang" si Hesus) na DIYOS si KRISTO.

Sa katunayan, kahit pa DIRETSAHAN nang sinabi ni HESUS na Siya ang DIYOS ay hindi pa rin naniwala ang mga Pariseo.

Ganito po ang sinasabi ni Hesus sa Jn 8:56-59, "Ang ama ninyong si Abraham ay nagbunyi sa pag-iisip na makita ang AKING ARAW; nakita niya ito at nagalak."

"Sinabi ng mga Hudyo sa kanya: Wala ka pa ngang limampung taong gulang at nakita mo na si Abraham!"

"Sumagot si Hesus: Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, BAGO PA isinilang si Abraham ay AKO NA NGA!"

"Dito ay pumulot sila ng mga bato para siya ay batuhin pero itinago ni Hesus ang kanyang sarili at lumayo mula sa lugar ng templo."

Nakikita mo, Samboy? Sinabi na mismo ni Hesus na NAUNA pa Siya kay Abraham (dahil DIYOS Siya na KASAMA na nga ng DIYOS sa pasimula pa lang) pero nagalit pa ang mga Hudyo.

Isa pa ay alam ng mga Hudyo ang kahulugan ng salitang "AKO NA NGA" na tumutukoy sa pangalan ng Diyos sa Exodus 3:14.

Sa susunod na artikulo natin ay tatalakayin natin ang Jn 17:1-3.

Salamat po.

No comments:

Post a Comment