NOTE: Kung mayroon po kayong tanong o komento ay welcome po kayo mag-comment sa ibaba. Maraming salamat po.
NOTE: Ang post na ito ay isang pinaikli at mas pinalinaw na version ng artikulo na unang lumabas dito noong May 13, 2007 ITULOY po natin ang pagsagot sa sinasabi ng isang Balik Islam na mga umano'y "kontra-kontra" sa Bibliya. Ang layunin po ng ating texter ay SIRAIN ang paniniwala ng mga KRISTIYANO sa BIBLIYA. Ayon sa kanya, kung mayroon daw kontra-kontra sa Bibliya ay hindi raw ito galing sa Diyos. Pero tulad po ng ipinakita na natin ay WALA po sa BIBLIYA ang KONTRA-KONTRA kundi nasa ISIP lang ng ating texter. Pinupuna kasi niya ang ayon sa kanya ay contradictions pero WALA naman siyang ALAM sa TAMANG PAG-UNAWA sa mga sinasabi ng BIBLIYA. HINDI niya ALAM na DAPAT ay UNAWAIN ang isang TEKSTO SANGAYON sa KONTEKSTO o SIRKUMSTANSIYA ng pagkakasulat dito. HINDI TININGNAN ng ating texter ang KONTEKSTO ng PAGKAKASULAT sa 2 Samuel 24:1 at 1 Chronicles 21:1 kaya AKALA NIYA ay magkakontra ang mga iyon. HINDI NIYA ALAM na MAGKAIBA ang SUMULAT sa 2 Samuel at 1 Chronicles kaya MAGKAIBA ang PUNTO DE VISTA ng mga SUMULAT NIYAN. At dahil MAGKAIBA ang PUNTO DE VISTA ay MAGKAIBA RIN ang PAKAHULUGAN na GINAMIT sa mga IYAN--KAHIT pa PAREHONG PANGYAYARI ang TINUTUKOY. Ngayon, kung titingnan po natin ang iba pang talata na umano ay magkakontra, karamihan diyan ay kinuha ng texter natin sa 2 Samuel at 2 Kings na ikinukumpara niya sa mga sinasabi sa Chronicles. Sa madaling salita po, MALI ang PAGKUKUMPARA ng texter nating Balik Islam. At dahil MALI ang ginawa niyang PAGKUKUMPARA niya ay MALI rin ang KONKLUSYON na nabuo sa isip niya. Halimbawa, tingnan po natin ang isa pa sa ibinigay niyang mga talata na mayroon daw "contradictions." Ibinigay niya ang 2 Sam 24:13 at 1 Chr 21:11-12 batay sa SALIN na KING JAMES VERSION. Batay sa HEBREW text ng 2 Sam 24:13 ay ganito po ang sinasabi, "Kaya si Gad ay pumunta kay David at sinabi sa kanya: PITONG taon ba ng taggutom ang darating sa iyo sa iyong lupain?" Sa kabilang dako, sa 1 Chr 21:12 ay sinasabi na "TATLONG taon ng tag-gutom." So, ang tanong ng texter natin ay ano raw ba talaga? PITO o TATLONG taon? "Magkakontra" raw ang mga iyan dahil "magkaiba" raw ang ibinigay na numero. SORRY pero MALI po siya. Sa WALANG ALAM sa BIBLIYA at sa KASAYSAYAN ng mga HUDYO ay "magkakontra" ang 2 Sam 24:13 at 1 Chr 21:12. Pero sa NAKAKAUNAWA ay WALANG KONTRA-KONTRA riyan. Ang AKTUWAL na sinabi ay PITONG TAON, ayon sa pagkaka-ulat sa 2 Sam 24:13. Nung sabihin kasi ni GAD kay Haring David ang tungkol sa PITONG TAON na TAGGUTOM, iyan ay patungkol sa PITONG TAON ng TAGGUTOM na naranasan ng EHIPTO ayon sa Genesis 41:28-30, 53-57. Ang PITONG TAON na TAGGUTOM ay PARUSA ng DIYOS kay DAVID. MULI iyan ay batay sa isang "FACTUAL" na pangyayari at mula sa PUNTO DE VISTA ng KASAYSAYAN. Nung isulat ang 1 Chronicles, ang ginamit ng nagsulat ay ang RELIGIOUS POINT OF VIEW. Kaya ang ginamit niya ay ang bilang na TATLO. Bakit po? Ano po ba ang ibig sabihin ng TATLO? Ang TATLO sa RELIGIOUS POINT of VIEW ay kumakatawan sa KAGANAPAN o NAGPAPAKITA ng pagiging LUBOS. Kung babasahin po natin ang TAGGUTOM na dumating sa EHIPTO sa Gen 41:57 ay makikita natin na iyan ay LUBOS o naging GANAP. Sabi riyan, "Higit pa riyan, ang BUONG MUNDO ay pumunta kay Joseph sa Ehipto para bumili ng butil, dahil ang taggutom ay naging MATINDI na sa BUONG DAIGDIG." So, ang kahulugan po ng TATLO sa 1 Chr 21:12 ay KATULAD at PAREHO ng kahulugan ng PITO sa 2 Sam 24:13. GUMAMIT lang po ang mga manunulat ng MAGKAIBANG PAMAMARAAN para sabihin iyon. Kaya po WALANG KONTRA-KONTRA riyan. KULANG lamang po talaga ang ALAM ng ating texter.
No comments:
Post a Comment