Tuesday, March 31, 2009

Bibliya dapat pagkatiwalaan

BASAHIN po natin ang text ng isang Muslim. Siya daw po si Baiputi ng Cotabato City.

Sabi ni Baiputi, "Para sa iyo, Cenon Bibe Jr., bakit di mo kaya pag-aralan ang laman ng Holy Qur'an para malaman mo ang pagkakaiba ng Bible at Holy Qur'an."

"Sa Bibliya n'yo may paJohn-John pa kayo at santo-santita pa."

"Bakit di mo paluwain mata mo sa katotohanan na ang Diyos ay di masabing Siya ay bato, bagay o tao? Dahil Siya nga lumikha sa sanlibutan. Maski ikaw sa Kanya ka galing."

"Tandaan mo 'yan pero nililigaw ka ng paniwala mong mali. 'Yan masabi ko sa iyo. Pag-aralan mo ang Qur'an bago ka magsabi na ang Diyos ay nakikita o bato!"

Salamat, Baiputi.

IGINAGALANG ko ang PANINIWALA mo at ng LAHAT ng MUSLIM sa KORAN. HINDI ko TUTUTULAN ‘yan.

NATITIYAK ko na MERON kayong batayan sa paniniwala ninyo sa Koran.

Ngayon, kung naniniwala man ako sa BIBLIYA ay mayroon din akong MATATAG at MATIBAY na BATAYAN sa aking PANINIWALA.

Hayaan mo sanang IPAHAYAG at IPAKITA ko sa iyo ang aking mga BATAYAN.

Una, ang BIBLIYA ay PUNO ng mga KASULATAN na ISINULAT ng mga MISMONG SAKSI o ng mga MISMONG PINAGBIGYAN ng DIYOS ng Kanyang mga KAUTUSAN.

Kasama ang mga SAKSI na iyan sa mga sinasabi mo na "santo-santita." Pero sa amin ay mga SANTO at SANTA ang TAWAG sa KANILA.

Halimbawa, ilan sa mga nagsulat ay sina PROPETA ISAIAH na nagsimulang magsulat noong 742 BC at si PROPETA JEREMIAH na nagsimulang magsulat bandang 629 BC.

Iyan ay sa Old Testament.

Sa New Testament, ang mga SAKSI na NAGSULAT ay sina MATTHEW at JOHN.

Sila ay mga ALAGAD ng PANGINOONG HESUS. Sila ang mga mismong NAKASAMA, NAKAUSAP, NAKINIG at NATUTO sa mga ARAL at GAWA ni Hesus.

Kung may DAPAT PANIWALAAN sa mga nagsasalita patungkol kay Hesus ay SILA ang mga iyon.

At ayon nga kay JOHN — sa Jn 1:1-3, 14 — si HESUS ay ang SALITA na KASAMA ng DIYOS na LUMIKHA sa LAHAT ng BAGAY.

At bilang SALITA, si Hesus ay DIYOS (Jn 1:1) na NAGKATAWANG TAO (Jn 1:14)

Dahil si JOHN ay mismong ALAGAD ni HESUS at SAKSI sa mga SALITA at GAWA ni HESUS, si JOHN ang PANINIWALAAN ko.

MANINIWALA ba tayo, Bai, sa mga tao na HINDI naman SAKSI?

Ngayon, merong mga nagsulat sa Bibliya na hindi saksi pero NAKAUSAP naman nila ang mga SAKSI at ang ISINULAT NILA ay ang mga SINABI ng mga SAKSI.

Halimbawa na nga riyan si LUKE at MARK.

Si MARK ay KASA-KASAMA ni PEDRO at ang Ebanghelyo na isinulat niya ay AYON KAY PEDRO. Si Pedro ay ALAGAD ni HESUS.

Sa kaso ni Luke, sinabi niya na SINURI NIYA ang mga ULAT tungkol kay Hesus at ISINULAT niya ang mga iyon para KUMPIRMAHIN at BIGYANG KATIYAKAN ang mga ARAL tungkol sa Panginoon.

Sabi nga sa Luke 1:1-4, “Marami na ang sumulat patungkol sa mga bagay na natupad sa gitna natin sangayon sa kung paano ito ibinigay sa atin ng MGA SAKSI NA MULA PA SA UNA at ng mga nangaral ng salita."

"Matapos kong SURIIN nang BUONG INGAT ang mga pangyayari magbuhat sa simula, ako man ay nagpasya na isulat ito para sa iyo, kagalang-galang na Teofilo, para makita mo ang KATIYAKAN ng mga itinuro sa iyo.”

Sa madaling salita pa, Bai, ay HIGHLY RELIABLE ang mga sinasabi ng Bibliya.

Katunayan, ang mga sinasabi ng BIBLIYA ay GINAGAMIT na BATAYAN ng mga HISTORIAN sa PAG-ALAM sa KASAYSAYAN ng MIDDLE EAST, partikular sa may lugar ng PALESTINA.

Sa lahat ng mga bahagi ng BIBLIYA, ang pinakahuling aklat ay nasulat bandang 90 AD nasulat. Ibig sabihin ay MALAPIT na MALAPIT pa mismo kay HESUS.

At dahil SULAT ng mga MISMONG SAKSI, NANINIWALA ako na KATOTOHANAN ang mga SINASABI nila.

At kung mismong SAKSI ang NAGSASALITA, MALILIGAW kaya tayo?

Samantala, noong nag-RESEARCH ako tungkol sa KORAN, nalaman ko na NASULAT ito noong panahon ni Propeta Muhammad noong bandang 600 AD o may 500 taon matapos MAGKATAWANG TAO si HESUS.

Alam mo ba iyan, Bai?

u u u

Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang sinasabi mong "bato" o "bagay" ang Diyos. HINDI iyan ARAL ng KRISTIYANISMO, lalo na ng IGLESIA KATOLIKA.

Pero SANG-AYON ako sa iyo na DIYOS ang LUMIKHA ng SANLIBUTAN. Ibig lang sabihin, Bai, ay MAKAPANGYARIHAN SIYA.

At dahil ang DIYOS ay MAKAPANGYARIHAN, MAGAGAWA ng DIYOS na MAGKATAWANG TAO.

Iyon nga ang ginawa ni Hesus. Siya ay DIYOS na NAGKATAWANG TAO para LUBOS na IPAKILALA ang DIYOS sa Kanyang mga NILIKHA. (Hebrews 1:1-2)

Pero higit pa riyan, naging tao si Hesus para Siya mismo ang MAGLIGTAS sa TAO sa KAMATAYAN.

Sa pamamagitan niyan ay sinasabi ng DIYOS na MAHAL na MAHAL Niya ang TAO.

Sabi nga sa John 3:16, "Ganoon na lang ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang bugtong niyang Anak upang ang LAHAT ng SUMAMPALATAYA sa KANYA ay MAGKAROON NG BUHAY NA WALANG HANGGAN."

Para sa akin, Bai, WALA nang TATALO sa MENSAHE na iyan at WALA nang TATALO sa PATOTOO ng BIBLIYA kung tungkol kay HESUS ang PAG-UUSAPAN.

Salamat.

Hesus dapat kilalaning Diyos

SA NAUNA po nating artikulo ay sinimulan nating sagutin ang text ni Samboy ng Pansol, QC.

Heto po uli ang kanyang text, "Mr. Cenon, si Cristo mismo ang nagpakilala sa Kanyang sarili na tao Siya at hindi Diyos, sa John 8:40!"

"At ang Ama ang tunay na Diyos ang pinakilala Niya sa John 17:1-3. At may buhay na walang hanggan ang kumilala sa Ama at Diyos na tunay!"

"Sana maliwanagan ang isipan mo para maligtas ka sa araw ng paghuhukom!"

Sinagot na po natin ang sinasabi ni Samboy na "nagpakilala" raw si Hesus na "tao" sa Jn 8:40.

Bago natin tinapos ang ating naunang artikulo ay naiwan natin ang iba pang sinabi ni Hesus sa Jn 8:56-58.

Diyan ay MALINAW ang PAGPAPAKILALA ni Hesus na Siya ay DIYOS.

Sabi roon ni Hesus, "Ang ama ninyong si Abraham ay nagbunyi sa pag-iisip na makita ang aking araw; nakita niya ito at nagalak."

"Sinabi ng mga Hudyo sa kanya: Wala ka pa ngang limampung taong gulang at nakita mo na si Abraham!"

"Sumagot si Hesus: Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, BAGO PA isinilang si Abraham ay AKO NA NGA!"

Sa sinabing iyan ng Kristo ay NAGALIT lalo ang mga Hudyo. Bakit?

Dahil alam nila kung saan galing ang mga salitang "AKO NA NGA." Ito ay galing sa Exodus 3:14.

Ano naman ang kahulugan ng "AKO NA NGA" at nagalit kay Hesus ang mga Hudyo nung gamitin Niya ito para sa Kanyang sarili?

Heto po at basahin natin ang sinasabi ng talata. Simulan natin sa verse 13 para mas malinaw.

Sabi sa Ex 3:13-14, "Sinabi ni Moises sa Diyos: Kung pupunta ako sa mga Israelita at sabihin sa kanila, Ako ay sinugo ng Diyos ng inyong mga ama at tinanong nila ako, Ano ang kanyang PANGALAN? Ano ang sasabihin ko sa kanila?"

"Sinabi ng Diyos kay Moises: AKO AY AKO NA NGA."

"Ito ang sasabihin mo sa mga Israelita: Ipinadala ako sa inyo ni AKO NA NGA."

Ano raw ang PANGALAN ng DIYOS ayon sa Ex 3:14?

AKO NA NGA.

Kaya nung gamitin iyan ni HESUS sa Jn 8:58 ay NAGALIT sa Kanya ang mga Hudyo.

Ginagamit kasi Niya ang PANGALAN ng DIYOS.

Sa mga Hudyo ay kataka-taka iyan. Ang paniwala kasi nila ay "tao lang" si Hesus at "hindi Diyos."

Pero sa mga TUNAY na NAKAUUNAWA sa mga sinasabi ng Bibliya, normal na lang iyan.

Alam kasi nila na TUNAY na DIYOS si HESUS at DALA ang PANGALAN ng DIYOS.

Sa katunayan, ang salitang "PANGINOON" na ginagamit na TITULO para kay HESUS ay MISMONG TITULO ng DIYOS.

Sa GRIEGO ang katumbas na salita ng PANGINOON na titulo ni Hesus ay KYRIOS.

Sa HEBREO naman, ang katumbas ng KYRIOS ay ADONAI.

Sa ORIHINAL na mga SALITA na iyan, ang KYRIOS at ADONAI ay ginagamit at ibinibigay lang PARA SA DIYOS.

Kaya nga nung gamitin ang KYRIOS kay HESUS ay PINATOTOTOHANAN nila ang pagka-DIYOS ng KRISTO.

Sa text ni Samboy ay sinasabi niya na sana raw ay "maliwanagan ang isipan" natin kaugnay sa kalikasan ni Hesus.

Gustong sabihin ni Samboy na kung patuloy tayong maniniwala na DIYOS si HESUS ay hindi tayo maliligtas.

Ibabalik ko kay Samboy ang sinabi niya.

"Samboy, kung hindi ka maniniwala na DIYOS si HESUS ay HINDI KA MALILIGTAS."

Bakit?

Ganito ang sinasabi sa Romans 10:9, "Kung IKUKUMPISAL ninyo ng inyong bibig na ‘Si HESUS ay PANGINOON,’ at maniwala sa inyong puso na ibinangon siya ng Diyos mula sa patay, KAYO AY MALILIGTAS."

Ang pagkumpisal diyan na si Hesus ay PANGINOON ay hindi lang basta pagsasabi na Siya ay basta lang ‘Panginoon."

Sinasabi riyan na ang ikukumpisal ay si Hesus na KYRIOS o DIYOS.

Sa madaling salita, kung HINDI IKUKUMPISAL ang pagiging DIYOS ni HESUS ay HINDI MALILIGTAS ang isang tao.

Kaya dasal ko, Samboy, na MALIWANAGAN ang ISIPAN MO para MALIGTAS KA sa Araw ng Paghuhukom!

At kahit pa basahin natin ang sinasabi ng Jn 17:3 ay ganyan din ang sinasabi.

Sinabi roon ni Hesus, "Ngayon, ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang nag-iisang tunay na Diyos, AT SI HESU KRISTO na iyong sinugo."

HINDI LANG pala ang AMA ang DAPAT KILALANIN kundi pati si KRISTO HESUS.

At ayon nga sa Jn 1:1, 14 at maging sa Rom 10:9, si HESUS ay DIYOS DIN at DAPAT na IKUMPISAL na TUNAY na DIYOS.

Salamat, Samboy.

Sunday, March 29, 2009

Hesus 'umamin' na 'tao lang' Siya?

BIGYANG daan po natin itong text ni Samboy ng Pansol, QC.

Sabi niya, "Mr. Cenon, si Cristo mismo ang nagpakilala sa Kanyang sarili na tao Siya at hindi Diyos, sa John 8:40!"

"At ang Ama ang tunay na Diyos ang pinakilala Niya sa John 17:1-3. At may buhay na walang hanggan ang kumilala sa Ama at Diyos na tunay!"

"Sana maliwanagan ang isipan mo para maligtas ka sa araw ng paghuhukom!" Salamat, Samboy.

Ang mga talatang iyan ay ginagamit ng mga kasapi ng samahang "Iglesia ni Cristo" at ng mga "Balik Islam" para tutulan ang pagka-Diyos ng ating Panginoong Hesus.

Basahin po natin ang sinasabi ng Jn 8:40 at simulan natin sa verse 39.

Sabi sa mga talata, "Sumagot sila: Si Abraham ang aming ama."

"Sinabi ni Hesus: Kung mga anak kayo ni Abraham gagawin ninyo ang mga bagay na ginawa ni Abraham. Sa nangyayari, gusto ninyo akong patayin, isang tao na nagsabi sa inyo ng katotohanan na narinig ko mula sa Diyos."

"Si Abraham ay hindi gumawa ng ganyan."

Una po sa lahat WALA pong SINABI sa mga talata na "TAO LANG" si Hesus. WALA rin po Siyang sinabi na "Hindi ako Diyos."

Ang sinabi po ni Hesus diyan ay isa siyang "TAO na sa inyo ng katotohanan na narinig ko mula sa Diyos."

WALA pong KONTROBERSIYA riyan.

TUNAY at TOTOO po na TAO SI HESUS: SIYA po ay DIYOS na NAGKATAWANG TAO.

Sa UNANG mga TALATA pa lang po ng JOHN ay SINABI na IYAN.

Sabi sa Jn 1:1 at 14, "Sa pasimula ay ang SALITA, at ang SALITA ay KASAMA ng DIYOS, at ang SALITA AY DIYOS."

"At ang SALITA [na DIYOS] ay NAGKATAWANG TAO at nanahan sa gitna natin."

"NAKITA namin ang kanyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatian ng NAG-IISA NA GALING SA AMA, puno ng biyaya at katotohanan."

SINO po ang SALITA na iyan na NAG-IISA NA GALING SA DIYOS AMA?

Ang PANGINOONG HESUS po.

Sa Jn 8:42 ay sinabi Niya na "AKO ay NAGMULA sa DIYOS at narito na nga."

So, NAPAKALINAW po na ang DIYOS ay NAGKATAWANG TAO kaya TAMA ang SINABI ni HESUS sa Jn 8:40 na SIYA AY TAO.

Ngayon, bakit sinabi ni Hesus sa Jn 8:40 na Siya ay "TAO"?

Simple lang.

Gusto lang Niyang sabihin sa mga kaharap Niyang Pariseo na NAROON na nga SIYA: DIYOS na NAGKATAWANG TAO.

Ang mahirap diyan ay AYAW pang MANIWALA ng mga PARISEO at gusto pa Siyang patayin.

HINDI MAKITA ng mga PARISEO (at ng ilang tao ngayon na nagsasabi na "tao lang" si Hesus) na DIYOS si KRISTO.

Sa katunayan, kahit pa DIRETSAHAN nang sinabi ni HESUS na Siya ang DIYOS ay hindi pa rin naniwala ang mga Pariseo.

Ganito po ang sinasabi ni Hesus sa Jn 8:56-59, "Ang ama ninyong si Abraham ay nagbunyi sa pag-iisip na makita ang AKING ARAW; nakita niya ito at nagalak."

"Sinabi ng mga Hudyo sa kanya: Wala ka pa ngang limampung taong gulang at nakita mo na si Abraham!"

"Sumagot si Hesus: Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, BAGO PA isinilang si Abraham ay AKO NA NGA!"

"Dito ay pumulot sila ng mga bato para siya ay batuhin pero itinago ni Hesus ang kanyang sarili at lumayo mula sa lugar ng templo."

Nakikita mo, Samboy? Sinabi na mismo ni Hesus na NAUNA pa Siya kay Abraham (dahil DIYOS Siya na KASAMA na nga ng DIYOS sa pasimula pa lang) pero nagalit pa ang mga Hudyo.

Isa pa ay alam ng mga Hudyo ang kahulugan ng salitang "AKO NA NGA" na tumutukoy sa pangalan ng Diyos sa Exodus 3:14.

Sa susunod na artikulo natin ay tatalakayin natin ang Jn 17:1-3.

Salamat po.

Thursday, March 26, 2009

'Hesus humingi ng tulong sa Diyos'

BIGYANG daan po natin itong isa pang pagtutol ng isang Balik Islam sa pagka-Diyos ng ating Panginoong Hesu Kristo.

Sabi ng ating texter, “Hindi Diyos si Jesus. Siya mismo ay nanalangin at humingi ng tulong sa Diyos. Sabi Niya ‘Diyos ko, Diyos ko.’ So, paano mo nasabi na Diyos Siya?”

Salamat po sa ating texter.

Ang tinutukoy po ng ating texter ay ang mga salita ng ating Panginoon habang Siya ay nakapako sa krus ayon sa Matthew 27:46.

Sinasabi po riyan, “Bandang alas-tres ng hapon ay sumigaw si Hesus sa isang malakas na boses: Eli, Eli, lema sabachthani, na ang kahulugan ay: Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”

Sa simpleng pagtingin ay PARANG TUMATAWAG nga sa DIYOS ang ating Panginoong Hesus.

Ang tanong po ay PERSONAL bang PANALANGIN ni HESUS IYAN?

SORRY pero HINDI po. MALI lang po ang PAGKA-UNAWA ng ating texter sa sinasabi ng talata.

Sa totoo lang po ay MADALING MAUNAWAAN ang BIBLIYA, pero yun ay kung ALAM NATIN ang mga KONTEKSTO at KASAYSAYAN ng mga NILALAMAN niyan.

Sa mga HINDI ALAM ang KONTEKSTO at KASAYSAYAN ng BANAL na KASULATAN ay MALAMANG na MALITO SILA, MAGKAMALI NG UNAWA at MALIGAW pa sa kanilang PANINIWALA.

Halimbawa nga po sinabi ng Panginoon sa Mt 27:46. Para nga po Siyang nananalangin diyan, hindi po ba?

Pero MALI nga po.

Dahil kung pamilyar tayo sa iba pang sinasabi ng Bibliya ay malalaman natin na ang mga sinabi ni Hesus ay GALING SA PSALM 22:2.

Ang BUONG PSALM 22 ay PANALANGIN ng ISANG INOSENTENG INAAPI .

Sa madaling salita po, GINAGAMIT ni HESUS ang SALITA ng INOSENTENG INAAPI para IPAKITA na Siya ay NAKIKIISA sa mga API.

Sa PAGGAMIT ni HESUS sa SALITA ng INOSENTENG INAAPI ay parang sinasabi Niya sa isang INAAPI na: “HINDI KA NAG-IISA. KASAMA MO AKO.”

PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!

Madali nating mauunawaan ang ginawa ni Hesus dahil ganyan tayong mga tao.

Kapag tayo ay NALULUNGKOT, inaawit natin ay SALITA ng KANTANG MALUNGKOT.


“Lonely, I’m Mr. Lonely ... I have nobody to call my own ...”


Kapag tayo ay BIGO sa PAG-IBIG, umaawit tayo at gumagamit ng SALITA at TUGTOG ng BIGO sa PAG-IBIG.

“Minsan, ang isang pangako ay maihahambing ... sa isang KASTILYONG BUHANGIN ...”

Kung tayo naman ay MASAYA ay halos ipagsigawan natin ang mga TITIK ng AWIT ng KAGALAKAN.

“Ang PUSO KO’Y NAGPUPURI, NAGPUPURI SA PANGINOON! NAGAGALAK ang AKING ESPIRITU saking TAGAPAGLIGTAS ...”

At kahit sa pagiging MAKABAYAN ay nagagamit natin ang mga SALITA ng mga NAGMAMAHAL sa BANSA.

“Ang BAYAN KONG PILIPINAS ... LUPAIN ng GINTO’T BULAKLAK ...”

GINAGAMIT natin ang mga SALITA ng IBA para MAKA-RELATE TAYO sa KANILA at MAIPAKITA na KAISA NILA TAYO at KASAMA sa anuman ang kanilang NARARAMDAMAN.

At iyan nga po ang dahilan kung bakit ISINIGAW ni HESUS ang mga PAUNANG TALATA ng PSALM 22 o ang AWIT ng INOSENTENG INAAPI.

SINASABI ni HESUS sa mga INOSENTENG INAAPI na “HUWAG KAYONG MALUNGKOT o MAWALAN ng PAG-ASA dahil KASAMA NINYO AKO.”

At ano naman po ang KAHALAGAHAN kung KASAMA ng mga INOSENTENG INAAPI si HESUS?

SIMPLE po. Ang sinasabi ni Hesus ay KASAMA ng mga INOSENTENG INAAPI ang DIYOS.

Paano nangyari na KASAMA nila ang DIYOS dahil sa mga SALITA ni HESUS?

Nangyayari po iyon dahil ang NAKIKIISA sa mga INAAPING INOSENTE ay ang mismong DIYOS na NAGKATAWANG TAO at NAKADANAS ng PANG-AAPI kahit na Siya ay WALANG KASALANAN.

HINDI lang po SINABI ng DIYOS na si HESUS na “KASAMA NINYO AKO.” GINAWA MISMO ni KRISTO na DANASIN ang KAAPIHAN ng mga TAONG PINAHIHIRAPAN kahit WALANG SALA.

HINDI po Siya TUMIGIL sa PAGKAKATAWANG TAO para IPAKITA na SIYA ang EMMANUEL o ang DIYOS na KASAMA NATIN (Mt 1:23).

Pati ang KAMATAYAN NATIN ay DINANAS NIYA para PATUNAYAN na TUNAY SIYANG KAISA NATIN.

Ngayon, HINDI po TUMIGIL si HESUS sa KAMATAYAN.

Si HESUS po ay NABUHAY na MULI (Mt 28:5) upang TAYO na NABINYAGAN sa KANYANG KAMATAYAN ay MAKASAMA naman NIYA sa PAGKAKAROON ng BAGONG BUHAY. (Romans 6:4)

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

So, iyan po ang kahulugan ng pagsambit ni Hesus ng “Diyos ko! Diyos ko!” sa Mt 27:46.

Salamat po.

Wednesday, March 25, 2009

Hesus nagpakilalang Diyos

BIGYANG daan po natin itong text ng dati na nating texter na isa raw "BALIK ISLAM."

Nagpakilala siya dati na USTADZ pero binawi rin niya iyon nung ilabas natin ang kanyang numero at MAKITA ng mga NAKAKAKILALA sa kanya na siya itong nagpapakilalang ustadz daw.

May kaugnayan po ito sa paniniwala natin na DIYOS ng ating PANGINOONG HESUS.

Sabi nitong Ustadz daw, "Wala ka pa ring naipapakitang verse patungkol sa baluktot mong paniniwala na Diyos si Kristo."

Salamat, "Ustadz."

NAPAKARAMING TALATA na NAGPAPATUNAY na DIYOS NGA ang PANGINOONG HESU KRISTO.

Mismo pong si KRISTO ay NAGPAKILALA na SIYA ay DIYOS.

Sabi Niya sa John 8:58, "KATOTOHANANG, KATOTOHANANG sinasabi ko sa inyo, BAGO PA si ABRAHAM ay AKO NGA" o "I AM" sa Ingles.

Paano po NAGPAKILALA si HESUS na SIYA ay DIYOS nung sabihin Niya na SIYA ang "AKO NGA" o "I AM"?

Sa mga MARUNONG po sa BIBLIYA ay ALAM NILA na ginagamit ni Hesus ang PANGALAN na GINAMIT ng DIYOS nung MAGPAKILALA SIYA kay MOISES.

Sa Exodus 3:13 po ay tinanong ni Moises ang Diyos kung ano ang sasabihin niyang PANGALAN kung itatanong ng mga Israelita kung: ANO ang PANGALAN ng DIYOS?

Sa Ex 3:14 ay sinabi ng DIYOS, "AKO ay AKO NGA" (o "I AM WHO AM.")

"At idinagdag niya: Ito ang sasabihin mo sa mga Israelita: Sinugo ako ni AKO NGA."

ANO raw po ang PANGALAN na sasabihin ni Moises kung itatanong ng mga Israelita ang PANGALAN ng DIYOS?

Ang dapat daw ibigay ni Moises na PANGALAN ng DIYOS ay "AKO NGA." So, ang "AKO NGA" ay PANGALAN ng DIYOS.

Ngayon, nung sabihin ni HESUS na SIYA ang "AKO NGA" ay MALINAW na NAGPAKILALA si KRISTO na SIYA ay DIYOS.

WALA pong KADUDA-DUDA.

Katunayan po, noong marinig ng mga HUDYO na inulit-ulit ni HESUS ang pagpapakilala na SIYA ang AKO NGA ay "PUMULOT SILA ng mga BATO para SIYA ay BATUHIN." (Jn 8:59)

WALA po tayong MAGAGAWA kung ayaw ng mga HUDYO na TANGGAPIN si HESUS bilang DIYOS.

HINDI rin po natin PIPILITAN ang IBA kung HINDI NILA TATANGGAPIN si KRISTO bilang DIYOS.

HINDI po nila NAUUNAWAAN ang mga SINASABI ni HESUS.

Bakit daw po kaya?

Heto po ang sagot ni Hesus sa Jn 8:43, "Bakit HINDI NINYO NAUUNAWAAN ang aking SINASABI? Iyan ay dahil HINDI NINYO MATANGGAP ang aking SALITA."

Ayan po, ang mga HINDI NAKAKAUNAWA sa PAGPAPAKILALA ni HESUS na SIYA ang DIYOS ay HINDI LANG MATANGGAP ang KANYANG mga SALITA.

SAYANG po. At NAKAKATAKOT ang KAHIHINATNAN nila.

Sinabi po kasi ni Kristo na ang HINDI MANINIWALA na SIYA ay DIYOS ay MAMAMATAY.

Sa John 8:24 ay sinabi ni Hesus, "KUNG HINDI KAYO MANINIWALA na AKO NGA, MAMAMATAY KAYO sa inyong mga kasalanan."

Mabuti po sana kung KAMATAYAN lang sa KATAWAN ang tinutukoy riyan ni KRISTO.

HINDI po. At DAPAT daw pong MATAKOT ang HINDI TATANGGAP kay KRISTO bilang DIYOS.

Sabi Niya sa Luke 12:5, "MATAKOT KAYO sa KANYA na MATAPOS na PUMATAY ay MAY KAPANGYARIHAN na MAGTAPON sa IMPIYERNO."

"OO, sinasabi ko sa inyo, MATAKOT KAYO sa KANYA."

Ang mga DAPAT MATAKOT ay yung mga TUMUTUTOL sa mga SALITA ni HESUS, partikular sa PAGPAPAKILALA ni KRISTO na SIYA ay DIYOS.

Nawa po ay HUWAG MANGYARI dahil sa HINDI NINYO PANINIWALA kay KRISTO ay MAMAMATAY KAYO at KAYO ay MATATAPON pa sa IMPIYERNO.

Mayroon pong mga tao na TUMALIKOD na kay KRISTO at ITINAKWIL ang Kanyang pagiging DIYOS.

Habang BUHAY pa po TAYO ay MAY PAGKAKATAON pa tayong MAGBALIK-LOOB sa KANYA.

Ang sinabi po ni KRISTO na DAPAT TAYONG MANIWALA na SIYA ay DIYOS ay HINDI po KUWENTO LANG sa isang tao.

TOTOO pong SINABI Niya iyan at MARAMING SAKSI sa Kanyang sinabi.

Kaya MAG-ISIP tayo.

Hesus kapantay ng Diyos Ama

MAYROON pong TUTOL sa PAGKA-DIYOS ni KRISTO na nagbigay sa atin ng tanong na ito: Ano ang maipakikita mong patunay na DIYOS si KRISTO?

Natalakay na po natin sa ibang post natin ang PAGPAPAKILALA ni HESUS na SIYA ay DIYOS.

Iyan po ay nung MAGPAKILALA SIYA na SIYA ang "I AM" o "AKO NGA." (John 8:58)

Diyan ay sinasabi ni Hesus na SIYA ang DIYOS na NAGPAKILALA kay Moises ayon sa Exodus 3:14.

Ngayon, si Hesus po mismo ay NAGPAHAYAG na SIYA ay KAPANTAY ng DIYOS AMA.

Sabi ng Panginoong Hesus sa Jn 5:21, "Dahil KUNG PAANONG ang AMA ay BUMUBUHAY sa PATAY at NAGBIBIGAY BUHAY ay GANOON DIN ang ANAK ay NAGBIBIGAY BUHAY sa KANINO MANG GUSTUHIN NIYA."

Diyan po ay MALINAW na PANTAY ang KAPANGYARIHAN ni HESUS sa AMA sa PAGBIBIGAY BUHAY.

Sa mga kasunod na talata sa Jn 5:22 at 23 ay sinabi pa ni Hesus, "Ang AMA ay HINDI HUMUHUSGA kanino man, pero IBINIGAY na NIYA ang LAHAT ng PAGHUSGA sa KANYANG ANAK, UPANG DAKILAIN ng LAHAT ang ANAK KUNG PAANONG DINADAKILA NILA ang AMA."

PURIHIN ang DIYOS! PURIHIN si KRISTO!

Ayon po sa PANGINOONG HESUS, KAILANGANG DAKILAIN SIYA ng mga TAO kung PAANONG DINADAKILA ng mga TAO ang DIYOS AMA.

PAANO po ba DINADAKILA ng TAO ang DIYOS AMA? Bilang "TAO" po ba?

HINDI PO!

Ang DIYOS AMA ay DINADAKILA ng TAO BILANG DIYOS!

At kung DAPAT DAKILAIN si HESUS kung paano dinadakila ang Ama, MALINAW na SINASABI ni HESUS na DAPAT SIYANG DAKILAIN BILANG DIYOS.

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

Katunayan, idinagdag po ng Panginoon sa Jn 5:23, "Ang HINDI DUMAKILA sa ANAK [kay HESUS] ay HINDI DUMADAKILA sa AMA na nagpadala sa Kanya.

NAPAKALINAW po na MALAKING KUNDISYON ang PAGDAKILA kay HESUS BILANG DIYOS para masabi ng isang tao na dinadakila niya ang Diyos Ama.

Ang HINDI DUMAKILA kay HESUS ay HINDI DUMADAKILA sa DIYOS AMA.

Heto pa po.

Sa Jn 8:19 ay sinabi ni Hesus, "Kung KILALA ninyo AKO ay MAKIKILALA rin ninyo ang AKING AMA."

Sa Jn 12:45 ay sinabi Niya, "Sino man ang MAKAKAKITA sa AKIN ay NAKIKITA na rin ang NAGSUGO sa AKIN."

Sa Jn 15:16 ay sinabi ni Hesus, "Ang LAHAT ng sa AMA ay AKIN."

At sa Jn 10:30 ay idineklara pa ni Hesus na "AKO at ang AMA ay IISA."

Ayon po sa ORIHINAL na GRIEGO, ang salita na isinalin na "IISA" ay ang salitang "HEN."

Ang kahulugan ng HEN ay "IISA ang SUSTANSIYA" o "ESSENCE." PANTAY ang KANILANG SUSTANSIYA.

Ayon sa http://net.bible.org/verse.php?book=Joh&chapter=10&verse=30, HINDI SINASABI ni Hesus na IISA SILANG PERSONA ng AMA.

Ang IDINIDIIN diyan ng KRISTO ay IISA SILANG "ENTITY." Ang IISANG ENTITY na iyon ay ang DIYOS.

Sa madaling salita, ang sinasabi ni Kristo sa Jn 10:30 ay SIYA at ang AMA ay IISANG DIYOS.

Ganoon po yon.

Monday, March 23, 2009

Kailan nagsimula ang Islam?

NAGTANONG po sa atin si Arnel ng Cagayan de Oro City. Sabi niya, "Kailan at saan nagsimula ang Muslim religion?"

Dapat sana ay mga Muslim ang sumagot sa tanong na iyan pero kahit sila-sila ay magkaiba ang sinasabi.

May mga Muslim na naniniwala na ang Islam ay itinatag sa panahon ni Abraham at mayroon naman na naniniwala na ito ay itinatag sa panahon ng Propeta Muhammad.

Kung susundin ang paniniwala kaugnay kay Abraham, lalabas na mayroon nang Islam noon pa lang 2,000 BC.

Ang problema ay walang HISTORICAL RECORD na magpapakita na mayroon nang Islam noon tulad ng alam natin ngayon.

Si Abraham ay mas kilala bilang Ama ng mga Hebreo o Israelita, although sinasabi ng mga Muslim na anak din sila ni Abraham kay Ismael.

Ayon sa Bibliya, si Ismael ay anak ni Abraham sa ALIPIN ni SARA na si HAGAR. (Genesis 16:1-4, 16)

Ibinigay ni SARA--ang ASAWA ni ABRAHAM--ang kanyang ALIPIN para MAANAKAN ito. Hindi kasi nagkakaanak si SARA.

Pero pagdaan ng panahon ay kinainisan ni Sara si Hagar at ito ay PINALAYAS niya at ni Abraham. (Gen 16:9-10, 14)

Mula sa angkan ni ISMAEL nagmula ang mga ARABO na pinagmulan naman ng ISLAM.

Pero kahit pa nabanggit si Ismael ay WALA PONG SINASABI na MAYROON NANG ISLAM noong panahon na iyan.

HISTORICALLY, sinasabi na ang Islam ay sinimulan ni Propeta Muhammad bandang 600 AD. Ito ay 600 taon matapos itatag ni Kristo ang Kanyang Iglesia.

Ayon sa KASAYSAYAN, ang Islam ay unang natatag sa lupain na kilala ngayon bilang Saudi Arabia.

Mababasa po iyan sa http://www.islamicity.com /education/ihame/default. asp?Destination>/education/ihame/1.asp

Ayon po sa website na iyan, ang "IslamiCity is dedicated to advancing information, fostering community, and educating people about Islam."

Sinasabi po riyan na ang PROPETA ng Islam ay ipinanganak noong 570 AD.

Iyan po ay may 540 TAON MATAPOS MATATAG ang IGLESIANG KRISTIYANO sa HERUSALEM.

Sa isa pang bahagi ng Islamicity ay sinasabi na ang mga unang TALATA ng BANAL na AKLAT ng ISLAM, o ang KORAN, ay inihayag sa kanilang propeta noong 610 AD. Ang huli ay noong 632 AD.

Dagdag pa ng Islamicity ay noon lang 633 AD naisip ni UMAR IBN AL-KHATTAB na maaaring mawala ang mga pahayag ng Koran.

At matapos noon ay IPINATIPON ni ABU BAKR, ang unang caliph, ang mga nilalaman ngayon ng KORAN.

Kung gusto po ninyong mabasa ang buong artikulo niya ay pumunta lang kayo sa website na:
http://www.islamicity. com/mosque/ihame/Ref1. htm.

Diyan po ay makikita natin na NAUNA ang mga KRISTIYANO at ilang ulit pang binanggit sa KORAN ang mga KRISTIYANO.

Samantala, NEVER BINANGGIT ang ISLAM sa BIBLIYA.

Ganyan po ang KASAYSAYAN ng ISLAM ayon mismo sa mga MUSLIM.

Sunday, March 22, 2009

Hesus hindi Diyos dahil mayroon ding Diyos?

BIGYANG daan po natin ang sabi ng isang text sa atin. Sabi nito, "Hindi puwedeng maging Diyos si Jesus dahil Siya mismo ay may kinilalang Diyos Niya. Basahin mo ang John 20:17."

Salamat po.

Ganito ang sinasabi sa John 20:17, "Sinabi ni Hesus sa kanya: Huwag mo akong kapitan, dahil hindi pa ako nakakaakyat sa Ama."

"Pero pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila: Ako ay aakyat sa aking Ama at sa inyong Ama, sa AKING DIYOS at sa inyong Diyos."

Maitatanong ng iba na "Paanong naging Diyos si Kristo kung mayroon Siyang Diyos?"

May katwiran ba sila?

SORRY pero WALA po.

HINDI po porke sinabi ni Hesus na DIYOS NIYA ang ATING DIYOS ay hindi na Siya Diyos.

HINDI po GANOON yon.

Paano ba natin dapat unawain ang Jn 20:17?

SIMPLE lang po.

Si HESUS ay TUNAY na DIYOS dahil Siya po ay ANAK ng DIYOS.

DIYOS AMA po mismo ang NAGSABI sa Matthew 3:17, “ITO [si HESUS] ang MINAMAHAL kong ANAK na lubos kong kinalulugdan.”

Kung TUNAY na ANAK ng DIYOS si HESUS, natural na TUNAY na DIYOS din si KRISTO. Kung DIYOS ang AMA ay DIYOS DIN ang ANAK.

Kaya si HESUS ay TUNAY na DIYOS.

Sabi nga po sa Jn 1:18 ay Siya ay MONOGENES THEOS o NAG-IISANG ANAK NA DIYOS.

Ngayon, kahit DIYOS ay NAGKATAWANG TAO po Siya.

Sinasabi sa Jn 1:1 at 14, "Sa pasimula ay ang SALITA, at ang SALITA ay KASAMA ng DIYOS at ang SALITA ay DIYOS."

"At ang SALITA [na DIYOS] ay NAGKATAWANG TAO at nanirahang KASAMA natin."
PURIHIN ang DIYOS!

Sa PAGKAKATAWANG TAO po ni HESUS ay hindi lang Niya ipinakita na MAHAL NIYA TAYO at gusto Niya tayong MAKASAMA.

NAGKATAWANG TAO po ang DIYOS para TUNAY SIYANG MAGING KAISA NATIN.

Kaya nga po sinabi sa Matthew 1:23 na tatawagin siyang EMMANUEL o ang DIYOS NA SUMASA ATIN.

At hindi lang po Siya NAGING KAISA NATIN sa ating pagka-TAO. TAYO mismo ay ISINAMA NIYA sa KANYANG KATAWAN— ang IGLESIA.

Si HESUS po ang ULO ng IGLESIA at TAYO naman ang Kanyang KATAWAN.

Sabi nga po sa Ephesians 5:23, "Si KRISTO ang ULO ng IGLESIA, ang KANYANG KATAWAN, na SIYA ang TAGAPAGLIGTAS."

So, si HESUS na ANAK ng DIYOS at TUNAY na DIYOS ay naging ULO na rin ng IGLESIA na ang bumubuo ay tayong mga TAO.

Sa madaling salita, TAYO po ay naging GANAP na KAISA ni HESUS. Dahil diyan tayo po ay naging ANAK na rin ng DIYOS.

Iyan po ang dahilan kung bakit ang AMA ni HESUS ay NAGING AMA na rin NATIN. (Jn 20:17)

At dahil si HESUS ang ULO ng IGLESIA, SIYA na ang NAMUNO sa PAGKILALA sa DIYOS.

Iyan ang KONTEKSTO ng sinabi ni Hesus na ang AMA ay KANYANG DIYOS at ATING DIYOS.

Kaya NIYA tinawag na KANYANG DIYOS ang AMA ay dahil PINAMUMUNUAN NIYA TAYO sa PAGKILALA sa AMA bilang DIYOS.

Pero HINDI porke ginawa Niya iyan ay hindi na Siya Diyos.

Naalala ko ang APAT sa mga TAO na HINAHANGAAN KO: Sila ay ang mag-inang sina Mrs. Marixi Prieto at ang anak niyang si Sandy Prieto-Romualdez at ang mag-amang John Gokongwei at Lance Gokongwei.

Si Sandy ay PRESIDENTE ng PHILIPPINE DAILY INQUIRER kung saan ang CHAIR of the BOARD ay ang INA NIYANG si Mrs. Marixi.

Samantala, si Lance ay PRESIDENTE naman ng mga KUMPANYA na PAG-AARI ng KANYANG AMA na si John.

Sa madaling salita po, ang mga ANAK na mula sa DALAWA sa mga PROMINENTENG PAMILYA sa BANSA ay EMPLEADO rin ng KANILANG mga MAGULANG.

Kung paanong ang mga MAGULANG ay itinuturing na "BOSS" ng kanilang mga ORDINARYONG EMPLEADO ay ITINUTURING din SILANG "BOSS" ng kanilang mga ANAK.

Ibig bang sabihin ay "HINDI na ANAK" ang mga ANAK dahil NAMUMUNO SILA sa mga KUMPANYA ng KANILANG mga MAGULANG?

ANAK pa rin SILA kung paanong si HESUS ay ANAK pa rin ng DIYOS sa kabila na PINAMUMUNUAN NIYA ang IGLESIA na DUMIDIYOS sa AMA.

At dahil ANAK ng DIYOS, si KRISTO ay DIYOS din. HINDI iyon NAWALA kahit pa NANGUNGUNA SIYA sa PAGKILALA sa KANYANG AMA bilang DIYOS.

Ganoon lang po yon.

PILIT lang po iyang PINIPILIPIT ng IBANG TAO na WALANG UNAWA sa SINASABI ng BIBLIYA.

Tuesday, March 10, 2009

Tamang pag-unawa sa Bibliya

NOTE: Kung mayroon po kayong tanong o komento ay welcome po kayo mag-comment sa ibaba. Maraming salamat po.

PILIT po talagang sinisiraan ng isang Balik Islam o convert sa Islam ang Bibliya. Pero tulad po ng naipakita natin ay MALI ang pagpuna niya dahil ang kanyang mga sinabi ay bunga ng MALI ring PAGKA-UNAWA sa BANAL na KASULATAN.

MARAMI po siyang HINDI ALAM tungkol sa BIBLIYA at kung ano man po ang alam niya ay malinaw na KULANG o LIHIS.

Ang masaklap po ay kahit IPINALIWANAG ko na sa kanya ang TAMA ay AYAW NIYA itong TANGGAPIN.

Ang iginigiit pa rin niya ay ang PANSARILI niyang NALALAMAN. Nagiging TOTOO po tuloy ang sinasabi ng Proverbs 18:2.

Sabi riyan, "Ang HANGAL ay hindi nakakahanap ng kaluguran sa PAGKAUNAWA pero natutuwa sa pagsasabi ng SARILI niyang HAKA-HAKA."

Gusto po niyang palabasin na "mali" ang Bibliya sa pamamagitan ng pagtutok sa mga umano ay "contradictions" nito. Pero tulad po ng naipakita na natin ay WALA pong CONTRADICTIONS sa BIBLE.

Ang BIBLIYA po kasi ay GALING sa UDYOK ng ESPIRITU SANTO. Sabi po sa 1 Timothy 3:16, "Ang LAHAT ng KASULATAN ay HININGAHAN ng Diyos at kapakipakinabang sa pagtuturo, pagsansala, pagtutuwid at pagsasanay sa katuwiran."

Ang hindi po nauunawaan ng marami (kasama na ang Balik Islam daw na pilit na pumupuna sa Bibliya) ay sa kabila ng NAGMULA sa ESPIRITU SANTO ang mga NAKASULAT sa BIBLE, ito ay NASULAT pa rin sa WIKA ng TAO.

Ibig sabihin po niyan ay GINAMIT ng ESPIRITU SANTO ang WIKA, KULTURA, PANG-UNAWA at PANANALITA ng TAO para maipa-intindi rito ang gusto Niyang sabihin.

Halimbawa po, ang PINILI at GINAMIT ng DIYOS para ipahayag at ipakilala ang Kanyang sarili ay ang WIKA, KULTURA at PANG-UNAWA ng mga HEBREO at mga GRIEGO.

Kaya nga po ang mga una Niyang pinagpakitaan at kinausap ay sina ADAN, NOAH, ABRAHAM, ISAAC, JACOB, MOISES at iba pang mga NINUNO ng BAYAN ng ISRAEL. Mula sa kanila nanggaling ang TRIBO ng mga HEBREO.

Ang salitang "HEBREO" ay galing sa matandang salita na APIRU o HABIRU. KINUKUMPIRMA ng matatandang kasulatan ng mga SUMERIAN, EGYPTIAN, AKKADIAN, HITTITE, MITANNI at UGARI ang pagtawag sa kanila ng APIRU o HABIRU.

Iyan ay noon pang 2000 BC hanggang 1200 BC. Kung paanong ipinakikita sa BIBLIYA na ang mga UNANG HEBREO na tulad nina ABRAHAM at MOISES ay PALABOY-LABOY lang sa DISYERTO (Genesis 11 patuloy) ay GANOON din ang pagkakakuwento sa kanila ng mga MATATANDANG SIBILISASYON na nabanggit natin sa itaas.

Ibig sabihin lang po na TAMA at KATIWA-TIWALA ang SINASABI ng BIBLIYA kaugnay sa kanila.

Ngayon, dahil sila ang PINILI at GINAMIT ng DIYOS ang kanilang WIKA, KULTURA at PANG-UNAWA rin nila ang PINILI at GINAMIT ng ESPIRITU SANTO para IPAKILALA at IPAHAYAG ang Kanyang sarili sa TAO.

Kaya nga po para maunawaan natin ang BIBLE (partikular sa LUMANG TIPAN) ay MAHALAGA na MAUNAWAAN natin ang WIKA at KULTURA ng mga HEBREO.

Marami po ang NAGKAKAMALI sa PAG-UNAWA sa BIBLIYA dahil pilit nilang INUUNAWA ang sinasabi nito gamit ang WIKA at KULTURA natin NGAYON.

HINDI nila ALAM ang mga SIMBOLISMO, mga KAHULUGAN ng mga SALITA, ng mga NUMERO at iba pa na HEBREO. Tapos ay pilit nila itong inuunawa gamit ang MALI na PANUKAT.

At dahil MALI ang ginagamit na PANUKAT ay MALI rin ang "SUKAT" o UNAWA nila sa kahulugan ng mga KASULATAN.

Para MAUNAWAAN natin nang TAMA ang sinasabi ng BIBLIYA ay KAILANGAN MAUNAWAAN NATIN ang WIKA, KULTURA at iba pang bagay na HEBREO. Iyan nga kasi ang PINILI ng DIYOS para IPAHAYAG ang KANYANG SARILI sa TAO.

Isa pang PINILI at GINAMIT ng DIYOS ay ang WIKA at PANG-UNAWA ng mga GRIEGO.

Kaya nga po kapag mayroong dapat unawain na aral o bagay mula sa Bibliya--partikular sa Bagong Tipan--ay kailangang BALIKAN NATIN ang mga ORIHINAL na SALITANG HEBREO o GRIEGO.

Sa madaling salita po ay INILALAGAY natin sa TAMANG KONTEKSTO ang isang SALITA o TALATA para natin iyon MAIPALIWANAG.

Kung hindi po kasi natin gagawin iyan ay MALILIGAW din tayo ng PANG-UNAWA tulad ng PAGKALIGAW ng texter natin na Balik Islam.

HANAPIN po natin ang TAMANG PAGKAUNAWA dahil ang nakakatagpo sa PAGKAUNAWA ay nakakatagpo sa DIYOS.

Muslim kinontra Muslim

NOTE: Kung mayroon po kayong tanong o komento ay welcome po kayo mag-comment sa ibaba. Maraming salamat po.

SA ISA pong NAUNA nating post [Sagot sa Balik Islam (7): ...] ay ipinakita natin ang KONTRA-KONTRANG INTERPRETASYON ng isang ISLAMIC SCHOLAR sa mga sinasabi ng Koran aklat.

Si ABDULLAH YUSUF ALI po ay gumawa ng INTERPRETASYON sa sinasabi ng Sura (Chapter) 13, aya (verse) 38 at sa S22:52.

Ang INTERPRETASYON ni ALI sa S13:38 ay ganito, "We did send apostles before thee, and appointed for them wives and children..."

Sa S22:52 naman po ay ganito ang INTERPRETASYON niya, "Never did We send an apostle or a prophet before thee ..."

MALINAW po na MAGKASALUNGAT o MAGKAKONTRA ang mga INTERPRETASYON ni ALI: Sa S13:38 ay NAGPADALA raw ng mga APOSTOL ang kanilang Diyos.

Sa S22:52 naman ay KINONTRA niya ito at sinabi naman daw ng Diyos nila na HINDI ITO NAGPADALA ng mga APOSTOL.

ANO po ba TALAGA? Kaya po natin nabuksan ang isyu na iyan ay dahil may isang Balik Islam na pilit na inaatake ang Bibliya dahil mayroon daw itong mga kontra-kontra.

Iyan ay kahit MALI ang BATAYAN NIYA sa kanyang mga sinasabi.

Ngayon, kaya po natin naungkat muli ang KONTRA-KONTRA sa mga INTERPRETASYON ni ALI ay dahil MISMONG ITONG BALIK ISLAM na nagti-text sa atin ay KINONTRA ang SINABI ni ALI sa S22:52.

NAGBIGAY po ng isa pang INTERPRETASYON itong ating texter sa sinasabi ng S22:52.

Heto po ang INTERPRETASYON NIYA riyan, "Yet whenever We sent forth any apostle or prophet before thee ..."

KINONTRA ng ating texter ang INTERPRETASYON ng SCHOLAR NILANG SI ALI.

SABI ni ALI, sa S22:52 ay "NEVER" daw NAGPADALA ng mga APOSTOL ang kanilang Diyos.

SABI naman ng BALIK ISLAM na nagti-text sa atin ay NAGPADALA naman daw ng mga apostol ang kanilang Diyos.

IISANG Sura ay NAGKONTRAHAN pa SILA.

SINO po ba ang PANINIWALAAN NATIN sa KANILA? Si ALI na KINONTRA-KONTRA ang SARILI NIYA o ang TEXTER natin na KINONTRA naman si ALI?

Actually, WALA po tayong PAKIALAM sa mga KONTRAHAN NILA. NAPIPILITAN lang po tayong MAGTANONG dahil IPINAGPIPILITAN po ng ating TEXTER na BALIK ISLAM na ang BIBLIYA ang may "contradictions."

Ang MALINAW pong lumalabas ay SILA-SILA ang MAY KONTRAHAN at HINDI ang BIBLIYA.

Sana po ay AYUSIN MUNA NILA ang KONTRAHAN NILA bago nila PAKIALAMAN ang BIBLIYA. SILA MISMO ay NAGBABANGGAAN tapos ay BIBLIYA ang PILIT NILANG INAATAKE.

May iba pong BALIK ISLAM na nagsasabi na mag-Balik Islam na rin tayo.

Paano po nila tayo makukumbinsi na SUMAMA sa KANILA kung SILA-SILA ay HINDI NAGKAKAINTINDIHAN sa mga INTERPRETASYON NILA? Hindi po ba?

MAS MABUTI pa ang pagiging KRISTIYANO dahil SA TAMANG PAG-UNAWA ay MAKIKITA NATIN na WALANG KONTRAHAN sa BIBLIYA at sa ARAL KRISTIYANO.

Patunay na credible ang Bibliya

NOTE: Kung mayroon po kayong tanong o komento ay welcome po kayo mag-comment sa ibaba. Maraming salamat po.

MAYROON pong Balik Islam o convert sa Islam na pumupuna sa mga aniya ay mga "contradiction" sa Bible.

Ayon po kasi sa Balik Islam na nagti-text sa atin, ang mga kontra-kontra raw sa Bibliya ang magpapatunay na "hindi ito salita ng Diyos." Pero sa mga nauna nga po nating post ay ipinakita natin na WALANG CONTRADICTIONS sa BIBLIYA.

Ngayon nga po ay patutunayan natin na ang Bibliya ay TUNAY na GALING sa DIYOS.

Anu-ano po ang mga PATUNAY na ang BIBLIYA ay SALITA NG DIYOS?

Pangunahin na po riyan ay ito: ang BIBLIYA ay BUNGA ng MATAGAL na PAGGABAY ng DIYOS sa Kanyang BAYAN.

Iyan po ay naglalaman ng KASAYSAYAN o HISTORY ng BAYAN ng DIYOS. Diyan lang po natin makikita ang KUMPLETONG RELIGIOUS HISTORY mula sa PAGLIKHA, simula kay ADAN hanggang kay HESUS at sa itinayo Niyang IGLESIA.

Makikita po natin ang ulat kay ADAN at sa mga ANAK NIYA sa GENESIS 1-5. Sunod po ay ang panahon ni NOAH at ng kanyang mga anak (Gen 5-10).

Sa Gen 11 po ay ipinapakilala na si ABRAM. Ang buhay niya ay isinalaysay mula riyan hanggang sa Gen 25:8.

Halos kasabay ng mga huling taon sa buhay ni Abraham ay isinalaysay naman ang BUHAY ng kanyang mga ANAK na sina ISAAC at ISMAEL. (Simula sa Gen 16) At sunod-sunod na ang ulat pababa sa mga ANAK ni ISAAC na si JACOB at ESAU at sa mga pangyayari sa kanilang mga buhay.

Ang mga iyan po ay mababasa sa unang limang aklat ng Bibliya: ang Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers at Deuteronomy.

Diyan din po sa mga aklat na iyan ay iniulat ang buhay ni MOISES at ang PAGPILI ng DIYOS sa mga HEBREO o ISRAELITA bilang SARILI NIYANG BAYAN.

Ang KASAYSAYAN po ng BAYAN ng DIYOS ay NAGPATULOY hanggang sa pagpasok ng mga ito sa LUPANG PANGAKO. Pati nga po ang KATIGASAN ng ULO ng mga tao ay NAULAT sa BIBLIYA.

PATUNAY lang po iyan na TUNAY at TAMA ang sinasabi sa BIBLE at HINDI yung PINILI lang.

At dahil CREDIBLE at KATIWA-TIWALA ang mga AKLAT ng BIBLIYA ay GINAGAWA IYANG BATAYAN ng mga HISTORIAN sa pagbuo nila ng KASAYSAYAN sa MIDDLE EAST.

Mayroon ding mga "holy books" sa Mideast pero HINDI po GINAGAMIT na BATAYAN ng KASAYSAYAN. Nakita po kasi nila na PURO KUWENTO lang ang mga iyon.

Ang mga sinasabi po ng BIBLE ay MAY MAKIKITANG SUPORTA sa ibang SOURCES at REFERENCES sa HISTORY. Sa madaling salita po ay MAY BATAYAN TALAGA ang BIBLIYA. HINDI iyan GUNI-GUNI o NAPANAGINIPAN LANG ng IISANG TAO.

Kontra-kontrang interpretasyon

NOTE: Kung mayroon po kayong tanong o komento ay welcome po kayo mag-comment sa ibaba. Maraming salamat po.

GUMAWA po ng CHALLENGE ang nagti-text sa atin na Balik Islam o convert sa Islam. Sabi niya ay MAGBIGAY daw po tayo ng CONTRADICTIONS sa kanilang KORAN o QURAN dahil kahit ano raw po ang gawin natin ay "wala" raw po tayong maibibigay. Anyway, dahil SIYA NA ang GUMAWA ng CHALLENGE ay PAGBIBIGYAN po natin siya. Pero HINDI na po ako ang MAGBIBIGAY ng mga hinihingi niyang "KONTRA-KONTRA" sa kanilang aklat. Kung mayroon po sa inyo na interesado ay puwede po na KAYO NA mismo ang HUMANAP kung merong CONTRADICTIONS sa kanilang aklat. Maganda po kung mayroon kayong ACCESS sa INTERNET. Ganito lang po ang gagawin ninyo: I-type lang ninyo ang www.google.com sa espasyo doon sa taas ng webpage at lalabas ang website ng Google. Doon po sa gitna ay may espasyo kung saan ay puwede ninyong type ang "Koran" o "Quran" at ang salitang "contradictions." Kung meron pong "contradictions" sa Koran o sa Quran ay may lalabas pong mga WEBSITE kung saan doon ninyo makikita ang mga iyan. Kung WALA naman po ay WALA ring lalabas na mga WEBSITE na nagpapakita ng umano ay "kontra-kontra." Kayo na po ang humusga kung ano man po ang madiskubre ninyo. Ngayon, kung ang opinyon ko po ang inyong pilit na tatanungin, HINDI ko po PERSONALLY MASASABI kung may contradictions nga sa aklat ng Islam o wala. Bakit po? Una, ang KORAN po ay NASUSULAT sa ARABIC. Ayon po sa mga nakausap kong Muslim, KUNG HINDI NAKASULAT SA ARABIC ang isang "KORAN" ay HINDI raw po iyon TUNAY na KORAN. Iyon daw po ay INTERPRETASYON LANG ng SUMULAT. Ayon sa mga nakausap ko, ang mga mababasa natin sa INGLES o PILIPINO o IBA PANG WIKA ay HINDI KORAN kundi mga "INTERPRETATION" lang ng kanilang Banal na Aklat. Sa madaling salita po, dahil HINDI AKO MARUNONG MAG-ARABIC ay HINDI KO MAIINTINDIHAN ang NAKASULAT sa KORAN. At dahil HINDI ko MAIINTINDIHAN ang KORAN ay HINDI KO MASASABI kung may contradictions nga riyan o wala. Pangalawa, MISMO pong ISLAMIC SCHOLARS na MARUNONG ng ARABIC ay TILA HINDI NAIINTINDIHAN ang SINASABI ng kanilang AKLAT. Nasabi ko iyan dahil may mga nabasa akong mga "INTERPRETATION" ng ilang ISLAMIC SCHOLAR na NAGLAGAY ng MARAMING TANONG sa aking ISIPAN. Halimbawa po, sa INTERPRETATION ni A. YUSUF ALI sa Surah (Chapter) 13, Ayah (Verse) 38 ay nabasa ko ang ganitong mga salita: "We did send apostles before thee, and appointed for them wives and children:" Ayon sa INTERPRETATION ni YUSUF ALI, ang DIYOS nila ay nagpadala raw ng mga APOSTOL. Pero nung basahin ko ang INTERPRETASYON ni YUSUF ALI sa S 22.52 ay ganito naman ang KANYANG SINABI, "Never did We send an apostle or a prophet before thee ..." NALITO po AKO. Dun sa INTERPRETASYON ni ALI sa S 13:38 ay NAGPADALA raw ng mga APOSTOL ang Diyos nila. Pero sa INTERPRETASYON uli ni ALI sa S 22.52 ay NEVER na raw ITO NAGPADALA ng mga APOSTOL. Gusto ko po sanang magtanong kay YUSUF ALI: "ANO BA TALAGA? NAGPADALA BA NG MGA APOSTOL (S13.38) o NEVER NAGPADALA NG MGA APOSTOL (S22.52)" Bakit MAGKAKONTRA ang INTERPRETASYON ni ALI? At hindi lang po iyan. MARAMI pa pong INTERPRETASYON si ALI na nagdala ng KALITUHAN sa aking ISIP. Buti sana kung PIPITSUGIN si ALI. Ang alam ko po ay ISA SIYA sa mga KINIKILALANG "INTERPRETER" ng aklat ng ISLAM. Dahil diyan ay naisip ko na tila MISMONG MGA SCHOLAR na MUSLIM ay HINDI NAIINTINDIHAN ang sinasabi ng KANILANG AKLAT. Kung sinasabi ng ilan na WALANG KONTRA-KONTRA ang KORAN, ibig sabihin ay HINDI iyon NAUUNAWAAN ng isang SCHOLAR na tulad ni ALI. Sa INTERPRETASYON kasi niya ay MAY lumalabas na mga KONTRA-KONTRA. Ngayon, kung MISMONG mga ISLAMIC SCHOLAR ay tila HINDI NAKAKAINTINDI sa kanilang aklat, HINDI PO AKO MAGKUKUNWARI na NAIINTINDIHAN ko iyon. So, ako po PERSONALLY ay HINDI MANGANGAHAS MAGSABI kung may contradictions sa aklat ng Islam. IRERESPETO KO na lang po ang KORAN dahil iyan ay BANAL sa mga MUSLIM. Pero mananatili po akong NAGTATANONG kung bakit may mga KONTRA-KONTRA sa mga INTERPRETASYON ng mga SCHOLAR na MUSLIM. Salamat po.

Bible 'corrupted' na?

NOTE: Kung mayroon po kayong tanong o komento ay welcome po kayo mag-comment sa ibaba. Maraming salamat po.

NOTE: Ang post na ito ay isang pinaikli at mas pinalinaw na version ng artikulo na unang lumabas dito noong May 13, 2007 GUSTO pong palabasin ng nagti-text sa atin na Balik Islam na may mga contradiction sa Bible. Ang mga contradiction daw po na iyan ang magpapatunay na "corrupted" na ang Banal na Kasulatan ng mga Kristiyano. At dahil "may contradictions" at "corrupted" na ang Bibliya ay hindi na raw po iyon ang tunay na salita ng Diyos. Dahil sa mga pang-aatake na ito ng ating texter ay SINUBUKAN ko siya para malaman ko kung mayroon siyang KATUWIRAN para punahin ang BIBLE. Sinunod po natin ang sinasabi sa 1 Thessalonians 5:21: "SUBUKIN ninyo ang LAHAT ng BAGAY." So, SINUBUKAN po natin siya. Sinabi natin sa kanya na kung mali ang Bible ay "ANO ang TAMA?" Ayon po sa kanya, ang "tama" at "hindi corrupted" na mga "kasulatan" ay ang "SOHUF, SABOOR at INJEEL," mga kasulatan na pinaniniwalaan ng mga Muslim. Tiningnan po natin sa Internet ang mga kahulugan ng mga salitang iyan para maunawaan natin kung ano sila. Ayon po sa www.submission.org, ang "Sohuf" o "Suhuf" ay ang "mga KATURUAN" ni Moises at ni Abraham. Ang "Saboor" o "Zaboor" daw ay "written book" o "nasusulat na aklat." At ayon sa texter nating Balik Islam, ang "Injeel" ay ang "good news" o ang "gospel." Samantala, ayon sa http://en.wikipedia.org.wiki/injil, ang Injil ay ang mga "revelation" ng Diyos na ibinigay kay "ISA." Si "ISA" po ang "JESUS" na pinaniniwalaan ng mga Muslim. Siya ay po ay HINDI DAPAT ISIPIN na KATULAD sa JESUS ng mga KRISTIYANO. IBA at MAGKAIBA po ang "JESUS" ng mga Muslim sa JESUS ng mga KRISTIYANO. Ngayon, dahil po sinabi ng texter natin na ang "SOHUF, SABOOR at INJEEL" ang "HINDI CORRUPTED" na "salita ng Diyos" ay tinanong ko po sa kanya kung "NASAAN ANG MGA IYAN?" Para po kasi masabi niya na ang mga iyan ang "HINDI CORRUPTED" ay DAPAT MAIKUMPARA natin ang mga nilalaman niyan sa sinasabi ng BIBLIYA. Sinabi nga po kasi ng 1 Thes 5:21 na "SUBUKIN ninyo ang LAHAT ng BAGAY." At diyan po tila HINDI MALAMAN ng ating kausap ang kanyang gagawin. WALA siyang MAIPAKITANG "SOHUF, SABOOR at INJEEL." HINDI rin po niya masabi kung SAAN MAKIKITA ang mga ito. WALA pala ng mga aklat na sinasabi niya. Paano niya naikumpara ang mga iyan sa sinasabi ng Bibliya? Paano niya nalaman na "corrupted" nga ang sinasabi ng Bible at "hindi corrupted" ang sinasabi ng "SOHUF, SABOOR at INJEEL?" Wala pong pinagkaiba sa LABADA ang bagay na iyan. Paano natin sasabihin na "MAS MAPUTI" ang LABADA ni ALING GLORIA kaysa sa LABADA ni ALING MARIA kung WALA namang MAIPAKITANG LABADA si ALING GLORIA? Ano yon? Dadaanin na lang sa KUWENTO? HINDI naman po siguro tama iyon. Hindi po ba? Ngayon, "corrupted" nga po ba ang BIBLIYA? HINDI po. MALAYO po iyan sa KATOTOHANAN. Ang BIBLIYA ay HINDI LANG GAWA-GAWA o KUWENTO ng isang TAO. Iyan ay bahagi ng KASAYSAYAN ng BAYAN ng DIYOS, mula kay ADAN, kay ABRAHAM, sa mga PROPETA, pupunta sa PAGKAKATAWANG TAO ng ating PANGINOONG HESUS at sa Kanyang mga APOSTOL at ALAGAD. SILA po ang mga GINAMIT ng DIYOS upang MASULAT at MABUO ang BIBLE. SILA ay ang mga MISMONG KINAUSAP ng DIYOS (tulad ni MOISES). Kung hindi man mismong Diyos ang kumausap sa mga SUMULAT ay NAKAUSAP naman nila ang mga SAKSI sa mga AKTWAL na PANGYAYARI na sinasabi sa Bible. Ganyan po ka-CREDIBLE at KATIWA-TIWALA ang BIBLE. Iyan ay GALING sa MARAMI at MAPAGKAKATIWALAANG mga SOURCE. Hindi po iyan tulad ng IBANG "HOLY BOOK" na IISA ang PINAGMULAN ng NILALAMAN at HINDI PA SAKSI ang NAGLAHAD.

Pablo at Lukas nagkontrahan nga ba?

NOTE: Kung mayroon po kayong tanong o komento ay welcome po kayo mag-comment sa ibaba. Maraming salamat po.

NOTE: Ang post na ito ay isang pinaikli at mas pinalinaw na version ng artikulo na unang lumabas dito noong May 13, 2007

ITULOY po natin ang pagsagot sa text ng isang Balik Islam na nagsabi na maraming "contradictions" o "salungatan" sa BIBLIYA. Dahil daw diyan ay hindi raw ito galing sa Diyos.

Ibinigay po niyang halimbawa ang pagpapakita ng Panginoong Hesus kay Pablo sa daan papunta sa Damascus.

Sa Acts 9:7 ay ganito ang ulat ni LUKE na nagsulat ng aklat, "Ang MGA LALAKING KASAMA NIYA [Pablo] ay hindi nakapagsalita dahil NARINIG NILA ang BOSES pero wala silang nakita."

Sa kabilang dako ay ganito ang sinabi ni PABLO sa Acts 22:9, "Nakita ng mga kasama ko ang liwanag pero HINDI NARINIG ang BOSES ng kumausap sa akin."

Pinuna ng ating texter na sa Acts 9:7 ay "NARINIG" nga raw ng mga kasama ni Pablo ang BOSES ng isang NAGSASALITA. Samantala, sa Acts 22:9 ay sinabi naman na "HINDI NARINIG" ng mga kasama ang BOSES.

Naku, tila "magkakontra" nga, hindi po ba? Ang tanong ay MAGKAKONTRA NGA BA?

HINDI po. At MALINAW nating MAKIKITA na WALANG KONTRA-KONTRA riyan kapag tiningnan natin ang PAGKAKASULAT ng Acts 9:7 at Acts 22:9 sa ORIHINAL na GRIEGO.

Sa ORIHINAL na GRIEGO, ang ginamit na salita sa Acts 9:7 para sa "NARINIG" ay "AKOUONTES" na ang kahulugan ay "NARINIG."

Doon naman sa ORIHINAL na GRIEGO ng Acts 22:9, ang salita na isinalin "HINDI NARINIG" ay "OUK EKOUSAN" na ang MAS TUGMANG SALIN ay "NARINIG PERO HINDI NAINTINDIHAN."

So, diyan natin makikita na kung sa ORIHINAL na GRIEGO natin babasahin ang Acts 9:7 at Acts 22:9 ay MAGKAIBA ang SINASABI ng DALAWANG TALATA.

At kung ilalapat na natin ang KAHULUGAN ng sinabi ni PABLO sa Acts 22:9 ay makikita natin na HINDI NIYA KINONTRA ang sinabi ni Lukas sa Acts 9:7.

Ang sinasabi kasi ni Pablo sa Acts 22:9 ay "NARINIG" nga ng mga KASAMA NIYA ang BOSES ng NAKIPAG-USAP sa kanya pero "HINDI NILA IYON NAINTINDIHAN."

Nagkaroon lang po ng kalituhan dahil nung ISALIN ang dalawang salita ay sinunod ng TAGASALIN ay ang ROOT WORD ng "AKOUONTES" at "EKOUSAN."

IISA po kasi ang ROOT WORD ng dalawang salita na iyan. Iyan ang "AKOUO" na ang pinaka-ugat na kahulugan ay "MAKINIG." Ang nangyari po ay MAY NAWALA sa KAHULUGAN ng "EKOUSAN" noong ito ay ISALIN sa INGLES at PILIPINO.

Pero HINDI po LAHAT ng SALIN sa INGLES ay MALI. May ILAN lang pong SALIN na NAGKAMALI, KASAMA NA ang KING JAMES VERSION (KJV) na MATAGAL na nating SINASABI RITO na MALI-MALI ang SALIN.

At kaya naman po PABORITONG SALIN ng mga BALIK ISLAM ang KJV ay dahil MAHILIG sa MALI ang mga BALIK ISLAM. HINDI po NILA MALILINLANG ang mga WALANG MALAY kung HINDI SILA GAGAMIT ng MALING SALIN ng BIBLIYA.

Kaya nga po kung UUNAWAIN NATIN ang BIBLIYA ay MAS MAGANDA po na TINGNAN din natin ang ORIHINAL na GRIEGO nito, lalo na kung patungkol sa ARAL ang ating gustong malaman. Ganoon po yon.

Bibliya nagkontra sa bilang?

NOTE: Kung mayroon po kayong tanong o komento ay welcome po kayo mag-comment sa ibaba. Maraming salamat po.

NOTE: Ang post na ito ay isang pinaikli at mas pinalinaw na version ng artikulo na unang lumabas dito noong May 13, 2007 ITULOY po natin ang pagsagot sa sinasabi ng isang Balik Islam na mga umano'y "kontra-kontra" sa Bibliya. Ang layunin po ng ating texter ay SIRAIN ang paniniwala ng mga KRISTIYANO sa BIBLIYA. Ayon sa kanya, kung mayroon daw kontra-kontra sa Bibliya ay hindi raw ito galing sa Diyos. Pero tulad po ng ipinakita na natin ay WALA po sa BIBLIYA ang KONTRA-KONTRA kundi nasa ISIP lang ng ating texter. Pinupuna kasi niya ang ayon sa kanya ay contradictions pero WALA naman siyang ALAM sa TAMANG PAG-UNAWA sa mga sinasabi ng BIBLIYA. HINDI niya ALAM na DAPAT ay UNAWAIN ang isang TEKSTO SANGAYON sa KONTEKSTO o SIRKUMSTANSIYA ng pagkakasulat dito. HINDI TININGNAN ng ating texter ang KONTEKSTO ng PAGKAKASULAT sa 2 Samuel 24:1 at 1 Chronicles 21:1 kaya AKALA NIYA ay magkakontra ang mga iyon. HINDI NIYA ALAM na MAGKAIBA ang SUMULAT sa 2 Samuel at 1 Chronicles kaya MAGKAIBA ang PUNTO DE VISTA ng mga SUMULAT NIYAN. At dahil MAGKAIBA ang PUNTO DE VISTA ay MAGKAIBA RIN ang PAKAHULUGAN na GINAMIT sa mga IYAN--KAHIT pa PAREHONG PANGYAYARI ang TINUTUKOY. Ngayon, kung titingnan po natin ang iba pang talata na umano ay magkakontra, karamihan diyan ay kinuha ng texter natin sa 2 Samuel at 2 Kings na ikinukumpara niya sa mga sinasabi sa Chronicles. Sa madaling salita po, MALI ang PAGKUKUMPARA ng texter nating Balik Islam. At dahil MALI ang ginawa niyang PAGKUKUMPARA niya ay MALI rin ang KONKLUSYON na nabuo sa isip niya. Halimbawa, tingnan po natin ang isa pa sa ibinigay niyang mga talata na mayroon daw "contradictions." Ibinigay niya ang 2 Sam 24:13 at 1 Chr 21:11-12 batay sa SALIN na KING JAMES VERSION. Batay sa HEBREW text ng 2 Sam 24:13 ay ganito po ang sinasabi, "Kaya si Gad ay pumunta kay David at sinabi sa kanya: PITONG taon ba ng taggutom ang darating sa iyo sa iyong lupain?" Sa kabilang dako, sa 1 Chr 21:12 ay sinasabi na "TATLONG taon ng tag-gutom." So, ang tanong ng texter natin ay ano raw ba talaga? PITO o TATLONG taon? "Magkakontra" raw ang mga iyan dahil "magkaiba" raw ang ibinigay na numero. SORRY pero MALI po siya. Sa WALANG ALAM sa BIBLIYA at sa KASAYSAYAN ng mga HUDYO ay "magkakontra" ang 2 Sam 24:13 at 1 Chr 21:12. Pero sa NAKAKAUNAWA ay WALANG KONTRA-KONTRA riyan. Ang AKTUWAL na sinabi ay PITONG TAON, ayon sa pagkaka-ulat sa 2 Sam 24:13. Nung sabihin kasi ni GAD kay Haring David ang tungkol sa PITONG TAON na TAGGUTOM, iyan ay patungkol sa PITONG TAON ng TAGGUTOM na naranasan ng EHIPTO ayon sa Genesis 41:28-30, 53-57. Ang PITONG TAON na TAGGUTOM ay PARUSA ng DIYOS kay DAVID. MULI iyan ay batay sa isang "FACTUAL" na pangyayari at mula sa PUNTO DE VISTA ng KASAYSAYAN. Nung isulat ang 1 Chronicles, ang ginamit ng nagsulat ay ang RELIGIOUS POINT OF VIEW. Kaya ang ginamit niya ay ang bilang na TATLO. Bakit po? Ano po ba ang ibig sabihin ng TATLO? Ang TATLO sa RELIGIOUS POINT of VIEW ay kumakatawan sa KAGANAPAN o NAGPAPAKITA ng pagiging LUBOS. Kung babasahin po natin ang TAGGUTOM na dumating sa EHIPTO sa Gen 41:57 ay makikita natin na iyan ay LUBOS o naging GANAP. Sabi riyan, "Higit pa riyan, ang BUONG MUNDO ay pumunta kay Joseph sa Ehipto para bumili ng butil, dahil ang taggutom ay naging MATINDI na sa BUONG DAIGDIG." So, ang kahulugan po ng TATLO sa 1 Chr 21:12 ay KATULAD at PAREHO ng kahulugan ng PITO sa 2 Sam 24:13. GUMAMIT lang po ang mga manunulat ng MAGKAIBANG PAMAMARAAN para sabihin iyon. Kaya po WALANG KONTRA-KONTRA riyan. KULANG lamang po talaga ang ALAM ng ating texter.

Ang tamang pag-unawa sa Bible

NOTE: Kung mayroon po kayong tanong o komento ay welcome po kayo mag-comment sa ibaba. Maraming salamat po.

ITULOY po natin ang pagpapaliwanag sa mga talata na ayon sa isang nagpapakilalang Balik Islam o convert sa Islam ay magkaka-kontra raw.

MARAMI po siyang HINDI NAUUNAWAAN sa BIBLIYA kaya kailangan po nating ipaliwanag sa kanya ang mga bagay.

Partikular pong HINDI NAUUNAWAAN ng ating texter (at maging ng marami pang ibang tao) ay ang TAMANG PARAAN ng PAG-UNAWA sa BIBLE.

Bago po natin ituloy ang paliwanag sa mga talata na ayon sa ating texter ay "kontra-kontra" ay tingnan muna natin ang TAMANG PARAAN ng PAG-UNAWA sa mga talata.

Para po TAMA ang MAKUHA nating KAHULUGAN ng isang TALATA ay may mga GUIDELINES o ALITUNTUNIN na malaki ang maitutulong sa atin.

Ang mga alituntunin po na iyan ay ang ginagamit sa EXEGESIS o ang PAGKUHA ng KAHULUGAN MULA sa MISMONG TALATA.

Sa EXEGESIS po, ang KAHULUGAN ay GALING sa KONTEKSTO at sa mismong mga SALITA sa TALATA.

Ang KABALIKTARAN po ng exegesis ay ang EISEGESIS kung saan ang NAGBABASA ang NAGLALAGAY ng KAHULUGAN sa TALATA. Ang KAHULUGAN ay HINDI GALING sa TALATA kundi INILALAGAY IYON ng NAGSASALITA.

Sa madaling salita po, ang nakukuha sa EISEGESIS ay ang PANSARILING PAKAHULUGAN LANG ng BUMABASA.

Iyan po ay MALI, lalo na kung ipipilit ng isang tao na iyon nga ang kahulugan ng talata. Sa PANSARILI NIYANG SITWASYON ay maaaring tama iyon pero HINDI SA LAHAT.

Iyan po ang nagagawa ng texter nating Balik Islam na nagsasabi na may "kontra-kontra" sa Bible. Iyan po ang ginawa niya kaya AKALA NIYA ay may "kontra-kontra" sa 2 Samuel 24:1 at 1 Chronicles 21:1 at sa iba pang lugar sa Bibliya.

Binasa niya ang sinasabi ng 2 Sam 24:1 na "Muli ang galit ng PANGINOON ay nag-alab laban sa Israel, at KANYANG IKINILOS si David laban sa kanila ..."

Tapos ay binasa rin niya ang 1 Chr 21:1 na ganito naman ang sinasabi, "Tumayo si SATANAS, at kinilos si David ..."

Pagkatapos ay sinabi niya na "Ayan! Hindi ba magkakontra?

Ang sabi raw sa 2 Sam 24:1 ay ang PANGINOON ang NAGKILOS. Samantala, sa 1 Chr 21:1 ay si SATANAS naman daw.

Dahil diyan ay sinabi pa niya na sa mga Katoliko raw ay "iisa lang" pala ang PANGINOON at si SATANAS. At diyan nga siya NAGKAMALI.

HINDI po kasi niya KINUHA ang KONTEKSTO ng dalawang talata bago siya NAGSALITA. HINDI niya ALAM na MAGKAIBA ang SUMULAT sa 2 Samuel at sa 1 Chronicles at MAGKAIBA ang POINT OF VIEW ng mga NAGSULAT.

Ang PUNTO DE VISTA sa 2 SAMUEL ay HISTORICAL. Ang layunin ng INSPIRED WRITER ay IULAT ang "AKTUWAL" na PANGYAYARI.

Sa kabilang dako, ang NAGSULAT ng 2 CHRONICLES ay PARI o RELIGIOUS LEADER kaya ang PUNTO DE VISTA niya ay sa isang BELIEVER o MANANAMPALATAYA.

Sa mata ng HISTORICAL WRITER sa 2 Samuel, ang DIYOS ang AKTUWAL na NAGKILOS kay DAVID. Alam niya na WALANG BAGAY na NANGYAYARI na HINDI NILOOB ng DIYOS. Iyan ay FACTUAL na BAGAY.

Sa pagsulat ng RELIGIOUS WRITER ng 1 Chronicles ay TINUKOY niya si SATANAS bilang ang mismong nagkilos kay David dahil iyon talaga ang gawain ni SATANAS.

Iyan ay batay sa nabasa nating pangyayari sa Job 1:6-12.

Tulad nga po ng sinabi natin sa sinusundan nitong post ay naging SPECIFIC ang writer ng 1 Chronicles 21:1.

Wala pong pinag-iba iyan sa PAG-UULAT sa mga pangyayari noong PEOPLE POWER nung 1986.

Para sa isang HISTORIAN, ang BIDA riyan ay sina Cardinal Sin, Cory Aquino at Fidel Ramos.

Sa kabilang dako, sa mata ng isang PARI ang BIDA sa matagumpay na "BLOODLESS REVOLUTION" ay ang DIYOS at si MAMA MARY.

Magkakontra po ba? HINDI po. MAGKAIBA lang ang PUNTO DE VISTA na ginamit ng HISTORIAN at ng PARI.

PAREHO SILANG TAMA at WALANG KONTRA-KONTRA sa kanilang sinabi. Ganun din po ang kaso sa 2 Sam 24:1 at 1 Chr 21:1 at sa iba pang mga talata na AKALA ng ILAN ay "magkakontra."

2 Sam 24:1 at 1 Chr 21:1 nagkontra?

NOTE: Kung mayroon po kayong tanong o komento ay welcome po kayo mag-comment sa ibaba. Maraming salamat po.

Isa pa pong "contradiction" ang tinukoy ng isang Balik Islam na nagti-text sa atin: Ito ang sinasabi ng 2 Samuel 24:1 at 1 Chronicles 21:1.

Ano po ba ang sinasabi riyan? Sabi sa 2 Sam 24:1, "Muli ang galit ng PANGINOON ay nag-alab laban sa Israel, at kanyang ikinilos si David laban sa kanila, na sinabi: Humayo ka, bilangin ang mga tao ng Israel at ng Judah."

Anang texter natin, diyan daw ay malinaw na ang PANGINOON ang nagkilos kay David laban sa mga Israelita.

Ngayon, eto naman daw ang sinasabi sa 1 Chr 21:1: "Tumayo si SATANAS, at ikinilos si David na bilangin ang mga tao ng Israel."

Diyan daw ay si SATANAS na ang nagkilos kay David. Dispuwes, aniya, "magka-kontra" ang 2 Sam 24:1 at 1 Chr 21:1.

Tama po ba ang texter nating Balik Islam?

SORRY po pero MALI SIYA. WALA pong magka-kontra riyan. Sa 2 Sam 24:1 ay ipinakita lang na NILOOB ng DIYOS na IKILOS si DAVID.

Sa kabilang dako, sa 1 Chr 21:1 ay IPINAKITA lang na si SATANAS ang mismong NAGKILOS kay DAVID.

Ang ipinapakita po riyan ay ang BUONG LARAWAN ng PROSESO kung PAANO NANGYAYARI ang mga BAGAY-BAGAY sa LARANGAN ng ESPIRITWAL na MUNDO.

Ang simpleng ipinapakita riyan ay WALANG NANGYAYARI na HINDI PINAYAGAN ng DIYOS.

Para po maunawaan natin iyan ay tingnan natin ang pangyayari kay JOB. Sa Job 1:6-12 ay napag-usapan ng Diyos at ni Satanas si Job, na isang tapat na alagad ng Panginoon.

Ayon sa Job 1:9-11 ay kinuwestiyon ni Satanas ang pagiging tapat ni Job. Sabi riyan ni Satanas, "Natatakot ba si Job sa Diyos nang walang kabuluhan?"

"Hindi ba naglagay ka ng bakod sa paligid niya at sa kanyang bahay at lahat ng nasa kanya?"

"Biniyayaan mo siya ng gawa ng kanyang mga kamay, at ang kanyang mga ari-arian ay dumami na sa lupain."

"Pero IUNAT MO ngayon ang IYONG KAMAY, at GALAWIN MO ang lahat ng nasa kanya, at isusumpa ka niya sa iyong mukha."

Paki pansin po na ang hinihingi ni Satanas na IUNAT ng DIYOS ang KANYANG KAMAY at KUMILOS laban kay Job.

Ngayon, sa Job 1:12 ay sinabi ng Diyos kay Satanas, "Sige, ang lahat ng kanya ay sa IYONG KAPANGYARIHAN; pero huwag mong IUNAT ang iyong KAMAY laban sa kanya!"

"At si Satanas ay umalis sa harapan ng Panginoon."

Ang sumunod na mga pangyayari ay KUMILOS na si SATANAS laban kay JOB.

Paki pansin po na ang MISMONG KUMILOS at NAG-UNAT ng KAMAY LABAN kay JOB ay si SATANAS. Sa kabila niyan ay itinuturing na iyon na DIYOS ang NAG-UNAT ng Kanyang kamay laban kay Job.

Bakit po ganoon?

ITINURING at INARI na ang DIYOS ang KUMILOS LABAN KAY JOB dahil PINAYAGAN o NILOOB ng DIYOS na MAIUNAT ang KAMAY ni SATANAS laban sa Kanyang alagad.

Ganyan din po ang ipinapakita sa 2 Sam 24:1 at 1 Chr 21:1.

Sa 2 Sam 24:1 ay NILOOB ng DIYOS na IKILOS si DAVID at sa 1 Chr 21:1 ay ipinapakita na SI SATANAS ang MISMONG NAGKILOS kay David.

Diyan natin makikita na WALANG KONTRA-KONTRA sa 2 Sam 24:1 at 1 Chr 21:1. MALI lang po ang PANG-UNAWA ng ating texter dahil KULANG ang ALAM NIYA sa BIBLE. Salamat po.

2 salinglahi ni Hesus magkakontra?

NOTE: Kung mayroon po kayong tanong o komento ay welcome po kayo mag-comment sa ibaba. Maraming salamat po.

ISANG pinagpalang araw po sa ating lahat.

Mayroon pong nagpapakilalang Balik Islam (convert sa Islam) na nagti-text sa atin at ipinagpipilitan po na may contradictions sa Bibliya.

Ang BIBLIYA? May mga KONTRA-KONTRA? TOTOO po ba ITO?

Isa po sa ibinigay niyang kontra-kontra umano ay ang mga "GENEALOGY" o SALINGLAHI ng ating Panginoong Hesu Kristo sa Matthew 1:1-18 at Luke 3:23-38.

Ayon sa Balik Islam na nag-text sa atin ay "magkaiba" ang nilalaman sa mga salinglahi na iyan.

Alam po ba ninyo na TAMA SIYA?

MAGKAIBA po talaga ang mga SALINGLAHI na binabanggit sa Matthew at Luke: Ang nasa Mt 1:1-18 po ay ang SALINGLAHI ayon sa LINYA ng STEPFATHER ni Hesus na si JOSEPH.

Samantala, ang nasa Lk 3:23-38 po ay ang SALINGLAHI ayon sa LINYA ng INA ni KRISTO na si MARIA.

Ang MAGKAIBANG genealogy na iyan ay ibinigay ng mga EBANGHELISTA upang ipakita na sa alin mang SALINGLAHI tingnan ay galing si HESUS sa ANGKAN ni HARING DAVID at TAGAPAGMANA sa KAHARIAN ni David.

At dahil MAGKAIBANG SALINGLAHI ang tinutukoy sa Matthew at Luke ay NATURAL na MAGKAIBA rin ang NILALAMAN ng bawat isang genealogy.

Diyan ay malinaw natin makikita na WALANG KONTRAHAN sa dalawang salinglahi. MALI ang tinutumbok ng Balik Islam na nag-text sa atin.

Pero itinatanong ng ilan kung bakit hindi man lang nabanggit ang pangalan ni Maria sa Lk 3:23-38 kung iyan ay salinglahi ng ina ni Hesus.

Simple lang po ang paliwanag diyan: Sa mga HUDYO ang mga BABAE ay HINDI ISINASAMA sa paglalahad ng SALINGLAHI ng isang tao. Ang binabanggit ay ang mga LALAKE lang. Kaya po sa halip na si MARIA ang banggitin ay ang ASAWA niyang si JOSEPH ang binanggit. (Lk 3:23)

Marami po ang NALILITO sa bagay na iyan dahil HINDI NILA ALAM ang KAUGALIAN sa KULTURA ng mga HUDYO.

Gumagawa sila ng KONKLUSYON na HINDI NILA NAUUNAWAAN ang kanilang BINABASA.