Tuesday, March 10, 2009

Pablo at Lukas nagkontrahan nga ba?

NOTE: Kung mayroon po kayong tanong o komento ay welcome po kayo mag-comment sa ibaba. Maraming salamat po.

NOTE: Ang post na ito ay isang pinaikli at mas pinalinaw na version ng artikulo na unang lumabas dito noong May 13, 2007

ITULOY po natin ang pagsagot sa text ng isang Balik Islam na nagsabi na maraming "contradictions" o "salungatan" sa BIBLIYA. Dahil daw diyan ay hindi raw ito galing sa Diyos.

Ibinigay po niyang halimbawa ang pagpapakita ng Panginoong Hesus kay Pablo sa daan papunta sa Damascus.

Sa Acts 9:7 ay ganito ang ulat ni LUKE na nagsulat ng aklat, "Ang MGA LALAKING KASAMA NIYA [Pablo] ay hindi nakapagsalita dahil NARINIG NILA ang BOSES pero wala silang nakita."

Sa kabilang dako ay ganito ang sinabi ni PABLO sa Acts 22:9, "Nakita ng mga kasama ko ang liwanag pero HINDI NARINIG ang BOSES ng kumausap sa akin."

Pinuna ng ating texter na sa Acts 9:7 ay "NARINIG" nga raw ng mga kasama ni Pablo ang BOSES ng isang NAGSASALITA. Samantala, sa Acts 22:9 ay sinabi naman na "HINDI NARINIG" ng mga kasama ang BOSES.

Naku, tila "magkakontra" nga, hindi po ba? Ang tanong ay MAGKAKONTRA NGA BA?

HINDI po. At MALINAW nating MAKIKITA na WALANG KONTRA-KONTRA riyan kapag tiningnan natin ang PAGKAKASULAT ng Acts 9:7 at Acts 22:9 sa ORIHINAL na GRIEGO.

Sa ORIHINAL na GRIEGO, ang ginamit na salita sa Acts 9:7 para sa "NARINIG" ay "AKOUONTES" na ang kahulugan ay "NARINIG."

Doon naman sa ORIHINAL na GRIEGO ng Acts 22:9, ang salita na isinalin "HINDI NARINIG" ay "OUK EKOUSAN" na ang MAS TUGMANG SALIN ay "NARINIG PERO HINDI NAINTINDIHAN."

So, diyan natin makikita na kung sa ORIHINAL na GRIEGO natin babasahin ang Acts 9:7 at Acts 22:9 ay MAGKAIBA ang SINASABI ng DALAWANG TALATA.

At kung ilalapat na natin ang KAHULUGAN ng sinabi ni PABLO sa Acts 22:9 ay makikita natin na HINDI NIYA KINONTRA ang sinabi ni Lukas sa Acts 9:7.

Ang sinasabi kasi ni Pablo sa Acts 22:9 ay "NARINIG" nga ng mga KASAMA NIYA ang BOSES ng NAKIPAG-USAP sa kanya pero "HINDI NILA IYON NAINTINDIHAN."

Nagkaroon lang po ng kalituhan dahil nung ISALIN ang dalawang salita ay sinunod ng TAGASALIN ay ang ROOT WORD ng "AKOUONTES" at "EKOUSAN."

IISA po kasi ang ROOT WORD ng dalawang salita na iyan. Iyan ang "AKOUO" na ang pinaka-ugat na kahulugan ay "MAKINIG." Ang nangyari po ay MAY NAWALA sa KAHULUGAN ng "EKOUSAN" noong ito ay ISALIN sa INGLES at PILIPINO.

Pero HINDI po LAHAT ng SALIN sa INGLES ay MALI. May ILAN lang pong SALIN na NAGKAMALI, KASAMA NA ang KING JAMES VERSION (KJV) na MATAGAL na nating SINASABI RITO na MALI-MALI ang SALIN.

At kaya naman po PABORITONG SALIN ng mga BALIK ISLAM ang KJV ay dahil MAHILIG sa MALI ang mga BALIK ISLAM. HINDI po NILA MALILINLANG ang mga WALANG MALAY kung HINDI SILA GAGAMIT ng MALING SALIN ng BIBLIYA.

Kaya nga po kung UUNAWAIN NATIN ang BIBLIYA ay MAS MAGANDA po na TINGNAN din natin ang ORIHINAL na GRIEGO nito, lalo na kung patungkol sa ARAL ang ating gustong malaman. Ganoon po yon.

1 comment:

  1. bro Cenon,napakaliwanag mo magpaliwanag hehehe salamat po sa iyo,at sana gamitin ka pa ng Dios at humaba pa ang iyong buhay para maipaliwanag sa lahat ng mga may duda sa kristyanismo at sa Bible (God's manual to humanities)

    ReplyDelete