Thursday, April 4, 2013

Acts 5:30; Acts 10:39; Acts 13:29 (Hesus, Ipinako sa Krus o Ibinitin sa Puno?)


TILA NALILITO ang mga MUSLIM sa sinasabi ng ACTS 5:30. Itinatanong nila:
"Si Kristo ba ay namatay sa krus o ibinitin sa puno?"

+++

A. MABILIS NA SAGOT:
FIGURE OF SPEECH YAN. IDIOMATIC EXPRESSION o KAWIKAAN.

Noong UNANG SIGLO, ang KAHULUGAN ng "IBITIN SA PUNO" ay KATULAD ng "IPINAKO SA KRUS."
.
.
B. MAS MAHABANG DAGDAG NA PALIWANAG:

Ganito ang sinasabi sa Acts 5:30:
"Ibinangon ng Diyos ng ating mga magulang si Hesus, na siya ninyong pinatay, na binitin sa isang punong kahoy."

[The God of our ancestors raised up Jesus, whom you had killed by hanging him on a tree.]

Katulad niyan ang sinasabi sa Acts 10:39 at
"At mga saksi kami sa lahat ng mga bagay na ginawa niya sa lupain ng mga Judio, at sa Jerusalem; na siya nama'y kanilang pinatay, na siya'y ibinitin sa isang punong kahoy."

[We are witnesses to all that he did both in Judea and in Jerusalem. They put him to death by hanging him on a tree;]


FIGURE OF SPEECH YAN. IDIOMATIC EXPRESSION o KAWIKAAN.

Noong UNANG SIGLO, ang KAHULUGAN ng "IBITIN SA PUNO" ay KATULAD ng "IPINAKO SA KRUS."

Ang KRUS ay GAWA sa KAHOY na GALING sa PUNO. So, kapag SINABING PUNONG KAHOY ay KRUS na KAHOY ang TINUTUKOY.

Ang PAGBITIN naman ay PATUNGKOL sa PAGPAKO sa PANGINOON SA KRUS.

Ang PAGPAPAKO ay ISANG PARAAN ng PAGBIBITIN. Kaya NUNG IPAKO sa KRUS ang PANGINOONG HESUS ay MASASABI ring IBINITIN SIYA sa PUNO.

MATALINO ang DIYOS at ang mga NAGSULAT ng BIBLE. MARUNONG SILANG GUMAMIT ng FIGURE of SPEECH.

Ang mga TAO ay TINUTURUAN DING MAGING MATALINO.

GANUN YON.

+++

C. DAGDAG PANG KAALAMAN:
Sa Galatians 3:13 ay ITINUMBAS ang PAGPAPAKO sa KRUS sa IBINIBITIN sa PUNO na binanggit sa DEUTERONOMY 21:23.

Galatians 3:13
"Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Cristo, na naging sumpa sa ganang atin; sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang bawa't binibitay sa punong kahoy:"

[Christ redeemed us from the curse of the law by becoming a curse for us-- for it is written, "Cursed is everyone who hangs on a tree"--]

Sa orihinal na GRIEGO, ang salita para sa "puno" ay "XULON," na ginagamit ding pantukoy sa KRUS.
.
.
.
Deuteronomy 21:23
"Ay huwag maiiwan buong gabi ang kaniyang bangkay sa punong kahoy, kundi walang pagsalang siya'y iyong ililibing sa araw ding yaon; sapagka't ang bitin ay sinumpa ng Dios; upang huwag mong ihawa ang iyong lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, na ipinamana. "

[his corpse must not remain all night upon the tree; you shall bury him that same day, for anyone hung on a tree is under God's curse. You must not defile the land that the LORD your God is giving you for possession.]

No comments:

Post a Comment