Heto po ang sabi nitong BALIK ISLAM:
"Mga kaibigan hayaang Bibliya na lamang po ang sasagot sa Katangahang katanungan na iyan nitong si Mr. Cenon Bibe: bumasa po tayo ng talata mula mismo sa Bibliya mga kaibigan;
Exodus 33:20 and I quote;
"And he said, Thou canst not see my Face: for there shall No Man See Me, and LIVE."
John 1:18 and I quote;
"No man hath seen God at any time; the only begotten Son, which is in the bosom of the Father, he hath declared him."
John 5:37 and I quote;
"and the Father himself, which hath sent me, hath borne witness of me. Ye have neither Heard His Voice at ANYTIME, nor SEEN HIs Shape."
1Tim 6:16 and I quote;
"Who only hath IMMORTALITY, dwelling in the Light which No MAn can approach unto; whom No Man hath SEEN nor can SEE: to whom be Honor and Power everlasting. Amen"
"Mga kaibigan talata po mismo yan na nangagaling sa mismong Bibliya nitong si Mr. Cenon Bibe; sa tingin nyo po kaya mga kaibigan kong may Utak at kong Unawa lamang nitong si Mr. Cenon Bibe ang kanyang Bibliya may lakas loob kaya syang makapagtanong ng ganoong katangahang katanungan mga kaibigan? pakibasa po ang katanungan nya sa itaas ng posting na ito mga giliw na taga subayabay: Bibliya na po mismo ang sumasagot sa katangahan nyang katanungan mga kaibigan ayan: "
CENON BIBE:
Muli po ay IPINAKITA at PINATUNAYAN nitong BALIK ISLAM na ITO na WALA SIYANG ALAM sa BIBLIYA at sa mga TALATA doon.
Para sa kanya, MAKABIGKAS lang siya ng TALATA ay AYOS NA.
Pero AYOS NA NGA PO BA?
HINDI po.
Una sa lahat, isa sa mga TANONG NATIN dito sa BALIK ISLAM ay KUNG NAKAUSAP MISMO ng DIYOS NILA ang KANILANG PROPETA.
HINDI po IYAN NASAGOT nitong BALIK ISLAM kahit pa nag-QUOTE SIYA sa BIBLIYA.
GUMAMIT SIYA ng mga TALATA pero HINDI PARA SAGUTIN ang TANONG NATIN kundi para IWASAN ang NAPAKAHALAGA NATING TANONG KUNG NAKAUSAP MISMO ng DIYOS NILA ang KANILANG PROPETA.
Ikalawa ay OUT OF CONTEXT at MALI-MALI ULI ang UNAWA NIYA sa mga TALATANG GINAMIT NIYA.
Isa-isahin po natin ang mga talata.
1. Exodus 33:20
"And he said, Thou canst not see my Face: for there shall No Man See Me, and LIVE."
Iyan ay mga DIREKTANG SALITA ng DIYOS kay MOISES.
Pansinin natin: SINO ang NAGSASALITA RIYAN at DIREKTANG KUMAKAUSAP kay MOISES?
Ang DIYOS.
Diyan po ay MAKIKITA NATIN na ang TUNAY na PROPETA ay DIREKTANG KINAKAUSAP ng DIYOS.
HINDI po DUMAAN ang DIYOS sa IBA PANG PROPETA. HINDI po DUMAAN sa IBA PANG SINUGO o ANGHEL.
DIYOS ang DIREKTANG NAKIKIPAG-USAP sa TUNAY na PROPETA.
Ngayon, maari po siguro nating MAITANONG ULI dito sa BALIK ISLAM kung DIREKTANG NAKAUSAP ng KANILANG DIYOS ang KANILANG PROPETA?
HINDI po MAKASAGOT ang BALIK ISLAM.
Bakit po?
Dahil AMINADO po ang BALIK ISLAM na NEVER KINAUSAP ng DIYOS ang KANILANG PROPETA.
Ganoon? Hindi po ba ang MGA TUNAY na PROPETA ng DIYOS ay DIYOS MISMO ang NAGSUGO?
Kung NEVER KINAUSAP ng DIYOS ang PROPETA ng BALIK ISLAM ay SINO po kaya ang NAGSUGO sa PROPETA NILA?
MASASABI po ba na PROPETA ng DIYOS ang isang TAO kung HINDI NAMAN DIYOS ang MISMONG NAGSUGO sa KANYA?
Ngayon, ANO po ang KAHULUGAN ng sinabi ng DIYOS na: "Thou canst not see my Face: for there shall No Man See Me, and LIVE."
IBIG bang sabihin niyan ay NEVER NAKITA NINO MAN ang MUKHA ng DIYOS?
HINDI po. KULANG LANG ang KAALAMAN nitong BALIK ISLAM sa BIBLIYA. (Kaya nga SIYA NAITALIKOD kay KRISTO, hindi po ba?)
Kung SUSURIIN po natin ang Ex33:20 ay HINDI LANG IYAN SIMPLENG DEKLARASYON.
Iyan ay TUGON o SAGOT ng DIYOS sa REQUEST ni MOISES.
Sa Ex 33:11 ay mababasa natin:
"The LORD USED TO SPEAK TO MOISES FACE TO FACE, as one man speaks to another."
So, ang DIYOS ay NAKAHARAP MISMO at NAKAUSAP NANG DIREKTA nitong PROPETA ng BIBLIYA.
Sa Ex 33:12 ay sinabi pa ng DIYOS kay MOISES:
"You are my intimate friend,' and also, 'You have found favor with me.'"
GANYAN po SILA KA-CLOSE. Si MOISES ay MALAPIT na KAIBIGAN ng DIYOS.
In fact, sa SOBRANG CLOSE NILA ay FACE-TO-FACE kung KAUSAPIN ng DIYOS si MOISES.
Sa madaling salita po ay NAKIKITA ni MOISES ang MUKHA ng DIYOS.
Pero teka po, KUNG GANOON ay BAKIT nga SINABI ng DIYOS sa Ex33:20 na
"Thou canst not see my Face: for there shall No Man See Me, and LIVE."
Sa Pilipino,
"HINDI MO PUWEDENG MAKITA ang AKING MUKHA: dahil WALANG TAO na MAKAKIKITA sa AKIN at MABUBUHAY pa"?
Tila po yata may "contradiction."
Ang tanong ay MAY CONTRADICTION BA?
WALA po.
Sa pagitan po kasi ng Ex33:11 (kung saan sinabi na FACE-TO-FACE MAG-USAP ang DIYOS at si MOISES) at Ex33:20 (kung saan HINDI raw PUWEDE MAKITA ang MUKHA ng DIYOS) ay MAY MGA NANGYARI na KAILANGAN NATING MAKITA at SURIIN.
At ang MAHALAGANG PANGYAYARI na NAG-UDYOK sa DIYOS para SABIHIN ang nasa Ex33:20 ay ang HILING ni MOISES sa Ex33:18.
Sabi po sa Ex33:18,
"Moses said, "SHOW me YOUR GLORY, I pray."
Sa Pilipino,
"Sabi ni Moises, 'IPAKITA MO sa akin ang IYONG KALUWALHATIAN, idinadalangin ko.'"
Diyan po natin makikita ang PAGBABAGO: Sa Ex33:11 ay NAKIKITA NA ni MOISES ang MUKHA ng DIYOS pero nung HILINGIN NIYA na MAKITA ang KALUWALHATIAN (GLORY) ng DIYOS ay HINDI NA PUWEDE MAKITA ang MUKHA ng PANGINOON.
MAKIKITA po NATIN na MAY IBA'T-IBANG "DEGREE" o "LALIM" ng PAGPAPAKITA ng DIYOS.
MAY MUKHA ang DIYOS na PUWEDENG MAKITA ng KANYANG MGA PROPETA; at IYAN po ang NAKITA ni MOISES sa Ex33:11.
At MAY MUKHA ang DIYOS na HINDI PUWEDENG MAKITA ng TAO. IYAN po ang MUKHA ng DIYOS na NAGPAPAKITA ng KANYANG BUONG KALUWALHATIAN.
MAARI po KAYONG MAGTAKA: BAKIT GANOON? IBA-IBA pa ba ang MUKHA ng DIYOS?
Sa punto po noong PANAHON NINA MOISES ay MAHIRAP pang MAUNAWAAN ang SAGOT sa TANONG na IYAN.
Pero sa mga pangyayari at pahayag sa Ex33:11, 18 at 20 ay MAYROONG GUSTONG IPAKITA ang DIYOS TUNGKOL sa KANYANG SARILI: Iyan ang PAGKAKAROON NIYA ng MARAMING PERSONA.
Eventually, LUBOS po NATING MAUUNAWAAN ang Ex33:11, 18 at 20 sa PAGKAKATAWANG TAO ng PANGINOONG HESUS at PAGPAPAHAYAG NIYA kaugnay sa TATLONG PERSONA ng IISANG DIYOS: Ang DIYOS AMA, DIYOS ANAK at DIYOS ESPIRITU SANTO. (Matthew 28:19)
At MAS MAUUNAWAAN po NATIN IYAN kapag SINURI na natin ang John 1:18 na binanggit din ng BALIK ISLAM.
SUNDAN po NATIN ang PAGTALAKAY sa KASUNOD na POST.
SALAMAT po.
Cenon Bibe;
ReplyDeleteUna sa lahat, isa sa mga TANONG NATIN dito sa BALIK ISLAM ay KUNG NAKAUSAP MISMO ng DIYOS NILA ang KANILANG PROPETA.
HINDI po IYAN NASAGOT nitong BALIK ISLAM kahit pa nag-QUOTE SIYA sa BIBLIYA.
Muslim;
Ang patungkol po ba sa mga katangahang katanungan nitong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan?Bibilya nya na po mismo ang sumagot sa mga katanungan nya po iyon! ito po mga kaibigan ang kasagutan mula mismo sa Bibliya nitong si Mr. Cenon Bibe pero tila hindi po talaga matanggap nitong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan ang kasagutang na nagmula mismo sa kanyang Bibliya; basa:
Exodus 33:20 and I quote;
"And he said, Thou canst not see my Face: for there shall No Man See Me, and LIVE."
John 1:18 and I quote;
"No man hath seen God at any time; the only begotten Son, which is in the bosom of the Father, he hath declared him."
John 5:37 and I quote;
"and the Father himself, which hath sent me, hath borne witness of me. Ye have neither Heard His Voice at ANYTIME, nor SEEN HIs Shape."
1Tim 6:16 and I quote;
"Who only hath IMMORTALITY, dwelling in the Light which No MAn can approach unto; whom No Man hath SEEN nor can SEE: to whom be Honor and Power everlasting. Amen"
At ito pa pinagsasabung na naman po nitong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan ang Bibliya nya; pagmasdan po ninyo:
Exodus 33:20 and I quote;
"And he said, Thou canst not see my Face: for there shall No Man See Me, and LIVE."
V.S!
Sa Ex 33:11 ay mababasa natin:
"The LORD USED TO SPEAK TO MOISES FACE TO FACE, as one man speaks to another."
Cenon Bibe;
Parang sinasabi riyan ni MOISES na "KUNG HINDI MAKIKITA NG LAHAT NG ISRAELITA ANG MUKHA MO AY HUWAG MO NA RIN IPAKITA ang MUKHA MO SA AKIN."
At dahil ALAM ng DIYOS na HINDI PA HANDA ang mga TAO na MAKITA ang KANYANG MUKHA ay IBINIGAY ng DIYOS ang KAHILINGAN ni MOISES.
Muslim;
Mga kaibigan may haka-haka itong si Mr. Cenon Bibe ang sabi nya po ay ganito; "Parang sinasabi riyan ni MOISES" mga kaibigan PARANG daw po! anong ibig sabihin nitong si Mr. Cenon Bibe nyan mga kaibigan? PARANG? saan komiks kaya nanggagaling ang opinyon nyang iyon mga kaibigan? dito po misan pa pinatutunayan nitong si Mr. Cenon Bibe na sa lahat ng kanyang mga sinasabi hindi po sya sigurado mga kaibigan, kong sa bagay po kasi hindi ba sabi nya na hindi na raw PERFECT ang mga aral ng Lumang Tipan or OLd Testament? pero teka po mga kaibigan, ano po ba itong mga kinuquote nitong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan PERFECT ba po ba ito? nagtatanong lamang po;
Mga kaibigan dito napatutunayan po natin na purely opinion lamang po talaga itong si Mr. Cenon Bibe, papaano kasi hindi po ba isinusuka nya na ang Bibliya nya? kaya po siguro ganoon na lamang po sya!
Sabi nitong Balik Islam:
ReplyDelete"Mga kaibigan may haka-haka itong si Mr. Cenon Bibe ang sabi nya po ay ganito; "Parang sinasabi riyan ni MOISES" mga kaibigan PARANG daw po! anong ibig sabihin nitong si Mr. Cenon Bibe nyan mga kaibigan? PARANG? saan komiks kaya nanggagaling ang opinyon nyang iyon mga kaibigan?"
CENON BIBE:
"HAKA-HAKA" daw po ang sinabi ko?
Kung haka-haka E BAKIT HINDI NIYA MASAGOT? BAKIT DINADAAN NIYA sa PALUSOT?
TUTULAN NIYA kung HAKA-HAKA.
Yung mga HAKA-HAKA NIYA NAPAKADALING SUPALPALIN e.
TINGNAN po NINYO, HINDI pa rin MASAGOT kung NAKAUSAP NANG DIREKTA ng DIYOS NILA ang KANILANG PROPETA.
BAKIT HINDI MASAGOT?
Baka po NAHIHIYANG SUMAGOT. Hindi kaya?
INULIT na lang yung NASAGOT NA NATIN E. Hehe.
"Komiks" daw ang PINAGKUNAN ko ng aking sinabi.
MAY BATAYAN AKO. Ang MISMONG SINABI ni MOISES (Ex33:18) at ang MISMONG SAGOT ng DIYOS. (Ex33:20)
E SIYA? SAAN NIYA KINUKUHA ang mga PALUSOT NIYA?
Nagbanggit siya ng "komiks."
Hindi po ba ang KOMIKS ay yung GAWA-GAWA LANG ng TAO at WALANG DIREKTANG NANGGALING sa DIYOS?
Ang BIBLIYA po ay PUNO ng GALING MISMO sa DIYOS.
E SIYA? MAY MAIPAKIKITA po bang NANGGALING MISMO sa DIYOS?
Baka yun ang KOMIKS na SINASABI NIYA.
Subukan kaya niyang HANAPIN dun sa KOMIKS NIYA kung SAAN SINABI na DIREKTANG NAKAUSAP ng DIYOS NILA ang KANILANG PROPETA.
Sanay po MAG-IMBENTO at MAGSINUNGALING itong TUMALIKOD na ito kay KRISTO. Pero PAGDATING po yata sa bagay na iyan ay tila HIRAP na HIRAP SIYANG MAGSINUNGALING e.
Ang BIGAT na po siguro ng KALOOBAN nitong TUMALIKOD kay KRISTO. Siguro ay NAGULANTANG SIYA dahil MAY BAGAY PALA na KAHIT sa pamamagitan ng PAGSISINUNGALING ay HINDI NIYA KAYANG ILUSOT. Ganoon ba yon?
Nagtatanong lang po.
Sana po makatulong.
ReplyDeleteAt sa mga balik-Islam (?) lawakan po ninyo ang inyong isipan.
Totoo po na Hindi maaaring makita ng tao ang Dios at mabuhay.(Exo.33:21) Ang Dios po ay nagsasalita sa pangkalahatan na "tao" pero hindi po ba pwede na mgkaroon sya ng "exemption"? Ginagawa po ba yan ng Dios? Halimbawa,
Gen 6:17 At ako, narito, ako'y magpapadagsa ng isang baha ng tubig sa ibabaw ng lupa, upang lipulin sa silong ng langit ang lahat ng laman na may hininga ng buhay; ang lahat na nasa lupa ay mangamamatay.
Lahat ng laman; Lahat na nasa lupa ay mangamamatay.
Kasama po ba si Noe at sambahayan nya sa "lahat ng laman"? Opo. Pero alam po nating lahat na hindi sya kasama sa mga nangamatay.Bagama't sinabi ng Dios na "lahat" hindi po ibig sabihin nito ay literal na lahat kundi meron pa rin po siyang ibinubukod.
Sa kaso ni Moises, sinabi ng Dios na walang taong makakakita sa Kanya at mabuhay. Totoo po yun. Pero may talata po na nagsasabing "nakipag-usap ang panginoon kay Moises ng mukhaan", magkakontra po ba? Hindi po. Dahil si Moises ay hindi po pangkaraniwang tao sa harapan ng Dios.
Exo 7:1 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Tingnan mo, GINAWA KITANG DIOS kay Faraon: at si Aaron na iyong kapatid ay magiging iyong propeta.
Si Moises po ay ginawang dios ng Dios Ama. Maaring sabihin n'yo na Dios lang sya kay Faraon. Ke ano pa man, Dios Ama ang gumawa sa kanya bilang Dios. Tunay na Dios po si Moises dahil Tunay na Dios ang naghirang sa kanya bilang Dios. Hindi po gumagawa ng peke ang Dios ng Langit at ng Lupa.
Ngayon, pwede na po bang matanggap na nkipag-usap usap si Moises sa Dios ng mukhaan? Pwede na po. Bago pa n'ya sabihin na hindi S'ya maaaring makita ng tao at mabuhay, tapos na po N'yang gawing Dios si Moises kay Faraon.
Kahit ang Quran ay nagpapatotoo na ang Dios ay direktang nakipag-usap kay Moises na hindi N'ya ginawa sa ibang propeta (Surah 4.164). Maging ang Biblia man.
(Deut. 34:10 At wala pang bumangong propeta sa Israel na gaya ni Moises, na kilala ng Panginoon sa mukhaan...)
Joh 5:37 At ang Ama na nagsugo sa akin, ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin. Kailan ma'y hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig, ni hindi man ninyo nakita ang kaniyang anyo.
Totoo po ito. Dahil sa tagpong ito nakikipag-usap si Jesus sa mga taong ayaw tumanggap sa Kanya, at walang pag-ibig ng Dios sa kanila. (Gaya ng mga balik-Islam na tumalikod na kay Cristo).
Ang panginoong Jesus, bago pa nilalang ang lupa, ay taglay na n'ya ang karangalan kasama ng Ama (John 17:5 At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon.) S'ya ang kasangkapan ng Dios sa paglalang (John 1:3 Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.) Kaya hindi dapat pagalinlanganan kung nkita nya ang Dios o Hindi.
Kawawa naman ang mga balik-Islam, nagpupumilit magkaroon ng unawa sa pamamagitan ng aral ng isang "propeta" na kailanman ay hindi kinausap ng Dios Ama, ni hindi man lamang pinagpakitaan ng anumang himala gaya ng mga nauna sa kanya.