Tuesday, March 10, 2009

Ang tamang pag-unawa sa Bible

NOTE: Kung mayroon po kayong tanong o komento ay welcome po kayo mag-comment sa ibaba. Maraming salamat po.

ITULOY po natin ang pagpapaliwanag sa mga talata na ayon sa isang nagpapakilalang Balik Islam o convert sa Islam ay magkaka-kontra raw.

MARAMI po siyang HINDI NAUUNAWAAN sa BIBLIYA kaya kailangan po nating ipaliwanag sa kanya ang mga bagay.

Partikular pong HINDI NAUUNAWAAN ng ating texter (at maging ng marami pang ibang tao) ay ang TAMANG PARAAN ng PAG-UNAWA sa BIBLE.

Bago po natin ituloy ang paliwanag sa mga talata na ayon sa ating texter ay "kontra-kontra" ay tingnan muna natin ang TAMANG PARAAN ng PAG-UNAWA sa mga talata.

Para po TAMA ang MAKUHA nating KAHULUGAN ng isang TALATA ay may mga GUIDELINES o ALITUNTUNIN na malaki ang maitutulong sa atin.

Ang mga alituntunin po na iyan ay ang ginagamit sa EXEGESIS o ang PAGKUHA ng KAHULUGAN MULA sa MISMONG TALATA.

Sa EXEGESIS po, ang KAHULUGAN ay GALING sa KONTEKSTO at sa mismong mga SALITA sa TALATA.

Ang KABALIKTARAN po ng exegesis ay ang EISEGESIS kung saan ang NAGBABASA ang NAGLALAGAY ng KAHULUGAN sa TALATA. Ang KAHULUGAN ay HINDI GALING sa TALATA kundi INILALAGAY IYON ng NAGSASALITA.

Sa madaling salita po, ang nakukuha sa EISEGESIS ay ang PANSARILING PAKAHULUGAN LANG ng BUMABASA.

Iyan po ay MALI, lalo na kung ipipilit ng isang tao na iyon nga ang kahulugan ng talata. Sa PANSARILI NIYANG SITWASYON ay maaaring tama iyon pero HINDI SA LAHAT.

Iyan po ang nagagawa ng texter nating Balik Islam na nagsasabi na may "kontra-kontra" sa Bible. Iyan po ang ginawa niya kaya AKALA NIYA ay may "kontra-kontra" sa 2 Samuel 24:1 at 1 Chronicles 21:1 at sa iba pang lugar sa Bibliya.

Binasa niya ang sinasabi ng 2 Sam 24:1 na "Muli ang galit ng PANGINOON ay nag-alab laban sa Israel, at KANYANG IKINILOS si David laban sa kanila ..."

Tapos ay binasa rin niya ang 1 Chr 21:1 na ganito naman ang sinasabi, "Tumayo si SATANAS, at kinilos si David ..."

Pagkatapos ay sinabi niya na "Ayan! Hindi ba magkakontra?

Ang sabi raw sa 2 Sam 24:1 ay ang PANGINOON ang NAGKILOS. Samantala, sa 1 Chr 21:1 ay si SATANAS naman daw.

Dahil diyan ay sinabi pa niya na sa mga Katoliko raw ay "iisa lang" pala ang PANGINOON at si SATANAS. At diyan nga siya NAGKAMALI.

HINDI po kasi niya KINUHA ang KONTEKSTO ng dalawang talata bago siya NAGSALITA. HINDI niya ALAM na MAGKAIBA ang SUMULAT sa 2 Samuel at sa 1 Chronicles at MAGKAIBA ang POINT OF VIEW ng mga NAGSULAT.

Ang PUNTO DE VISTA sa 2 SAMUEL ay HISTORICAL. Ang layunin ng INSPIRED WRITER ay IULAT ang "AKTUWAL" na PANGYAYARI.

Sa kabilang dako, ang NAGSULAT ng 2 CHRONICLES ay PARI o RELIGIOUS LEADER kaya ang PUNTO DE VISTA niya ay sa isang BELIEVER o MANANAMPALATAYA.

Sa mata ng HISTORICAL WRITER sa 2 Samuel, ang DIYOS ang AKTUWAL na NAGKILOS kay DAVID. Alam niya na WALANG BAGAY na NANGYAYARI na HINDI NILOOB ng DIYOS. Iyan ay FACTUAL na BAGAY.

Sa pagsulat ng RELIGIOUS WRITER ng 1 Chronicles ay TINUKOY niya si SATANAS bilang ang mismong nagkilos kay David dahil iyon talaga ang gawain ni SATANAS.

Iyan ay batay sa nabasa nating pangyayari sa Job 1:6-12.

Tulad nga po ng sinabi natin sa sinusundan nitong post ay naging SPECIFIC ang writer ng 1 Chronicles 21:1.

Wala pong pinag-iba iyan sa PAG-UULAT sa mga pangyayari noong PEOPLE POWER nung 1986.

Para sa isang HISTORIAN, ang BIDA riyan ay sina Cardinal Sin, Cory Aquino at Fidel Ramos.

Sa kabilang dako, sa mata ng isang PARI ang BIDA sa matagumpay na "BLOODLESS REVOLUTION" ay ang DIYOS at si MAMA MARY.

Magkakontra po ba? HINDI po. MAGKAIBA lang ang PUNTO DE VISTA na ginamit ng HISTORIAN at ng PARI.

PAREHO SILANG TAMA at WALANG KONTRA-KONTRA sa kanilang sinabi. Ganun din po ang kaso sa 2 Sam 24:1 at 1 Chr 21:1 at sa iba pang mga talata na AKALA ng ILAN ay "magkakontra."

2 comments:

  1. Who is copying whom? Who is stealing from whom? Please check it out

    100% Bible PLAGIARISM

    2 Kings 19 and Isaiah 37

    here's how to do it; let the other person read 2Kings 19 while your following him in Isaiah 37 that simple; and find it out yourself!

    Partial Bible Contradictions / Acid Test

    Who Proved David?

    2 Sam 24 :
    And again the anger of the LORD was kindled angainst Israel, and he moved David against them to say, Go, number Israel and Judah.

    1 Chronicles 21
    And SATAN stood up against Israel, and provoked David to number Israel.

    who provoked David LORD or SATAN? kontra-kontra po di ba?

    What did the Lord decree 3 years Famine or 7 years Famine?

    2 Samuel 24:13
    13; So Gad came to David, and told him, and said unto him, Shall SEVEN YEARS OF FAMINE come unto thee in thy land? or wilt thou flee three months before thine enemies, while they pursue thee?

    1 Chronicles 21:11-12
    11; So Gad came to David, and said unto him, Thus saith the Lord, Choose thee
    12; Either THREE YEARS' FAMINE; or three months to be destroyed before thy foes, while that the sword of thine enemies overtaketh thee;

    3 years Famine or 7 years of Famine? kontra-konta talaga ano po?

    pero nakapagtataka lamang po kong bakit hindi nakikita ni Mr. Cenon Bebi ang mga kontra-kontra at Salungatang iyan sa mismong Bibliya nya mga kaibigan, ganon pa man partial pa lamang po iyan mga giliw na tagasubaybay. hanggang sa susunod po. salamat po ng marami

    ReplyDelete
  2. NAALARMA na po ang BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN kaya INULIT na pa ang mga "kontra-kontra" daw sa Bibliya.

    PURO PO BUNGA yan ng MALI-MALI at PALPAK NILANG PANG-UNAWA.

    Actually ay NASAGOT na po NATIN ang mga iyan.

    Paki click po sa TOPIC LIST sa KALIWA ang nakasulat na "BIBLE CONTRADICTIONS," "BIBLE MISTAKES," "BIBLE: CORRUPT?" "BIBLE: 66 O 73 BOOKS?"

    Diyan po ninyo MAKIKITA at MAPATUTUNAYAN na PURO MALI at KASINUNGALINGAN ang SINASABI nitong mga BALIK ISLAM.

    MAKIKITA rin po ninyo sa mga iyan ang PANINIRA na GINAGAWA nitong mga BALIK ISLAM laban sa BIBLIYA. PATUNAY po na GUMAGAWA LANG SILA ng GULO sa PAGITAN ng mga TUNAY na MUSLIM at mga KRISTYANO.

    Ngayon, ang ABANGAN PO NINYO ay ang mga KONTRA-KONTRA at MALI-MALI sa mga INTERPRETASYON ng mga SKOLAR na MUSLIM.

    TINITIYAK KO PO SA INYO na WALANG MAITUTUTOL ang mga BALIK ISLAM sa mga IPAKIKITA NATIN.

    Salamat po.

    ReplyDelete