Thursday, March 26, 2009

'Hesus humingi ng tulong sa Diyos'

BIGYANG daan po natin itong isa pang pagtutol ng isang Balik Islam sa pagka-Diyos ng ating Panginoong Hesu Kristo.

Sabi ng ating texter, “Hindi Diyos si Jesus. Siya mismo ay nanalangin at humingi ng tulong sa Diyos. Sabi Niya ‘Diyos ko, Diyos ko.’ So, paano mo nasabi na Diyos Siya?”

Salamat po sa ating texter.

Ang tinutukoy po ng ating texter ay ang mga salita ng ating Panginoon habang Siya ay nakapako sa krus ayon sa Matthew 27:46.

Sinasabi po riyan, “Bandang alas-tres ng hapon ay sumigaw si Hesus sa isang malakas na boses: Eli, Eli, lema sabachthani, na ang kahulugan ay: Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”

Sa simpleng pagtingin ay PARANG TUMATAWAG nga sa DIYOS ang ating Panginoong Hesus.

Ang tanong po ay PERSONAL bang PANALANGIN ni HESUS IYAN?

SORRY pero HINDI po. MALI lang po ang PAGKA-UNAWA ng ating texter sa sinasabi ng talata.

Sa totoo lang po ay MADALING MAUNAWAAN ang BIBLIYA, pero yun ay kung ALAM NATIN ang mga KONTEKSTO at KASAYSAYAN ng mga NILALAMAN niyan.

Sa mga HINDI ALAM ang KONTEKSTO at KASAYSAYAN ng BANAL na KASULATAN ay MALAMANG na MALITO SILA, MAGKAMALI NG UNAWA at MALIGAW pa sa kanilang PANINIWALA.

Halimbawa nga po sinabi ng Panginoon sa Mt 27:46. Para nga po Siyang nananalangin diyan, hindi po ba?

Pero MALI nga po.

Dahil kung pamilyar tayo sa iba pang sinasabi ng Bibliya ay malalaman natin na ang mga sinabi ni Hesus ay GALING SA PSALM 22:2.

Ang BUONG PSALM 22 ay PANALANGIN ng ISANG INOSENTENG INAAPI .

Sa madaling salita po, GINAGAMIT ni HESUS ang SALITA ng INOSENTENG INAAPI para IPAKITA na Siya ay NAKIKIISA sa mga API.

Sa PAGGAMIT ni HESUS sa SALITA ng INOSENTENG INAAPI ay parang sinasabi Niya sa isang INAAPI na: “HINDI KA NAG-IISA. KASAMA MO AKO.”

PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!

Madali nating mauunawaan ang ginawa ni Hesus dahil ganyan tayong mga tao.

Kapag tayo ay NALULUNGKOT, inaawit natin ay SALITA ng KANTANG MALUNGKOT.


“Lonely, I’m Mr. Lonely ... I have nobody to call my own ...”


Kapag tayo ay BIGO sa PAG-IBIG, umaawit tayo at gumagamit ng SALITA at TUGTOG ng BIGO sa PAG-IBIG.

“Minsan, ang isang pangako ay maihahambing ... sa isang KASTILYONG BUHANGIN ...”

Kung tayo naman ay MASAYA ay halos ipagsigawan natin ang mga TITIK ng AWIT ng KAGALAKAN.

“Ang PUSO KO’Y NAGPUPURI, NAGPUPURI SA PANGINOON! NAGAGALAK ang AKING ESPIRITU saking TAGAPAGLIGTAS ...”

At kahit sa pagiging MAKABAYAN ay nagagamit natin ang mga SALITA ng mga NAGMAMAHAL sa BANSA.

“Ang BAYAN KONG PILIPINAS ... LUPAIN ng GINTO’T BULAKLAK ...”

GINAGAMIT natin ang mga SALITA ng IBA para MAKA-RELATE TAYO sa KANILA at MAIPAKITA na KAISA NILA TAYO at KASAMA sa anuman ang kanilang NARARAMDAMAN.

At iyan nga po ang dahilan kung bakit ISINIGAW ni HESUS ang mga PAUNANG TALATA ng PSALM 22 o ang AWIT ng INOSENTENG INAAPI.

SINASABI ni HESUS sa mga INOSENTENG INAAPI na “HUWAG KAYONG MALUNGKOT o MAWALAN ng PAG-ASA dahil KASAMA NINYO AKO.”

At ano naman po ang KAHALAGAHAN kung KASAMA ng mga INOSENTENG INAAPI si HESUS?

SIMPLE po. Ang sinasabi ni Hesus ay KASAMA ng mga INOSENTENG INAAPI ang DIYOS.

Paano nangyari na KASAMA nila ang DIYOS dahil sa mga SALITA ni HESUS?

Nangyayari po iyon dahil ang NAKIKIISA sa mga INAAPING INOSENTE ay ang mismong DIYOS na NAGKATAWANG TAO at NAKADANAS ng PANG-AAPI kahit na Siya ay WALANG KASALANAN.

HINDI lang po SINABI ng DIYOS na si HESUS na “KASAMA NINYO AKO.” GINAWA MISMO ni KRISTO na DANASIN ang KAAPIHAN ng mga TAONG PINAHIHIRAPAN kahit WALANG SALA.

HINDI po Siya TUMIGIL sa PAGKAKATAWANG TAO para IPAKITA na SIYA ang EMMANUEL o ang DIYOS na KASAMA NATIN (Mt 1:23).

Pati ang KAMATAYAN NATIN ay DINANAS NIYA para PATUNAYAN na TUNAY SIYANG KAISA NATIN.

Ngayon, HINDI po TUMIGIL si HESUS sa KAMATAYAN.

Si HESUS po ay NABUHAY na MULI (Mt 28:5) upang TAYO na NABINYAGAN sa KANYANG KAMATAYAN ay MAKASAMA naman NIYA sa PAGKAKAROON ng BAGONG BUHAY. (Romans 6:4)

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

So, iyan po ang kahulugan ng pagsambit ni Hesus ng “Diyos ko! Diyos ko!” sa Mt 27:46.

Salamat po.

5 comments:

  1. Kailanman hindi ginusto ni Jesus ang maipako siya sa krus .. maraming nagaasam ng kamatayan ni hesus upang mailigtas ang kanilang mga kasalanan at mapagtakpan ang kanilang mga pagkukulang sa pananampalataya .. si hesus mismo ang nagsabi na ayaw niyang maipako sa krus sapagkat batid niya ang kalalagayan ng mga nakapako sa krus sila ay ang mga isnumpa ... kung kaya naman siya ay nagsumamo sa Diyos na hanggat maari ay ilayo ang saro ng paghihirap na ito sa krus ... magkagayon paman kung ito ang talagang nais ng Diyos para sa kanya ay iyon nawa ang mangyari ... subalit hindi ba dininig ng Diyos ang pagsusumamo ng isang taong matapat at walang dungis ng kasalanan .. katotohanan dahil sa kanyang walang patid na panalangin na halos maganyong patak ng dugo ang kanyang pawis ay DININIG NG DIYOS ANG KANYANG PAGSUSUMAMO .. iniligtas siya ng Diyos sa tiyak na kamatayan sa krus ....

    ReplyDelete
    Replies
    1. SORRY po. HINDI NINYO NABASA na MISMONG ang PANGINOONG HESUS ang NAGSABI na MALAYA NIYANG INIAALAY ang KANYANG BUHAY para sa TAO.

      John 10:17
      The reason my Father loves me is that I lay down my life—only to take it up again.

      Delete
  2. Ang paksa po kasi sa usaping ito ay "kung himungi nga ba ng tulong si hesus sa Diyos" sa mga paliwanag ni ginoong bibe walang kahit isang salita niya ang maliwanag ... puro Pero MALI nga po .. ang bawat katagang binibitiwan niya ... at sinusubukan pa nya na ilayo ang usapan sa pamamagitan ng pagbanggit ng ibang mga talata ng bibliya na napakalayo sa paksang tinatalakay ... at nagbibigay pa siya ng mga paghahalimbawa ng pagpapakita ng pagiging mahina ng kanyang pananampalataya

    Kapag tayo ay BIGO sa PAG-IBIG, umaawit tayo at gumagamit ng SALITA at TUGTOG ng BIGO sa PAG-IBIG.

    "Minsan, ang isang pangako ay maihahambing ... sa isang KASTILYONG BUHANGIN ..."

    Kung tayo naman ay MASAYA ay halos ipagsigawan natin ang mga TITIK ng AWIT ng KAGALAKAN.

    "Ang PUSO KO'Y NAGPUPURI, NAGPUPURI SA PANGINOON! NAGAGALAK ang AKING ESPIRITU saking TAGAPAGLIGTAS ..."

    At kahit sa pagiging MAKABAYAN ay nagagamit natin ang mga SALITA ng mga NAGMAMAHAL sa BANSA.

    "Ang BAYAN KONG PILIPINAS ... LUPAIN ng GINTO'T BULAKLAK ..."

    GINAGAMIT natin ang mga SALITA ng IBA para MAKA-RELATE TAYO sa KANILA at MAIPAKITA na KAISA NILA TAYO at KASAMA sa anuman ang kanilang NARARAMDAMAN.

    HINDI GANITO KAHINA ANG ATING TAGAPAGLIKHA NA NAGMAMAYARI SA SANTINAKPAN ..

    HINDI KAILANMAN SIYA GAGAWA NG ISANG LARO LARO O KUNWAKUNWARIANG PALABAS UPANG IPAKITA NIYA SA ATIN ANG KANYANG PAGMAMAHAL AT PAGIGING PINAKAMABAGIN ...

    ReplyDelete
  3. malinaw na nililigaw ni cenon ang mga naka saad sa bibliya na tumawag ang hesus sa panginoon,malinaw na may kinikilala syang diyos...dinedeny pa; u denied the truth.

    ReplyDelete
    Replies
    1. So, ano naman kung tumawag sa KANYANG AMA ang PANGINOONG HESUS?

      Kahit sa TAO ay NORMAL na TUMAWAG ang ANAK sa KANYANG AMA.

      WALANG PROOF na HINDI DIYOS si HESUS gamit ang ARGUMENTO NINYO.

      Ayon sa BIBLIYA ay ang PANGINOONG HESUS MISMO ay PANGINOON.

      Romans 10:9
      If you declare with your mouth, “Jesus is Lord,” and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved.

      Delete