Tuesday, March 31, 2009

Hesus dapat kilalaning Diyos

SA NAUNA po nating artikulo ay sinimulan nating sagutin ang text ni Samboy ng Pansol, QC.

Heto po uli ang kanyang text, "Mr. Cenon, si Cristo mismo ang nagpakilala sa Kanyang sarili na tao Siya at hindi Diyos, sa John 8:40!"

"At ang Ama ang tunay na Diyos ang pinakilala Niya sa John 17:1-3. At may buhay na walang hanggan ang kumilala sa Ama at Diyos na tunay!"

"Sana maliwanagan ang isipan mo para maligtas ka sa araw ng paghuhukom!"

Sinagot na po natin ang sinasabi ni Samboy na "nagpakilala" raw si Hesus na "tao" sa Jn 8:40.

Bago natin tinapos ang ating naunang artikulo ay naiwan natin ang iba pang sinabi ni Hesus sa Jn 8:56-58.

Diyan ay MALINAW ang PAGPAPAKILALA ni Hesus na Siya ay DIYOS.

Sabi roon ni Hesus, "Ang ama ninyong si Abraham ay nagbunyi sa pag-iisip na makita ang aking araw; nakita niya ito at nagalak."

"Sinabi ng mga Hudyo sa kanya: Wala ka pa ngang limampung taong gulang at nakita mo na si Abraham!"

"Sumagot si Hesus: Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, BAGO PA isinilang si Abraham ay AKO NA NGA!"

Sa sinabing iyan ng Kristo ay NAGALIT lalo ang mga Hudyo. Bakit?

Dahil alam nila kung saan galing ang mga salitang "AKO NA NGA." Ito ay galing sa Exodus 3:14.

Ano naman ang kahulugan ng "AKO NA NGA" at nagalit kay Hesus ang mga Hudyo nung gamitin Niya ito para sa Kanyang sarili?

Heto po at basahin natin ang sinasabi ng talata. Simulan natin sa verse 13 para mas malinaw.

Sabi sa Ex 3:13-14, "Sinabi ni Moises sa Diyos: Kung pupunta ako sa mga Israelita at sabihin sa kanila, Ako ay sinugo ng Diyos ng inyong mga ama at tinanong nila ako, Ano ang kanyang PANGALAN? Ano ang sasabihin ko sa kanila?"

"Sinabi ng Diyos kay Moises: AKO AY AKO NA NGA."

"Ito ang sasabihin mo sa mga Israelita: Ipinadala ako sa inyo ni AKO NA NGA."

Ano raw ang PANGALAN ng DIYOS ayon sa Ex 3:14?

AKO NA NGA.

Kaya nung gamitin iyan ni HESUS sa Jn 8:58 ay NAGALIT sa Kanya ang mga Hudyo.

Ginagamit kasi Niya ang PANGALAN ng DIYOS.

Sa mga Hudyo ay kataka-taka iyan. Ang paniwala kasi nila ay "tao lang" si Hesus at "hindi Diyos."

Pero sa mga TUNAY na NAKAUUNAWA sa mga sinasabi ng Bibliya, normal na lang iyan.

Alam kasi nila na TUNAY na DIYOS si HESUS at DALA ang PANGALAN ng DIYOS.

Sa katunayan, ang salitang "PANGINOON" na ginagamit na TITULO para kay HESUS ay MISMONG TITULO ng DIYOS.

Sa GRIEGO ang katumbas na salita ng PANGINOON na titulo ni Hesus ay KYRIOS.

Sa HEBREO naman, ang katumbas ng KYRIOS ay ADONAI.

Sa ORIHINAL na mga SALITA na iyan, ang KYRIOS at ADONAI ay ginagamit at ibinibigay lang PARA SA DIYOS.

Kaya nga nung gamitin ang KYRIOS kay HESUS ay PINATOTOTOHANAN nila ang pagka-DIYOS ng KRISTO.

Sa text ni Samboy ay sinasabi niya na sana raw ay "maliwanagan ang isipan" natin kaugnay sa kalikasan ni Hesus.

Gustong sabihin ni Samboy na kung patuloy tayong maniniwala na DIYOS si HESUS ay hindi tayo maliligtas.

Ibabalik ko kay Samboy ang sinabi niya.

"Samboy, kung hindi ka maniniwala na DIYOS si HESUS ay HINDI KA MALILIGTAS."

Bakit?

Ganito ang sinasabi sa Romans 10:9, "Kung IKUKUMPISAL ninyo ng inyong bibig na ‘Si HESUS ay PANGINOON,’ at maniwala sa inyong puso na ibinangon siya ng Diyos mula sa patay, KAYO AY MALILIGTAS."

Ang pagkumpisal diyan na si Hesus ay PANGINOON ay hindi lang basta pagsasabi na Siya ay basta lang ‘Panginoon."

Sinasabi riyan na ang ikukumpisal ay si Hesus na KYRIOS o DIYOS.

Sa madaling salita, kung HINDI IKUKUMPISAL ang pagiging DIYOS ni HESUS ay HINDI MALILIGTAS ang isang tao.

Kaya dasal ko, Samboy, na MALIWANAGAN ang ISIPAN MO para MALIGTAS KA sa Araw ng Paghuhukom!

At kahit pa basahin natin ang sinasabi ng Jn 17:3 ay ganyan din ang sinasabi.

Sinabi roon ni Hesus, "Ngayon, ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang nag-iisang tunay na Diyos, AT SI HESU KRISTO na iyong sinugo."

HINDI LANG pala ang AMA ang DAPAT KILALANIN kundi pati si KRISTO HESUS.

At ayon nga sa Jn 1:1, 14 at maging sa Rom 10:9, si HESUS ay DIYOS DIN at DAPAT na IKUMPISAL na TUNAY na DIYOS.

Salamat, Samboy.

No comments:

Post a Comment